Makalipas ang limang taon...
Ingay ng alarm clock ang siyang bumugad na naman kay Miko. Tamad na pinatay niya ito at bumangon na. kailangan niyang pumunta ng maaga sa kompanya dahil dadalaw ang kanyang lola. Minsan lamang siya nito puntahan simula noong maghiwalay sila ni Steff.
Nag iisang anak lamang ang kanyang Daddy at nag iisang anak lang din siya kaya naman siya ang nag iisang tagapag mana ng Pamilya Jacinto. Ang Jacinto Family ay isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa. Nagmamay ari sila ng malalaking kumpanya sa buong Maynila gayun din naman sa ibang probinsya sa Pilipinas.at sumusunod naman sa kanilang yaman ang pamilya nila Steff kung saan ay malapit na kaibigan naman ng pamilya nila kaya naman noong naghiwalay sila ni steff ay nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang kanilang Pamilya dahil nadamay ang kanyang Pamilya sa galit sa kanya ng mga magulang at kamag anak ni Steff.
At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya masyadong kinikibo ng kanyang lola na siyang pinaka apektado sa hidwaan ng pamilya dahil matalik na kaibigan nito ang Lola ni Steff at gustong gusto nito ang dalaga para sa kanya. Katunayan ay tuwang tuwa ito noong naging girlfriend niya ang dalaga at noong nagdesiyon silang magpakasal. Kasal… naalala na naman niya ang ang dating nobya. Kumusta na kaya ito ngayon? maging ang kanyang Mommy at Daddy ay nagalit din sa kanya ngunit tumagal lamang iyon ng ilang buwan. Kailangan niyang pumasok ng maaga para mag pa impress sa lola niya, he's doing anything para lang maibalik ang dati nilang samahan.
Pagkapasok niya sa kumpanya ay nagmadaling pumila ang mga Empleyado, at bumati sa kanyang pagdating. Dere-deretso at matikas na nagpatuloy siya ng lakad papunta sa kanyang Opisina. Hindi nya man lamang nginitian ang ang kanyang Empleyado ngunit tumango naman siya sa mga ito. Para sa kanya ang Ngiti ay hindi binibigay sa lahat ng tao. Ang ngiti ay nagsisimbolo ng kahinaan para sa kanya. Bilang isang boss ng naglalakihang kumpanya, kailangan niyang mag mukang matapang at ma otoridad, kailangang ipakita niya na dapat siyang galangin ng kanyang mga Empleyado.
Seryoso siyang tao pagdating sa Opisina at sa Negosyo ngunit pagdating sa pamilya ay para siyng bata kung umasta, palibhasa’y siya ang nagiisang anak at apo.
Sa kabila ng kaseryosohang pinapakita niya sa kanyang mga Empleyado, nakaririnig pa rin siya ng tili na nanggagaling sa mga babaeng Empleyado niya.
“Ang gwapo talaga ni sir, ang bango pa!”
“Oo nga gurl! Parang ang sarap yumakap sa katawan nya, parang ang tigas!”
Bagamat impit ay naririnig niya pa rin ang bulungan ng mga ito. Natawa na nalamang siya sa kanyang sarili sa mga narinig nya. Alin ang matigas? Nagpatuloy lamang siya at hindi sila pinansin, sanay na siya sa mga ito.
Pagbukas na pagbukas niya ng kanyang pintuan ay bumugad sa kanya ang kanyang Lola na nakaupo sa upuan ng kanyang office table. Nakapatong ang baba nito sa mga kamay nitong nakasalikop. Doῆa Mikaela Feliciana Jacinto Ito ang kanyang lola, makikitaan ng katandaan ngunit bakas pa din ang kagandahan nito, masasabi momg napaka ganda nito noong kabataan pa lamang nito.
Seryoso itong pinagmasdan lamang ang kanyang pagpasok. Intimidating ang kanyang lola, Matapang ang aura nito at kakabahan ka kapag nakipag usap ito sayo ngunit hindi sa kanya--- well dati yun --at sa kanyang mga magulang at kamag anak.
“You’re late” What? It’s only 7:00 in the morning, 9 or 10 am ang regular na pagpasok ko sa kumpany!.
“ Good morning La.” Hinalikan nya muna ito sa pisngi bago ito sagutin
“La, it’s only 7:00 am” sweet niyang sabi dito, kahit galit naman ito sa kanya ay kinakausap pa din naman niya ito gaya ng dati.
“So, 7:00 am is not lat for you, When I came here 6:00 in the morning, you are 1 hour late? ” nakataas ang kilay nitong tanong
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, kanino pa baa ko magmamana? Masyado din siyang istrikto pagdating sa Negosyo.
“Sorry po La” sabi ko nalang, Nakita kong tumaas ang kilay nito, hindi ko nalang siya pinansin, inalok ko nalamang siya ng maiinom pero hindi nya din ako pinansin!
“Anyway” Sabi nito habang nakatingin ng diretso, “ The Ledezma clan is inviting us to attend the birthday celebration of the head of their family, and I’m expecting you to attend” Ma otoridad na sabi nito, ano pa bang magagawa niya kundi tumango. Nang makita nito ang pag tango niya ay tumayo na ito para lumabas. “see you there then” sabi nito habang nilalagpasan siya at tuluyan nang lumabas ng opisina.
Napakibit balikat na lamang siya sa ginawi ng kanyang lola, nasanay na din siya sa pakikitungo nito sa kanya, though nalulungkot siya at gusto nya ulit maibalik ang dating pakikitungo nito sa kanya. Hindi nya naman ito masisisi, na disappoint ito sa kanya, he failed her, nawalan din ito ng kaibigan dahil sa kanya. Pero gagawin nya ang lahat para bumalik ulit ang dati.
At mangyayari lamang iyon kapag bumalik na si Steff.
Gagawin niya ang lahat para lamang bumalik sa kanya si Steff.
,