Chapter 10

2530 Words
Caleb Tatlong araw na ang lumipas ng makauwi na pabalik ang grandparents ko sa Oriental. Game na namin sa frisbee pero tuluyan na akong hindi kasali. Pupunta lamang ako doon para manuod at sumuporta. "Caleb" kinuha ko ang susi ng kotse at hinarap si Sally. Maraming ng tao sa field ng dumating. Naghahanap ako ng mauupuan namin na hindi rin kami maiinitan. "Doon tayo!" saad ko. Tumango siya sa akin. Pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa. "Bro dumating ka" nag shake hands kami ni Benedict. "Ba't di ka pa pumasok" sabi ko. "Mag su-sub lang ako mamaya bro. Nasugatan din kasi ako kahapon" aniya. Tumango tango ako. "Wala si Earl?" tanong ko. Hindi ko kasi siya makita sa field. "Wala bro. He quitted. Umalis sila ng parents niya to cebu" tumango tango ako. Kanina pa pala nagsimula ang game. Lamang na ang engineering sa biology. "Mukhang matatalo tayo bro" saad ni Benedict. "May sakit kasi sina Chris tsaka Jon tapos tumuloy parin sila" dagdag niya. Kaya  pala mukhang mahina sila. "Bro okay na ba ang sugat mo?" napabaling ulit ako sa kanya. "Medyo bakit?" tanong ko. "Maari natin silang e sub bro. Kung okay sayo?" aniya. Napangisi ako. "Pwede pa naman tayong humabol diba?" ngumisi siya sa akin at tumayo. "Bro suotin mo nalang to. Tapos sub natin sila" tinaggap ko agad ang jersey para makilala kami na kasali sa team. "Sall. Sasali ako, okay lang ba sayo na iwan kita dito?" tumango tango siya. "Oo. Ichicheer kita kaya galingan mo" nakangisi niyang sabi. Tumakbo kami sa gitna ng field lumapit kami sa scorer.  Malapit na ding mag time out. Kumaway si Benedict at nakits iyon ni Jon. Tumango sila sa amin at tumakbo sa amin. Narinig ko ang sigaw ni Sally kaya tumawa ako. Ang lakas kasi ng boses nun pag sumigaw ng todo. Pumasok kami ni Benedict at mabilis na pumunta sa field. Pinalipad ng engineering ang disk kaya mabilis akong tumakbo para maagaw sa ka team niya. Naabot ko iyon dahil advantage ko ang height ko. Tumakbo ako sa kabila at nakita kong naghihintay si Jelou. Pinalipad ko sa kanya at disk naabot din niya iyon. Umiwas iwas siya ng harangin siya ng engineering. Nahagip ko si benedict tumakbo ako para makuha ko ang disk kay Jelou. Wala na akong pakialam sa score ang importante ginawa namin ang lahat. Sumenyas ako kay Jelou na pwede sa akin. Agad ko iyon tinalon para maunahan ang nakabantay ss akin. Naghanap ako ng nagandang pwesto. Pinadaan ko sa baba ang disk at napasubsob si Benedict pero nasalo niya. Nakangiti akong tumakbo pa kabila naman. Nakaabang na si Ray para sa disk. Tumango siya sa akin. Mabilis akong tumakbo pars makuha ko ang disk. Sa tiyan ko pa tumama pero nasalo ko rin. Naliligo na ako sa sarili kong pawis. Nag warning sign na sila na malapit na ang time. Tumakbo si Jelou maging si benedict. Nagahanap ako ng pwesto para madali nilang makuha kung kanino sa kanila ang mauuna. Nag warning sign ulit. Tumalon ako at pinalipad ang disk kay Jelou. Tumakbo siya dahil medyo napalakas ang paghagis ko. Nakatayo nalang ako at naghihintay na masalo niya. Mabilis siyang tumalon at inabot iyon pero kapailit nun ay ang pagkatumba niya sa grass at pag gulong. Tumunog na ang ibig sabihin ay tapos na ang game. Bumalik kaminsa gilid. Scoring na at sasabihin nila kung sino ang mananalo. Nagulat nalang ako ng may yumakap sa akin. Hawal niya abg tuwalya at pinahid sa akin. "Ang galing galing mo" malawak na ngiti ang bungad niya sa akin. "Omg. Ang galing mo talaga" humagikgik siya. Tumunog ang mic at e aanounce na daw ang panalo. Hindi na ako nagtaka ng manalo ang engineering. " Bro buti dumating kayo. Kung hindi sobrang kawawa kami" nakangising sabi ni Ray. Tumango nalang ako at ngumisi. "Ano. Celebrate tayo!" aya ni Jon. "Hindi na ako makakasabay bro. May bibilhin pa kasi ako sa NB" paliwanag ko. Tumango lang sila sa akin at nagpasalamat. "Mahal ang galing galing mo dun sa field kanina. Alam mo ba kung hindi ko iisiping may relasyon tayo feeling ko bumalik ako sa dati na magfafangirling sayo dahil sa galing mo" humagikgik niyang sabi. Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan sa pisngi. Patuloy pa rin ang pagkwekwento niya hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa sinabi niya. Dammit! Sa isang restaurant na din kami kumain. Nag text nalang kami kay Nanay laring na hindi kami kakain doon. "Kahit bagay na bagay yun sayo kaso pag nagpapractice ka nasusugatan ka naman. Kaya Caleb wag ka nalabg masyado mag practice" aniya. Tumawa ako. "Sall. It's okay normal sa lalaki yun. Tsaka nasasanay na din kami" paliwanag ko. "Pero kawawa ang paa mo dahil marami ng peklat dahil sa sugat" aniya. "Will you stull love me if I'll have a lot of scars?" sumeryoso ako ng tingin sa kanya. Ngumuso siya sa sinabi ko. "Will you, Sall?" I asked again. "Kahit naman pumanget ka pipiliin pa rin kita!" naka nguso niyang sabi. Napangiti ako. Sally Ang bilis ng oras nung isang araw lang sembreak pa ngayon pasokan na. Buti nalang tinulungan ako ni Caleb sa mga outputs ko nagalit pa siya dahil hindi ko sinabi sa kanya kaya ayun nag cramming kaming dalawa dahil sa akin. Hinatid niya ako sa school. Nag call sa akin si Daddy na matatagalan daw siya gusto niya daw akong isama pero alam naman niyang mabobored ako kung mag-isa akong gagala tapos pasukan na ulit. "Uy Sall" napalingon ako sa yumapik sa akin si Gio pala. "Ikaw pala Gio. Di mo na ako dinalaw ah!" nakangiti kong sabi. "Pasensya na. Pumunta kami ng province eh for the last week. Nag leave muna si Dad sa work para maka pag bond kami"aniya. Tumango tango ako. "Hirap talaga pag businessman noh?" nakangisi kong sabi. "Kaya nga. Ayokong sumunod sa kanya if the timencomes I'll have my own family I'll always have the time to bond with them" "Oo nga. Maganda yan!"sabi ko. Pumasok kami sa classroom. Nandun na si Bonita. Kamusta kaya ito tagal din naming di nagkita. "Hoy bonits kamusta ang london?" natatawa kong sabi. Ngumuso siya. "Hindi okay. Tara labas tayo saglit may e kwekwento ako" aniya. Tumango naman ako at saglit na binaba ang bag ko. "So bakit di okay?" nakangisi kong tanong. "Dammit Sall. Kasama naman sila ni Ceddy sa London. Kainis talaga ang feeler niya wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako. Nakakapghinga lang ako ng gabi dahil magkaiba kami ng tinuluyang kwarto" kita ko ang pagkakangalati at gigil ni bonita kaya napa bulanghit akl ng tawa. "Buti ngayon para di mo siya mamiss" pabiro kong sabi. "Gosh. I hate him now!" tumawa naman ako. "Owws! Talaga?" "Arghh. Stop it Sall. Mas lalo akong naiinis" aniya. "You know what Sall. Sinubuan pa niya ako infront of our parents nakakahiya yun. Yes I lile him pero ang daming niyang suprises. Pag nskita ko yun babangasin ko ang mukha niya" Hindi ko na talaga alam kung matatawa ako o hindi kay Bonita. Halata naman kasi na half doon kinilig talaga siya ng bongga. Magkasama kaming lahat sa Cafeteria at tumabi pa si Ceddy sa kanya kaya tinukso namin silang dalawa. "Akala ko ba gusto mo ko ba't ayaw mong lumalapit ako?" mahinang sabi ni Ceddy pero tama lang ng kami lang din ang makakarinig. "Dati yun! Kaya wag kang feeler!" Bonita hissed. We laughed again. "Sus nagpapasuyo ka lang eh!" inakbayan siya ni Ceddy pero nagulat kami ng sikuhin siya ni Bonita. Kaya lahat kami napa 'O' maliban kay Bonits. Napangiwi si Ceddy halatang nasaktan talaga siya. "Bon, ang brutal mo!" sabi ni Kelly sa kanya. "Sabing wag lalapit eh!" tumayo si Bonita at iniwan kami sasamahan ko sana ng pigilan ako ni Ceddy at siya na daw ang pupunta. "Gusto na ata ni Ceddy si Bonita eh!" saad ni Kelly. "Halata naman eh!" pailing iling na sabi ni Sebi at tumayo rin. "Saan ka bro?" tanong sa kanya ni Jason. "Papahangin lang" sagot niya. "Anong nangyari dun?" si Kelly. Napailing iling nalang ako. Si Gio naman umayos ng upo para makakain na. Kaya ang nangyari kamk nalang apat ang naiwan. "Kelly order na tayo!"aya sa kanya ni Jason. Tumango naman si Kelly at sumunod kay Jason. "May gusto ba si Sebi kay Bonita?" tanong ko kay Gio. Tinigil niya ang pagnguya. "Matagal na!" tapos tinuloy niya ang pagkain. Iba rin si Bonits ah. Long hair din. Ceddy VS. Sebi. Napahagikgik ako kaya napakunot noo sa akin si Gio. "Bakit?" tanong niya. Umiling iling ako. Sinundo na ako ni Manong Fred nung hapon dahil gagabihin si Caleb my night class kasi siya. Mag-isa akong kumakain ng dinner at umakyat na rin pagkatapos. Wala naman akong gagawin dahil naipasa ko ng lahat ng outputs ko. Miss ko na si Dad. Kaya kinuha ko ang phone at denial ang number niya. Naka limang ring pa bago niya ako sinagot. "Hello Dad?" magiliw kong bati. "Hi Baby, kamusta ka dyan?" tanong niya. Napanguso ako dahil nagbabadya na ang luha sa mata ko. "Okay lang po. Kayo? Kailan po kayo uuwi Dad? Miss ko na po kayo!" pumiyok pa ang boses ko sa huli. "I'm okay baby. May inaasikaso kasi ako dito. Catching for investors." aniya. "Si Caleb nandyan na ba?" tanong niya. "Wala pa Dad. My night class kasi yun ngayon!" saad ko. "Ganun ba? Did he take care of you?" napangisi ako. "You have nothing to worry Dad." I chuckled. "I see. You musy rest now baby. Call me if you need anything okay?" "Yes, Dad. I love you!" "Love you too! Bye." napabuntong hininga ako. Narinig kong bumukas ang kwarto ni Caleb. Mukhang andito na siya. Sumunod ako sa kanya. Naghuhubad palang siya ng damit niya. "Hi" he greeted. Lumapit ako sa kanya at hinalikan niya ako sa pisngi. "How was your day?" tanong niya. "Okay lang. You know what Caleb nakakatawa si Bonita tsaka si Ceddy kanina. Alam mo naman diba na gusto na dati ni Bonita si Ceddy tapos si Ceddy ngayon may gusto na rin sa kanya. Kaya lang ayaw na ni Bonita" napangiti nalang ako ng maalala ko ang nangyari kanina. "Bakit naman? That'ds the best feeling ever na yung taong gusto mo nagustuhan ka na rin!" aniya. "Oo nga eh. Pero iwan ko nga doon kay Bonita kakausapin ko yun bukas." sabi ko. "Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Umiling siya saglit. Lumapit ako sa study table niya at maumbok ang bag niya binuksan ko iyon at tumambad ang maraming chocolates. "Sall" tawag niya sa akin. "Saan to galing? Para kanino to?" sunod sunod kong tanong. Napabuntong hininga siya. "Promise mo muna sa akin hindi ka magagalit" aniya. "Promise" mabilis kong sabi. Bumilis ang t***k ng puso ko. I lied hindi palang siya nagsasalita gusto ko ng magalit but I keep my composure. " Bigay yan sa akin ng mga babae sa school. An advance christmas gift daw. I don't want to have it because I know you'll get jelous but it is an insult if I won't accept it. Kaya tinaggap ko nalang. I'm sorry Sall." Napanguso ako. "Selos na selos na bga ako lahit hindi ka pa nagpapaliwanag but I like your honesty. Wag mo nalang kainin to. Akin nalang ha!" nakangiti kong sabi. He nodded at me and hugged me. "I love you!" he murmured. "I love you too!" I grinned. Kinabukasan dinala ko lahat ang chocolates sa school. "Ba't ang laki ng bag mo?" taning agad sa akin ni Bonita. Ngumisi ako sa kanya. "Ikaw ha. Bakit di mo na pinapansin si Ceddy? Di mo na siya gusto?" tanong ko. "Sagutin mo muna tanong ko" sabi niya. "Mamaya na. Sagutin mo ako bakit?" tanong kong muli. Ngumuso siya sa akin. "Sa labas nga tayo, andyan lang siya sa likod eh!" napangiti ako. Lumabas kami at tumambay sa bench na malapit lang sa room. "Natatakot ako Sall." simula niya "Saan?" "Natatakot akong mawala din agad ang feelings niya para sa akin. I'm afraid Sall. Baka nagustuhan niya din ako just because I like him first and maybe he find me exciting" Umiling iling ako. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan think about the positive side. Malay mo gusto ka rin niya dati palang. Just take the risk Bon. Remember, sometimes we just have to believe. Katulad ng sinabi ni Julia B." "Paano kung hindi talaga? Gosh. Sall I don't want to experience break ups. Ayaw ko ng ganun. We both knew that we only wanted a guy that who could be our first and last" she said. "I know, Like me and Caleb. There's no guarantee too na magiging kami talaga ni Caleb but I took the risk Bon. I took the risk because I'll never know if it will be successful or not. At least pag nag fail man edi it's a lesson in life pero kung Oo then it's the best thing that happens in life. You'll never know  if it is successful if you'll not take the risk." "I wish I had a strong courage and optimism characteristics like yours" she pouted. Inakbayan ko siya at bumalik kami sa room. Kanina pa nila ako kinukulit kong ano daw laman ng bag ko kaya nung nag lunch time binuksan ko ang bag ko at nilabas lahat ng chocolate. "Wow! Ito lang laman ng bag mo?" tanong sa akin ni Kelly. Tumango ako sa kanya at ngumisi. "Galing sa Daddy mo?" tanong sa akin ni Gio. Umiling ako. "Binigay lang sa akin" sagot ko. Binuksan nila agad ang chocolate sinabi ko pang magbaon sila. Pero kahit isa doon wala akong tinikman. Yucks baka may gayuma pa iyon at ako ang mainlove sa kanila imbes na si Caleb. Nakangiti lang ako sa kanila habang nilalamuntakan nila iyon. Paglatapos halos isang liter ang ininom nila. Kaya tawa ako ng tawa. "Ang mamahal naman ng mga chocolate na to. Talagang bigay sayo?" nagtatakang tanong ni Bonita. "Actually hiningi ko lang iyan. Hihihi. Tapos binigay. " saad ko. Paguwi ko sa bahay nauna pa sa akin si Caleb. Na flatan siya kaya naiwan ang kotse niya sa school. Tumakbo ako paakyat at mabilis na nagbihis. Pumasok ako sa kwarto ni Caleb kakabihis lang niya. Napasimangot ako ng maumbok na naman ang bag niya. Tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Calm down baby" he kissed my cheeks. "There's no chocolates at all. Laptop ko lang yan" aniya. Binuksan niya ang bag niya at nilabas ang laptop. "Good" I sarcastically said. "But I have something for you!"aniya muli akong humarap sa kanya at nilabas niya ang ferrero rocher. "Akala ko ba wala chocolates" matalim kong sabi. "I have pala" tumawa siya. "But this time this is from me. I bought it for you. I know kahit isa wala kang kinain doon. Tsaka I never give you a chocolates, puro bulaklak lang at letter" nahihiya niyang sabi. Kinuha ko yun sa kanya. "Thank you!" nakangiti kong sabi. I gave him a peck on his lips and smiled. He hugged me. "You know what Sall, I really love seeing you mad and annoyed!" he chuckled kaya pinalo ko siya sa braso niya. "I love you!" he laughed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD