Kabanata 3

2147 Words
Pagkatapos ng klase, pakiramdam ko parang binuhusan ako ng lahat ng emosyon na puwedeng maramdaman ng isang tao sa loob lang ng isang oras. Pagod, hiya, inis. At kung ano pang hindi ko mapangalanan. Maayos namang natapos ang lecture ko, dahil nakinig naman ng maayos ang mga estudyante ko, may ilan pang nagtanong pagkatapos, at kahit papaano ay bumalik ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Pero hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Ang biglang pagdating ni Atty. Resia, at ang malamig niyang presensya sa likod ng classroom. Lalo na yung paraan ng pag-alis niya ng walang paalam, na para bang may galit, kanina pa nangyare iyon, pero may bigat na naiwan. Tahimik ang hallway habang naglalakad ako papunta sa office ko. Ang mga estudyante ay nagsisipaglabasan na ng classrooms para mag lunch break. may mga nadadaanan akong nagtatawanan at may mga bumabati rin sa akin pa minsan minsan. Mabilis kong napalagayan ng loob ang mga studyante ko kanina, hindi naman pala sila totally na mga bratinella't bratinello. Nakaka enjoy silang kausap na para bang magkakaibigan lang kameng lahat. Ayon naman talaga ang pakay ko, Ang ma feel nila na meron silang ako na masasandalan sa oras na kailangan nila ng tulong. Hindi na bago sa pandinig ko na halos lahat ng mga ibang kapwa ko professors dito ay talagang terror daw, ayaw ko naman ng dumagdag sa kinakatakutan nila. Gusto kong ma feel nila na para nila akong pangalawang ina. Huminga ako nang malalim. "ALESSIAAA! BABYYY!!" Napahinto ako sa paglalakad, at tila nagulat sa biglaang may sumigaw ng pangalan ko. Sobrang lakas ng bunganga nito at halos ibang mga students na nasa hallway ay napalingon doon. Nanlaki ang mata ko nung napalingon ako sa direksyon ng sumigaw. Ang boses niya kase ay sobrang pamilyar. "Maggie?!" Nagmamadali siyang lumapit sa akin, halos lakad at takbo ang ginawa niya sa hallway na parang wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya. Naka-business casual siya, at may ID na suot, ang buhok niya ay nakapusod nang bahagya, at 'yung ngiting kilalang-kilala ko kahit nakapikit pa ako. Bago pa ako makagalaw, ay sinalubong niya na ako ng mahigpit na yakap. "BABYYYY!" sigaw niya ulit, at halos pigain ako. "OH MY GOD, IKAW NA BA 'YAN?!" Natawa ako, sabay yakap pabalik, ramdam ko ang biglang paninikip ng dibdib ko. "Ako na ito, Maggie. Ang OA mo naman day, parang ang tagal nating hindi nagkita." sagot ko sa kanya sabay kurot ng mahina sa tagiliran niya. "Eh, kase naman! na miss ko kaya ang Baby na yan." naka ngusong sabi niya sabay pinanggigilan ang matambok kong pisnge. Napa-iling nalang ako at mas niyakap siya ng mahigpit. Namiss ko sa totoo lang ang nag iisang kaibigan ko. Mahigit isang taon din kameng hindi nagkita dahil parehas kameng busy sa kanya-kanya naming buhay. "Ano'ng ginagawa mo dito?!" tanong ko agad nang kumalas kami sa yakapan, at hindi pa rin ako makapaniwala. "Akala ko ba sobrang busy mo? Hindi ka man lang nagparamdam!" Nagtaas siya ng dalawang kamay, na parang sumusuko. "I know, I know. I'm sorry, okay? Sobrang gulo ng buhay ko the past few months. New job and new responsibilities-" Napahinto siya, saka ngumiti nang mayabang. "which, by the way, is here." Napamulagat ako. "Wait. Here? as in here?!" She nodded enthusiastically. "Resian University. Administrative department." Parang may nag-click sa utak ko. Small world nga naman, kung gaano ako minalas kanina, ay ngayon naman ang kina-swerte ko. At least ngayon ay alam ko ng may kilala na ako dito. "Kaya pala-" Natigilan ako, saka natawa. "Kaya pala bigla kang nawala ah. Dito ka pala napadpad." She shrugged. "Life happens." Tumabi siya sa'kin habang sabay kaming naglakad. "So," dagdag niya, at sinipat ako mula ulo hanggang paa. "Professor Guerrero na talaga ha. Bagay sa'yo." Ngumiti ako, at medyo nahihiya. "First day pa lang. Parang gusto ko na agad mag-resign." She laughed loudly. "Classic Alessia, kalma ka lang day. Malaki sahod dito." Siguro kapag nahawakan ko na yung sahod ko ay kakalma ako. Habang naglalakad kami papunta sa office ko, tuloy-tuloy ang kwentuhan namin, kung paano siya napunta sa Resian, at kung gaano ka-demanding ang trabaho niya, at kung gaano raw ka-intimidating ang may-ari ng unibersidad. "Grabe 'yon si Atty." sabi niya ng pabulong pa kahit wala