17: Free

4469 Words
And last but not the least, Ms. Einah Domeñana Morales!" Halos magiba ang buong lobby dahil sa sobrang lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga estudyante na nandito maliban sa aming lima. "Kandidata pala ang walanghiya." Tatawa-tawang sambit ni Yuna. "Kaya pala siya wala." Ani Leon. "Bakit naman hindi niya sinabi sa akin? Nagmukha tuloy akong fifth party." Reklamo naman ni EQ habang pasulyap-sulyap pa sa amin. "Ang mga babae gano’n talaga, basta-basta na lang gumagawa ng desisyon kahit hindi tama." Usal ni Atrhon na agad ko namang pahilim na kinurot sa hita. "Aww.." "She's a 20 year old ABM student and has one of the highest grades in Section B-4. A height of 5'6 and a vital statistics of 36-24-34. She also graduated with high honors in Reedley International School." Masigabong palakpakan na naman ang aming narinig matapos siyang ipakilala ng emcee. Nilingon ko naman ang mga kasama ko at nakitang pumapalakpak din silla kaya nakipalakpak na rin ako. "And now, our officers will give you one-by-one a copy of the election papers and their you can vote the best candidate for you. But for now, let us call on our ball dancers for tonight." Isa-isang nagsipasukan ang mga estudyanteng nakapang-ballroom ang outfit at saka pumwesto sa gitna. Maya-maya pa, tumugtog na rin ang kanta. Todo indayog sila sa ganda ng kanta. Bawat beat, sumasabay sila rito. May ibang nagpapalakpakan at may iba namang walang pakialam. Samantalang sa grupo namin, lahat kami, manghang-mangha dahil sa gagaling sumayaw ng mga ballroom dancers. Hindi na ako nagtataka kung bakit sila ang napili na sumayaw ngayong gabi. "Dapat nanjan din tayo, oh." Bulong ni Dragon sa aking tainga na agad ko namang pinitik. Pinunasan ko rin ang aking tainga ng paulit-ulit simbolo ng pagkairita ko sa kanya. "Nakakadiri ka." Asik ko at saka nanahimik. "Ang sungit naman neto. Maganda ka lang ganyan ka na." Pagmamaktol niya at isinandal ang ulo sa mesa. "Sobra nang na-bored ang maknae. AHAHAHAHAHAHHAHA!" Wala sa sariling tugon ni EQ "Ikaw nga iniwan ng jowa, e." Inirapan siya nito. "Alam mo lahat ng sinasabi mo hindi konektado." "Tch." Tanging iyon na lamang ang nasabi dahil maging siya, alam sa sarili niya na hindi siya mananalo sa kasamahan niya. May dumating ding waiters at nagserve sa amin ng wine at desserts. So, para talaga kaming nasa prom nito. Bakit ba ganito rito? Everything needs to be so special. Sa totoong election, boboto ka lang tapos naka-electric fan pa habang nakapila. ‘yong iba, nagpapaypay tapos may maaamoy ka pang hindi maganda. Kung minsan naman, may manghihipo pa. Pero dito hindi. Para itong election na kasabay ang prom. Na-miss ko tuloy ‘yong high school days ko. "Papalit ng mocha. 'Di ako kumakain ng chocolate." Leon complained. Agad namang kinuha ng waiter ang plato niya at nagtungo sa main table para palitan ang nakahain sa kanya. "Nga pala! Si Jack?" Biglaang tanong ni Yuna. "Tch. Yon? Masanay ka na run. Di yon pupunta. May sakit 'daw' siya." Sagot ni EQ, ang housemate niya. "We? Nanonood lang yon ng ano, e." Wika ni Leon. "Bat ikaw, hindi?" Si EQ "May sinabi ba akong hindi ako nanonood?" Sabat nito. "Tama na nga ‘yan. Ang bo-boring naman ng pinapanood niyo, e. Walang twist. Pare-pareo lang naman ng plot ‘yong nga dinadownload niyo." Pag-sasaway sa kanila ni Dragon. "Nakaw! Nagalit na ang mastermind. AHAHAHAHAHA!" Ani Leon. Habang kumakain kami, may mga officer na nagbigay ng maliit na slip sa amin at kani-kanyang ballpen. Eto na. May maboboto na ako. "Sino Iboboto mo?" Sumulyap sa papel ko si Dragon ngunit inilihis ko ito upang hindi niya makita. "Sus. Edi wag." Ako naman ngayon ang inirapan niya. Shinade ko, ang bilog kung saan nakatapat ang pangalan ni Tina, ang second candidate. Gano’n din naman ang ginawa nila. Ang kaibahan, hindi ko nga lang alam kung sinu-sino ang mga binoto nila. "Sure akong si Einah mananalo niyan." Tugon ni Yuna. "Sana naman 'wag. Lalo yon yayabang, e." Sabi naman ni Leon sabay subo ng cake. "So what? Ano kung yumabang siya?" Minsanan ko lang marinig magsalita si Veilar. "Naku, ang Pangit! Baka kung anu-ano pa ‘yong ipagawa niya sa atin tapos baka mamaya mas lalong lumala ang pambubully niya." Paliwanag naman ni Yuna. "Besides, she's not that good when it comes to leadership." Muli kong naagaw ang atensyon ng lahat nang magsalita ako. "Kung iboto man siya ng mga tao, hindi rin naman siya mananalo." Naguluhan ako sa sinabi ni Veilar. Paano siya matatalo kung siya ang iboboto? "Unless kung makita nila..." Pahabol pa nito. Sakto namang dumating na ang officers para kuhain ang papel na mabilis naman naming ibinigay sa kanila maliban kau Veilar. May ibinulong muna siya sa officer at tumango naman ito. Dali-dali naman silang tumakbo patungong backstage para siguro bilangin ang votes. Sakto namang natapos na ang pagsasayaw nila nang muling lumabas ang emcee. "And now, I will announce the winner that will be given the title as our new Empress. She will wear an Imperial pin made by the Seniors." Nilamon kami ng katahimikan. Ang iba'y mukhang kinakabahan sa announcement. Nahihinuha ko na may magaganap na away mamaya. "Let us all bow to our new Empress, Ms. Xiara Monte Riada." Imbes na magsigawan, katahimikan ang pinamalas ng lahat. Maging ako ay nagtaka rin kung bakit siya ang nanalo at hindi si Soup. Bakit? Nagsigawan lang ba sila dahil naawa sila kay Soup? Oh baka naman may dayaan na naganap? Naglakad na si Xiara sa harapan at itinusok na ng isa mga Seniors ang Imperial Pin sa kanyang kaliwang collar na para bang nasa Investiture. "Teka! Paano nangyari iyon?!" Nangibabaw ang isang pamilyar na boses. Lian. "Halos kaming lahat dito ay bumuto kay Einah pero paanong nangyaring si Xiara ang nanalo?!" Lahat kami'y nakatingin na sa kanya. Ako na ang kinakabahan para sa kanya. Unang-una wala naman siya sa posisyon para sumigaw na lang ng ganoon basta-basta. Alalay lang siya ng isang Knight kaya wala siyang karapatan para gawin ang bagay na iyon. Pangalawa, Xiara lang ang sinabi niya at walang Empress kahit pa naipasa na sa kanya ang titulo. At pangatlo, bakit ba nila pinaglalaban si Soup? Ngumiti lamang ang Senior at saka kinuha ang mike. "I thought you know that this Empire is not just a normal school for people like you. Matagal na kayo rito kaya dapat expected niyo na na hindi normal ang election na magaganap dito. And I hoped that you would expect the odd things on the slips where you voted." Nilingon ko si Veilar na nakangisi lang. Sabi na nga ba't may kakaiba talaga, e! "Let me call on the Queen of Damarya to explain some odd things that you didn't notice." Sinulyapan niya si Veilar na tamad na tumayo at naglakad patungong harapan. Dala niya rin ang papel na binotohan niya. Tinapik-tapik niya muna ang mic, tinitingnan kung gumagana ito at nang hindi nga sira, itinapat na niya ito sa bibig niya. "Kung sa tingin niyo may dayaang naganap sa botohan, nagkakamali kayo. Kung iniisip niyo na may nandaya para manalo si Empress Xiara, nagkakamali kayo dahil kayo mismo ang bumoto sa kanya." Napalitan ng nagtatakang mukha ang mga estudyante na nandito maging ako. Si Number 2 binoto ko pero okay lang naman para sa akin si Empress Xiara dahil maganda naman ‘yong records niya. Pero kahit na ganoon, nagtataka pa rin ako. Paano nga ba nangyari iyon? "Kung titingnan niyong maigi ang slip, may makikita kayong lines na nagdurugtong sa bilog at sa pangalan ng candidate." Iniharap niya sa amin ang papel na hawak niya. Nagulat ako dahil wala naman akong nakitang lines kanina, e. "Kakulay ng lines ang papel kaya naman hindi niyo ito masyadong nakita. Saka kung titinginan niyo ring mabuti ang upper-right ng paper, may makikiya kayong tatlong words na nakaukit dito. Circles-Lines-Names. Ang ibig-sabihin noon, ang mga bilog na akala niyong nakatapat sa pangalan ng kandidata ay hindi pala dahil ang mga curved lines nito na nakadikit sa bilog ay nakadikit din sa pangalan ng kandidatang nakatapat sa ibang bilog." Muli kaming binigyan isa-isa ng kopya ng slips kanina at tama nga siya. Kung titingnang mabuti ang papel, may makikita kang maninipis na kulay puting linya sa papel. Nang mapagtanto nila ang sinasabi ni Veilar, mabilis nilang pinalitan ang mga boto nila ngunit napailing lamang ang Senior na naglagay ng pin kay Xiara. "You can never change it because the original ones are with us." Anito at tinapik sa balikat ang bagong Empress. "Good luck." Sabi nito saka umalis. "ANG DAYA!" Sigaw no’ng isa "HINDI MAKATARUNGAN!" "BABAWIIN NAMIN BOTO NAMIN!" Bumalik na si Veilar sa upuan namin at siya na naman ang star sa grupo namin. "Nice one! Akalain mong nakita mo 'yon? NICE!" Papuri sa kanya ni Leon "Mabuti na 'yon, at least hindi tayo mapapasailalim ni Einah bagkus mapapahiya pa." Tatawa-tawang sambit ni Yuna. Hindi ko alam kung may galit ba siya kay Soup dahil noong una pa lang, hindi na talaga maganda ang pakikitungo niya rito. "What are you waiting for? Let us all now bow to our new Empress." Tugon ng emcee at sabay-sabay na kaming tumayo lahat. Inilagay namin ang dalawa naming kamay saka iniyuko ng bahagya ang ulo. Nakigaya lang ako sa kanila dahil baguhan lang naman ako rito. "The Election Night is over. You may now go back to your dorms. Once again, thank you for your cooperation." Huling aniya bago pumasok sa backstage. Muling nagpatugtog ng Waltz music ang dj habang grupu-grupong ngsilabasan ang mga estudyante sa lobby. ‘yong iba, sa main door dumadaan samantalang ‘yong iba naman, sa exit dumadaan. Kakaunti lang ang dumadaan sa shortcut na kanina ko lang din nalaman. "Taralets." As usual, si Dragon. "Game." Pagsang-ayon ni Leon. Hindi tulad ng kanina, ako naman ngayon ang nahuling maglakad dahil tapos na rin naman ang event kaya okay lang kahit wala na akong kasama. "'Wag kang masyadong pahuli babe, baka maligaw ka." Dragon' s referring to me. Muli kaming pumasok sa tunnel at nagpaliku-liko kung saan-saan. Pero habang naglalakad, bigla na naman siyang pumasok sa isip ko. Bakit kaya wala siya? Ano na naman kayang trip niya? Pinapanood niya ba kami sa screen niya habang kumakain ng tocino? Habang nagpapalamig? Ang daya naman. Talo pa niya ang Head Empress. Nakapadaya! Dapat pati siya nandoon. Bakit? Nahihiya ba siyang magdamit ng formal wear dahil natatakot siya sa iisipin ng mga tao? Patuloy lang ako sa paghakbang hanggang sa may mapagtanto ako. "Nasa’n na sila?" Naka-dim light ang tunnel kaya naman hindi ganoon kadilim. Pero kasi andaming pasikut-sikot kaya masyadong nakakalito. "Nasaan na ako?" Luminga-linga ako habang pilit na inaalala ang dinaanan namin kanina. Walanghiya! Lakad ako ng lakad wala ako sa sarili. FUDGE! "Alam ko dito, 'yon e." Tinungo ko ang left wing at saka nagdi-diretso ng lakad. Kanina kasi may logo kaming nakita. Logo ng Bellona. ‘yong pinagkrus na cresset at espada. ‘yon ang nakita ko kaya alam ko sa sarili ko kung makakauwi na ako. Muli akong lumiko dahil dead-end na sa direksyong nilalakaran ko. Muli na naman akong umakyat at lumiko sa kaliwa. Left-left-right-left-right. Panay lakad lang ako hanggang sa mahinto ako sa harap ng isang maliit na pintuan. "YES! SA WAKAS!" Biglaan kong binuksan ang pintuan sa pag-aakalang iyon na ang exit ng tunnel. Ngunit hindi pala. Isang pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. Alam ko kung nasaan ako dahil sa nakakasilaw na LED lights nito. Alam na alam ko rin kung nasaan ako dahil sa mala-2020 year na atmosphere dito. At siyempre, hindi mawawala ang taong nakatira rito. Isasara ko na sana ang pinto nang may pindutin siya sa mesa niya dahilan para hindi ito sumara. Sunod na nangyari, tumayo na siya at dahan-dahang humakbang patungo sa akin. Alam ko sa sarili ko na wala na akong kawala sa sitwasyong ito. Para ko tuloy pinatay ang sarili ko nito. 20 meters away... .. 15 meters away.. .. 8 meters away... .. 5 me— (Tok! Tok! Tok!) THANK GOODNESS! I'M SAFE! Umatras siya at bumalik sa kanyang mesa at saka pinindot ang button na kanina niya pinindot dahilan para mahila ko ang pintuan. Sakto namang paalis na ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki. "Emperor, narito na po ang bagong Empress." "Let her in.... You may now go.." Sa sobrang pagka-curious, agad akong umatras at muling pinihit ang doorknob. Itinulak ko ng bahagya ang pinto at sumilip sa loob. "Your bed is separate from me." Ani Sky kay Empress Xiara. Hindi lang naman nagsasalita si Xiara dahil baka nahihiya pa siguro. "When you enter the room, look at your right side and you will see your bed, the round one." Pagpapatuloy nito. Round one? Ahh ‘yong color red. Wait. Ang romantic naman masyado. "Okay.. Thank you..." Ngumiti ito sa kanya ng nakakaakit at saka lumapit. Tsk. Sabi na nga ba't may tinatago rin itong baho, e. Nagulat ako nang yakapin niya ito at mas lalo akong nagulat nang yakapin naman siya ni Sky pabalik. Luhh.. Manyak! Ang babae ang unang bumitiw at wala na rin naman siyang magagawa kaya kinalas na rin niya ang kamay niya sa baywang si Xiara. Mukhang nabitin pa nga ata. Inalalayan niya si Xiara, sa pagtuntong sa medium at siya na rin mismo ang pumindot noon. Aba! Spoiled! Tinanaw niya lamang ito hanggang sa makaakyat na ito. Spoiler at Manyak. Ang dalawang salitang makakapagdescribe kay Sky. Paalis na sana ako nang may maalala ako. Wait. ‘yong daan. Paano na ngayon ‘yan? Hindi ko pa man din dala ‘yong cellphone ko. Naiinis man, bumalik ako sa pinto at kinatok siya. Naghintay lang ako nang naghintay hanggang sa bumukas na ito. Nakita ko siyang nakatayo habang nakakrus ang mga braso. Pinasadahan niya rin ako ng tingin mula ulo hanggang paa nang walang reaction, siyempre. "Sky." Pag-agaw ko sa atensyon niya ngunit tiningnan lamang ako neto. "Pwede mo ba akong tulungan?" As if naman na sasagot siya. Hayst. "You're lost." Sabi niya. Hindi ko naman alam kung nagtatanong siya o hindi dahil iisa lang ang tono ng boses niya. Para siyang robot. "Yes." Sagot ko. "I'm not asking." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hunghang ba siya? Bakit niya sasabihin ‘yon kung hindi niya ako tinatanong? Lumayo ang tingin niya saka ito ibinalik sa akin. Dumukot siya ng ballpen sa kanyang bulsa at saka inilahad ang kanyang kamay. "What?" "You're hand." "H-huh?" Hindi na siya nagsalita pa at kinuha na ang aking kanang kamay. Hinila niya ito papalapit sa kanya dahilan upang mabunggo ko siya. Itinaas niya ang kanyang ballpen at sinimulang sulatan ang aking kamay dahilan para makiliti ako. Gusto ko sanang tumawa kaso pinipigilan ko. Baka kasi kung ano na naman ang pumasok sa isipan ng Bulag na 'to. "Feel free to laugh." Anito at mas diniinan pa ang sulat dahilan para mas makiliti ako. Todo pigil naman ako sa bunganga ko para hindi matawa. "Ano ba kasing ginagawa mo?" Pinilit kong magtaray para mawala ang kiliti ko. "Writing? Maybe?" Nginisihan niya ako at maya-maya kang, ibinaba na niya ang kamay ko. Tiningnan ko naman kung ano ang nakasulat. LRLRRLRLR. "Ano 'to?" Naguguluhan ako sa mga pinaggagagawa niya. "L stands for left while R is Right." Sabi niya pa. "Go. Psychos are everywhere." "T-thank you." Wait. Nautal ba ako? Nagsimula na akong maglakad at sinunod ang direksyong sinulat niya sa kamay ko. "Wala ka talagang ka-gentle gentle. Hindi mo man lang ako sinamahan. Hindi hinatid. Basta wala. Wala kang pakialam. Hmp!" Asik ko nang makalayu-layo na ako. Nasa ikapat na letra na ako nang may marinig akong yabag ng paa. Natigil ako. Sino naman kaya iyon? Mas binilisan ko ang paglalakad para— BLAG! AIGEL Tiningnan ko ang kalendaryong nasa harapan ko. August 18. HAHA! Bukas makakalaya na ako. Buti na lang at wala si bulag kaya madali lang ako makakatakas. Hindi na kasi ako makapagintay, e. Gusto ko nang mabawi si Hera. Dapat nga no’ng isang linggo pa ako tumakas kaso ngayon lang ako ginanahan, e kaya papalampasin ko pa ba 'to? Matapos kong isumpak nang buong-buo ang tinapay sa plato ko, tumayo na ako at nagtungo sa pintuan. Putek ang lamig talaga rito sa loob. Mga nasa sampung aircon ata ‘yong pinapagana niya sa iisang kwarto lang. Putek talaga. Putek na putek. Pinindot ko na ang button at lumabas ang pinpad. Shunga nga lang no’ng isang pumasok dito dahil hindi niya nabantayan ang password. Nakita ko tuloy kung ano. HAHA! Shunga talaga ng mga alagad niya. Mana sa kanya. HAHAHAHAHA! Pagbukas ko nito, agad akong sinalubong ng mga nakaitim na lalake at akmang tatakluban nila akong muli ng puting sako nang pagtatadyakan ko ang mga bayag nila dahilan para mawalan sila ng lakas. May pasugod pa sanang isa ngunit hindi ko na hinayaan pang makalapit siya sa akin at tinadyakan na ang mukha niya. Ganoon din ang ginawa ko sa mga una kong pinatumba. May isa namang may hawak na baseball bat ngunit agad ko itong hinawakan at pinaikot dahilan para mabitiwan niya ito at siya ang mapalo ko sa ulo. Mga nasa sampu ang sumugod sa akin ngunit wala ni isa sa kanila ang nakapagpabagsak sa akin. Ang hihina talaga nila mana sa amo nila. Nasaan na ba kasi ‘yong mga original niyang alagad? Mas masarap pa 'yong kalaban kesa sa mga asungot na 'to na walang pakinabang sa mundo. Lalabas na sana ako nang bumungad muli sa akin ang glass door na puno ng pindpad. Muli, nabuksan ko ito dahil isa naman sa mga alagad niya ang nakahulig ng papel na naglalaman ng password nito g bahay na ito. Mga hunghang talaga. Sasaya na sana ako nang isa pang glass door ang nag-hello sa akin. Putek wala ba 'tong katapusan? Wala na itong pinpad kundi lever na lamang ang nakalagay dito kaya sobrang swerte ko— "PAKAPUTEK!" Tinadyakan ko ang glass door nang lumabas mula rito ang isang scanner. Bakit may ganito? Kahit alam kong hindi pwede, sinubukan ko pa ring itapat ang fingerprint ko. "Retina invalid." Langya naman, oh! Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng iscan, retina pa ang napili niya? E kung bulagin ko sita tapos kunin ko ‘yong mata niya? Tingnan ko lang kung hindi pa 'yon tumugma. Pinagtatadyakan ko lang ang glass door hanggang sa mabali ang isang daliri ko sa paa dahil sa sobrang kashungahan. Naiinis din ako sa sarili ko, e. Minsan may pagkahunghang din ako, e. Dahil sa pagod, naupo na kang muna ako. Bali na rin ‘yong isang daliri ko kaya wala na rin. Habang nagpapahinga, bigla kong naalala ang masasayang alaala namin ni Hera. Mga bata pa lang kami no’n. 15 kami pareo. Kakasimula pa nga lang niya sa showbiz, e. Nagpakilala ako sa kanya no’n no’ng pagkatapos ng taping niya. Actually, crush na crush ko siya no’n, e. May pagkamaldita nga siya no’n pero umubra pa rin 'tong kagwapuhan ko. Basta maraming nangyari tapos isang araw kami na. Kaso nagbago lahat no’ng dumating sa buhay niya ‘yong lecheng Relzé na yon na isip bata. Hay, ewan ko nga kung anong ginamit niyang gayuma kay Hera para mahalin siya no’n. Two years ago no’ng nakipagbreak na siya sa’kin kasi sabi niya ayaw na raw niya tsaka puppy love lang daw yon. Kaso putek sabi ko kung puppy love lang yon paano kami tumagal ng isang taon? Ayaw ko pa ngang pumayag kaso wala akong magagawa. Isang araw hindi na niya ako pinapansin. Putek nakakagalit! Minsan nga naisipan kong ipakidnap siya dahil desperado na akong mabawi muli siya kaso sobrang dami niyang bodyguards. Mga nasa wala ata sila. Tigdadalawa sa harap, likod, at magkabilang gilid niya. Hay, hindi naman ako naghihire ng suicide bomber dahil pati siya madadamay kapag ginawa ko 'yon. "Tatakas ka pa, ha?" Nagawi ang paningin ko sa lalaking may hawak na baril at nakatutok ito sa akin. "Timeout muna, pwede? Nabali na nga 'tong daliri ko, e." Pakiusap ko pero nanatili pa rin siyang nakangisi kaya ngumisi na rin ako. Inilagay niya ang hintuturo niya sa harap ng trigger at akmang pipindutin na ito nang biglang tumunog ang phone niya. Sayang. Tatakbo sana ako para balian ‘yong kamay niya, e kaso epal ‘yong tumawag. "Boss... S-sorry boss.. S-sige boss..." Mabilis niyang ibinaba ang phone niya at kasabay noon ang baril niya at nagmamadaling tumakbo. Anong problema no’n? Ahhh... Baka natakot sa boss niyang duwag. Duwag naman yon. Hindi ko nga alam kung bakit siya kinatatakutan ng mga yon, e hindi nga umubra sa akin sa suntukan. Pero siyempre matagal na iyon. Mautak lang siya kaya niya natatalo ang mga kalaban pero kung pagtutulung-tulungan nila 'yon, naku kawawa 'yon. Sa bandang huli baka ako pa bumugbog sa mga bubugbog sa kanya para makaligtas siya. Pero siyempre bubugbugin ko rin siya pagkatapos no’n. Hinintay ko lamang makapagpahinga ang katawan ko bago muling tumayo at pumasok sa loob. Tinungo ko ang kuwarto niya at naghagilap ng litrato niya pero kahit anong gawin ko, wala akong mahagilap. Kaya naman kumuha ako ng isa sa mga alagad niya at inutusan kong tulungan akong maghanap ng litrato niya sa cellphone kaso nga lang wala pa rin kaming makita. Lecheng bulag na ‘yan, oh! Walang kalitra-litrato. Ano ba siya? Lumang tao? "May glass cutter?" Tanong ko sa kanya. Nanginginig naman ang kanyang kamay nang ituro niya ang pintuan patungong basement. Putek ba't nasa basement? "N-nandoon y-y-’yong g-glass c-c-cutter." Natawa na lamang ako sa sobrang takot niya. Ang duduwag talaga ng mga alagad niya. Pinaharap ko siya sa akin at saka pinatulog gamit ang mga kamao ko bago nagtungo sa basement na sinasabi niya. Hinagilap ko naman ang mga gamit doon at laking tuwa ko nang makakita ng glass cutter. Dali-dali ko iyong binitbit pataas at muling lumabas. Sinubukan ko itong i aon sa glass door ngunit muli akong nadismaya nang hindi ito tumalab. Leche! Ano bang kailangan para mabuksan ko 'to? Sa sobrang inis, kumuha ako ulit ng tauhan niya at kumuha ang cellphone nito saka siya tinawagan. "Hmm?" "Hoy bulag! Pakawalan mo na ako rito!" "Okay... Tomorrow.." "Hoy! Hindi ako nagbibir—" *Tut* PUTEK! BINABAAN AKO NG MOKONG! HUMANDA TALAGA SIYA SA AKIN 'PAG NAKALABAS AKO RITO! Wait. Siguro naman hindi lang iyon ang daan papasok at palabas ng bahay niya? HAHAHA! ANG TALINO KO! Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang blueprint sa kama kong hindi ko naman gaanong pinapansin sa pag-aakalang wala itong silbi. Binuklat ko ito at hinanap ang exit. "Leche..." Muli kong kaswal nang walang makitang exit. Tanging ‘yong glass door lang talaga kanina ang tanging daan para makakabas. Naupo muna ako at humiga sa kama. Leche ka talagang bulag ka. Akala mo ba matatalo mo na ako sa ginagawa mong 'to? Huh! Nagkakamali ka! PUTEK KA! Kinuha kong muli ang cellphone no’ng alagad niya at tinawagan siya. Nakita ko naman sa screen ang timer kaya sigurado akong nasa kabilang linya na siya. "Putek kang lecheng hinayupak ka." Mahinahon kong bungad. "Kapag hindi mo pa ako pinakawalan pagkalipas ng tatlumpung minuto, papasabugin ko 'tong bahay mo." Pagbabanta ko pero hindi pa rin siya sumasagot. "Hintayin mo lang na mainis ako at hinding-hindi mo talaga magugustuhan itong gagawin ko." Pinagmumura ko siya, mapa-english man o tagalog basta mura hanggang sa maubusan na ako ng murang ibabato sa kanya. Pero kahit na magkandapaos na ako sa galit, wala pa rin siyang sagot. Putek binaba niya ba ang cellphone niya para magmukha akong may kausap kahit wala? Sa sobrang inis ko, ibinalibag ko na ang telepono sa isang sulok at nabasag ito. MAMATAY KA NA! Sa sobrang boring at may halo na ring galit, ipinikit ko na lamang ang mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Hera... Mahal na mahal talaga kita. Please... Makipagbalikan ka na sa akin..." Pagmamakaawa ko ngunit isang sampal ang inabot ko. Leche ang lakas sumampal. "PWEDE BA?! TIGILAN MO NA AKO! HINDI NA NGA KITA MAHAL!" Bulyaw niya habang pilit na kumakawala sa aking mga bisig. "SI RELZÉ ANG MAHAL KO! SIYA LANG!" Dahil sa narinig, biglang nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko at ginawa na sa kanya ang bagay na matagal ko nang gustong gawin sa kanya. Bigla na lamang akong nagising dahil sa napanaginipan ko. Tiningnan ko ang oras. "5:30 na. Pwede na akong makalabas." Kumuha muna ako ng tubig sa ref at uminom bago lumabas. May mga nagbabantay muli rito pero tinanguhan ko na lamang sila. "Hindi ka pa pwedeng lumabas." Tugon no’ng isa sa kanila. "Huh? Bakit?" "Mamaya pang 4:36 ng hapon." Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "E nakatatlong linggo na ako rito, ah." Asik ko ngunit wala ni isa sa kanila ang sumagot kaya wala na naman akong choice kundi sapilitang kunin ang cellphone ng isa sa kanila. "Anong password nito?" Tanong ko habang sinusubsob sa mukha niya ang cellphone niya. "23567894" Takot nitong sagot. Pinindot ko naman ang mga numerong sinabi niya at bumukas naman ito. Tinawagan ko ulit si bulag at gaya kahapon, sumagot ulit ito. "Hoy bulag, ano na naman bang trip mo at mamayang 4:36 mo pa ako papalayain, ha?" "4:36 is the time when you're imprisoned there." Tanging sagot nito bago ako babaan. Dahil sa inis, binato ko ulit ang cellphone kaya nabasag ulit ito. Dahil sa sinimulan kong gulo, muli na naman silang sumugod sa akin pero mabilis ko rin silang napabagsak. MGA BUNGOL! DIPUNGGAL! Sinipa ko ang pintuan para bumukas ito at saka humilatang muli sa kama. Hinintay ko na lang muling makatulog ako para hindi ko na mamalayan pa ang oras. 4:30pm... Kusa akong nagising dahil sa ingay na iyon. Pinakinggan kong mabuti iyon at doon ko mapagtantong nagpapatugtog ang mga walang magawa. Tiningnan kong muli ang oras at nakitang 4:30 pa lang. Leche! Bakit ba hindi pa ako nagising ng 4:36? Naisipan ko na lang din na magpatugtog kaso nga lang naisip ko, wala naman akong pampatugtog. "Akin na ‘yan." Pinatay ko ang speaker na ginagamit nila at kinuha rin ito pati na rin ang cellphone na ginagamit sa pagpapatugtog. "Teka amin—" "Papalag ka? Papatayin kita." Banta ko na nagpatahimik sa kanya. Hinila ko naman ang dambuhalang speaker at cellphone patungo sa kuwarto ko saka ako nagpatugtog ng mga hard rock. Napapaindak na ako nang may kumatok sa pinto. "Sino kang leche ka?" tanong ko pero hindi ito sumagot. Tumayo naman ako at biglaang binuksan ang pintuan. Bumungad naman sa akin ang isang lalaking mukhang robot ang datingan sa sobrang straight ng katawan. "Pwede ka nang lumab—" Hindi ko na siya pinatapos pa at dali-dali nang tumakbo palabas ng lecheng bahay na iyon. Hindi naman ako nadismaya nang mabuksan ko ang glass door. Huh! Takot din naman pala siya, e. "Finally... I'm free."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD