CHAPTER 90 “Problema mo nang isipin kung sino ako, if you excuse me? Your husband might be waiting for me outside.” “Hindi pa tayo tapos, Natasha. Huwag na huwag kang magkakamaling agawin sa akin ang asawa ko!” singhal niya. Amoy ko ang amoy alak niyang hininga. “Asawa mo? Okey. Pero pwede bang dumaan? I am tired. I have no time for your drama! Just be confident lalo na’t alam mo naman at inaangkin mo naman palang asawa ang asawa mo!” bahagya ko siyang itinulak. Nakakapit lang siya kaya hindi siya natumba nang tuluyan Dali-dali na akong lumabas at tinungo ang nakapara kong sasakyan. Nagulat ako nang biglang may may humarang sa akin. Si Sir Dale. “Okey ka lang?” tanong niya sa akin. Huminga ako nang malalim. “Bakit ka nandito?” “Buksan mo ang iyong sasakyan. Sa loob tayo mag-usap