namang tao sa paligid. "Si Atty. Resia Hernandez. Hindi ko pa siya nakakausap nang matagal, pero ramdam mo agad 'yung aura niya. Parang kapag nagkamali ka, ay matatanggal ka sa mundo." Napatawa ako nang pilit, kung alam niya lang, sabi ng isip ko. "Ano'ng department mo?" tanong niya. "Social Sciences," sagot ko. "May sariling office pala-" Napahinto ako nang may makasalubong kaming pamilyar na bulto. Naglalakad si Atty. Resia sa hallway na parang natural niyang teritoryo ang buong lugar, at seryoso ang mukha. Nang makita niya kami, ay bahagya siyang huminto. Pareho kaming tumigil ni Maggie sa paglalakad. "Good afternoon, Atty." sabay naming bati. She nodded once, simple and controlled. Then her gaze shifted. Una kay Maggie, quick and assessing. Tapos sa'kin. Mas matagal at mas mariin ang bawat titig niya. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya sa mukha ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinili niyang lunukin. After a second ay nilagpasan niya kame at naglakad palayo. Naiwan kaming dalawa sa hallway na tahimik. Maggie blinked first. "Okay.." sabi niya ng dahan-dahan. "Bakit parang pinatay niya tayo sa tingin niya?" Napabuntong-hininga ako. "Welcome to my day." Tinapik niya ang braso ko. "Day, mukhang may i chi-chika ka sakin ah." Napa iling nalang ako sa kanya. "Wala loka, tara na nga. Nangangalay na ako sa hawak ko." sagot ko sa kanya at nauna ng maglakad. Nasa loob na kami ng office ko ni Maggie, ngayon ko lang talaga naramdaman ang pagod. Hindi biro ang dalawang oras na pagtuturo ko sa first class ko. Nakaupo ako sa swivel chair ko, at bahagyang nakasandal, habang nakatingin sa mga papel na nasa mesa. lesson plan, attendance sheet, at kung anu-ano pang hindi ko pa ma-process nang maayos. Tahimik ang office, maliban sa mahina at tuloy-tuloy na ugong ng aircon, at sa liwanag ng araw na pumapasok mula sa bintana, na bumabagsak sa sahig na parang pahinga mismo ang dala. Maggie, meanwhile, was casually sitting on the couch near the window, her legs crossed, while scrolling on her phone as if hindi lang siya basta sumulpot sa buhay ko ulit pagkatapos ng isang taong pagkawala. Sabi ko kase sa kanya na may tatapusin lang ako, kaya ayan siya. Nananahimik sa isang tabi. Paminsan-minsan, ay tumitingin siya sa'kin, na parang may gustong sabihin pero pinipiling huwag muna akong istorbohin. Alam ko ang klase ng tinginan niya, kilala ko siya. At mukhang may binabalak na naman. "Okay," bigla siyang nagsalita, sabay ibinaba ang phone niya. "Mukha ka nang drained." Napatingin ako sa kanya at napabuntong-hininga. "Ganun ba ka halata?" She nodded without hesitation. "Day, parang lumaban ka sa thesis panel tapos may oral defense pa." Natawa ako nang mahina, sabay hilot sa sentido ko. "Pakiramdam ko nga gano'n." Tumayo siya bigla, sabay lakad palapit a akin. "Tara. Lunch." Napatingin ako sa orasan sa wall. Halos alas-dose na pala. Hindi ko namalayang gano'n na katagal ang lumipas. "Lunch?" ulit ko, parang kailangan kong i-process ang simpleng ideya ng pagkain. "Yes, and libre ko na." she said firmly. "Hindi ka pwedeng mamatay sa unang araw mo. Cafeteria tayo." "Ay taray, sana all madaming ipon. Libre mo nga ako? totoo ba yan?" panunuya ko sa kanya. She rolled her eyes and sighed. "Day, para kang bago! palagi naman kitang nililibre noon hindi ba?" tapos naglakad na siya papunta sa may pinto. "Halika na baby, baka di ako makapag pigil at halikan kita." Napa-iling nalang ako sa kanya, sanay na ako sa mga ganyang salitaan ni Maggie. Kahit ako ay na a-adopt ko na din yung way niya sa pagsasalita. Batang kalye ba naman kame nung panahon ng kabataan namin eh. At isa pa, lesbian si Maggie, wala siguro siyang maharot kaya ako ang nilalandi nanaman niya. Hindi na ako tumutol. Siguro dahil gutom na rin talaga ako, mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa desk at sumulyap ng kaunti sa mini mirror ko, para tignan kung maayos pa ba an itsura ko tsaka tuluyang lumabas ng office. Pagdating namin sa cafeteria, ay agad kong naramdaman ang kaibahan ng atmosphere kumpara sa office wing. Mas maingay, at mas buhay, pero kahit gano'n, ay may kakaibang order pa rin sa lahat. walang masyadong nagsisigawan, at walang nagkakagulo. Parang ang bawat isa ay may sariling oras at sariling direksyon. The space itself was expansive, with long glass panels letting sunlight flood the area, reflecting off metal railings and polished floors. Habang naglalakad kami papunta sa ordering area, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Students from different departments, faculty members in their lunch break attire, and medical staff still half-in-uniform. It felt like a crossroads of identities. lahat sila may papel na ginagampanan, pero sa oras na 'to, lahat ay pantay-pantay lang na gutom. Nag-order kami, simple lang ang ni order kong foods. Hindi naman ako mapili sa pagkain, tsaka nakakahiya naman kay Maggie kung kukuha ako ng marami. Nang makuha na namin ang tray namin, ay inakay ako ni Maggie papunta sa isang table sa gilid, kung saan may dalawa nang nakaupo. Kita ko agad na pamilyar siya sa kanila, at base sa paraan ng pag-wave niya bago pa man kami makarating. "Guys," sabi niya habang inilalapag namin ang tray. "this is Alessia. My best friend. Professor Alessia Guerrero." Tumayo ang dalawa halos sabay, at ngumiti silang parehas sa akin. Ang una ay isang babae na mukhang sanay sa mabilisang kilos, nakasuot pa ng nurse scrubs, habang ang buhok niya ay naka-ponytail. "I'm Nurse Lara," sabi niya. "Nice to finally meet you." "Nice to meet you too." sagot ko, while genuinely smiling. Ang isa naman ay lalaking may hawak na libro kahit nasa cafeteria, clear sign na professor nga. "Adrian," sabi niya. "Literature department." Nagkamayan kami at sabay-sabay umupo. Habang kumakain kame, ay tuloy-tuloy ang usapan namin, kung gaano ka overwhelming ang first day ko, at kung gaano ka-demanding ang sistema sa Resian, at syempre kung gaano raw ka-intimidating ang may-ari ng unibersidad kapag nakita mo siya sa personal. Tahimik lang akong nakikinig sa part na 'yon, pilit na hindi nagbibigay ng reaksyon. Madali naman silang makalagayan ng loob, ang gagaan ng aura nilang dalawa, at feeling ko ay makaka sundo ko sila. Hindi ko namalayang unti-unting nagbabago ang tunog sa paligid. Kanina ay maririnig mo pa ang mga samu't saring usapan, pero ngayon ay isa isa itong nawawala. Napatingin si Lara sa paligid, noo'y bahagyang kumunot. "Kaya pala nanahimik ang lahat." bulong niya. Hindi ko agad sinundan ang tingin niya. Sa halip, napansin ko muna ang galaw ng mga tao, kung paano may ilang tumayo, at may ilan na nagbigay-daan. Nung sinundan ko ang tingin nila ay doon ko lang nakita kung sino iyon. Ang unang napansin ko ay hindi ang mukha nito, kundi ang kasuotan. Naka white coat siya,at may pangalan na naka-embroider sa dibdib, at ID na bahagyang kumikislap sa ilaw. Ang galaw ay kalmado pero may bigat, parang sanay na ang paligid na mag-adjust sa presensya niya. Atty. Resia, No. I mean Dr. Resia. Naka doctor mode siya ngayon, at isa lang ang masasabi ko. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang uniform, na para bang kahit anong suotin niya ay bagay sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at sinipat ang bawat sulok ng cafeteria, hanggang sa nagtama ang mata naming dalawa. Ni adjust niya ang stethoscope na naka sabit sa leeg niya, habang hindi parin pinuputol ang tingin niya sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod, at tila para akong nalulunod sa paraan ng pag titig niya. Na para bang ni isa sa amin ay ayaw mag iwas ng tingin. Then, she rolled her eyes. Inirapan niya ako, Inirapan niya AKO. Pagtapos niyang irapan ako ay umalis na siya ng cafeteria na parang walang nangyare. Napa-hawak ako sa dibdib ko dahil para akong naubusan ng hangin. Hindi ko alam pero parang na inis ako dahil sa ginawa niya. Like, bakit siya nang iirap? wala naman akong ginawa sa kanya eh, nag titigan lang naman kame. Napa iling nalang ako at napa buga ng hangin ng marahas. "Okay," sabi ni Maggie at bahayang kinalabit ako. "Explain." Umiling ako, sabay sundot sa pagkain ko kahit wala na akong gana. "Anong explain ka dyan?" taas kilay kong tanong sa kanya. She raised an eyebrow too. "Day, kita ko 'yon. Inirapan ka ni Atty. Resia." then, tsaka sumubo ng food niya. "Anong meron?" Hindi na ako sumagot. Sa halip, pinilit kong ngumiti at kumain ulit, kahit ang isip ko ay paulit-ulit bumabalik sa isang tanong na bakit kailangan pa niyang irapan ako? At mas nakakabahala ay bakit parang may kurot sa dibdib ko dahil doon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD