CHAPTER 84 Bagsak ang aking balikat. Wala pang 15 minutes nakuha na sa akin ang isang milyon. Limang milyon na lang ang naiiwan sa akin. Hindi ko maiwasan hindi manghinayang. Nandoon na dapat eh! Mas mataas pa pala ang baraha ni Kate sa akin! Ramdam ko ang pagkapahiya. Sinadya talaga niyang mapahiya ako. Huminga ako nang malalim. Iigihin ko ang aking pakiramdam. Masyado akong naging kampanteng magbitaw ng ganoong kalaking pera. Iba na pala talaga kapag nasa sugal ka na mismo. Hindi mo na kontrolado ang sarili mo lalo na kung tumaas na ang adrenaline mo. Kaya pala maraming nagsusugal ang kulang na lang ay isanla nila ang kaluluwa lalo na kapag talo na. Gusto na talagang makabawi. Gagawin ang lahat para lang mabawi ang naipatalo at iyon! Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Wala na akong chip

