Caleb
It's been a year ng tumira ako kasama sina Tito Harvey at Sally. My Dad needs to settle everything. Delikado ang lugar namin. Iniipit kami ng mga Drug Lords at dinidiin din nila na sangkot ang tatay ko sa droga. But I know it's all a lie. My father wanted to protect me. I understand. And I want to protect them too.
Hindi pa ako masyadong komportable noong una. But sooner naka adjust din ako. Naiiwan si Sally mag-isa kapag may business meeting si Tito. She's always in her room at minsan lang siya lumalabas maliban nalang kong kasama niya ang Daddy niya.
Lagi kong naririnig na pinag-uusapan siya ng teachers. She got a hard time in Math. I could help her pero ayoko namang sabihin sa kanya baka isipin niyang nagfefeling close ako sa kanya. I saw her test papers score. She got high grades almost in other subjects except math. Siguro masyado lang siyang matalino sa English. I smirked.
Hindi ko alam na nilagay niya ako sa emergency people niya. Her teacher called my attention sinabi niyang ipasabi ko sa daddt ni Sally na kailangan na niya ng tutor. I just nodded to her teacher and left. Hindi ko aakalaing hihingi din siya ng tulong sa akin.
"Bro, birthday ko sa sabado. Punta ka!" ngumisi ako kay Bryan. "Sasama si Caleb, Bry I tell you" sabat ni Caren. Napailing nalang ako. "Sige. Anong oras ba?" tumawa sila sa tanong ko. " Punta kayo dun ng lunch time tsaka overnight na kayo" aniya. Tumango tango kami.
Seatmate ko si Caren at sobrang kulit niya sa akin. Minsan naiirita na ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Randam ko naman na may gusto siya sa akin pero sobra na ata yung masyado siyang clingy. She texted every hour kaya minsan ginagawa ko ng alibi ang pag-aaral ko ng mga lessons.
Lumabas ako ng classroom para jumingle. Nasa 2nd floor kami ng building. Nakita ko si Sally panay ang tawa niya at palo doon sa katabi niya. Kumunot ang noo ko. Si Gio ba yun? Nanlalabo na ang mata ko dahil siguro ito sa sobrang pag-aaral.
Pumunta ako ng cr at naghilamos. Paulit ulit nag replay sa utak ko ang nakita ko kanina. Binabagabag ako. Bumalik ako sa classroom at umupo. I don't feel well. I rested my head on my desk and closed my eyes.
"Caleb, hindi ka ba ginugutom?" ayan na naman kinukulit ako ni Caren. Masyado pang maaga para kumain, we still have an hour para ma dismissed talaga. Good thing wala yung teacher namin. Umiling ako kahit nakayuko ang ulo ko. "Okay ka lang ba? My gamot ako sa sakit sa ulo?" huminga ako bago umupo ng maayos. " I'm fine Car. Thanks!"
Tumayo ako at lumabas ulit. Nakita kong paparating sina Benedict at Derick. Saan naman galing itong dalawa?
"Bro, kain tayo!" wika ni Derick ng makalapit sila sa akin. "Busog pa ako." sabi ko. "Samahan mo nalang kami Bro. Pupuntahan namin yung kursunada ni Derick" saad naman ni Benedict at mahina siyang sinuntok ni Derick. "Gago" aniya. Ngumisi nalang ako at tumango sa kanila. Sumama ako sa cafeteria.
Naabutan ko sina Sally doon at ang barkada niya. Nagtatawanan na naman lakas makahalakhak nung isa. Umupo kami sa table na malapit lang din sa kanila. Palo ng palo si Sally sa katabi niya. Umiwas ako ng tingin.
"Order lang ako" saad ni Benedict sumunod ako sa kanya kaya naiwan si Derick. Nakapila kami sa counter. Pagbalik namin alam kong mapapansin kami nila Sally. Cheeseburger lang ang inorder ko at isang juice.
Hindi nga ako nagkamali. Papalapit palang kami napansin na niya ako agad. Ngumiti siya sa akin ganun din ako sa kanya. Biglang humarang yung isang babae sa amin na kasama nila.
"Kyaahhh. Anong number mo pwedeng pahingi?" kumunot ang noo ko. Nag trutruth or dare sila. Maganda ang babae at may dimple siya tinapunan ko ng tingin si Sally nakatingin din siya sa amin at nakangiti. Nag-aalangan pa akong kunin ang phone niya at nagtype doon ng numero.
"Omgg. Kuyaaa mwah mwah mwah" ngumiwi ako sa kanya bago namin sila nilagpasan. Nagkanda tilian na sila sa lamesa nila. Bumalik ako sa table namin. "Kursunada ka ata nun" nakangusong sabi ni Benedict. Umiling nalang ako. "Bro. Ang ganda niya" nakalagay ang isang kamay ni Derick sa panga niya. "Sino?" tanong ko habang binubuksan ang burger ko. "Si Clary" halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Sinundan ko ang tingin niya. The heck.
"Pero, pare diba nakatira kayo sa iisang bahay?" nakatuon sa akin ang attention niya. Tumango ako. "Pare dadalaw ako sa inyo" aniya. Napapikit ako at kunwari kinusot ko ang mata ko.. "Anong gagawin mo dun? Boring sa bahay" saad ko.
"Magdadala ko ng x-box ko" nakangisi niyang sabi. "Bro samahan mo ko" baling niya kay Benedict. Alam ko matagal na silang magkaibigan nito. Malamang susuportahan niya ito.
"Kelan pwede bumista sa inyo?" tanong niya muli. Ayoko man pero wala akong magagawa. "Next week pare. Sasabihin ko kay tito" sagot ko at kinagatan muli ang burger.
Walang ibang bukang bibig si Derick kundi si Sally. "So pare, anong paborito niyang meryenda para makadala ako" tanong niya. Kunwari pa akong nag-isip. "Pizza. Pizza ata" sagot ko. "Sige. Magdadala ako ng dalawang box" nauna siyang maglakad at ngumingiti na parang gago. "Hayss. Tinamaan na pare" natatawang sabi ni Benedict. "Para anmang hindi ka dumaan dyan" biro ko. Napailing nalang din siya at ngumiti.
Sally
Nahihiya akong e text si Caleb. Hindi ko mapigilan minsan na hawakan at ramdamin ang labi niya sa labi ko. Para kasong panaginip kahit alam kong totoo. Hirap akong nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Ang lambot lambot ng bila niya at ang init. Kinagat ko ang lowerlip ko. I wanted to supress my smile. Nakakahiya kay Manong Tanyo.
Nakita ko ng paparating si Caleb kaya umayos ako ng upo. Pumasok siya at tinaggal ang bagpack niyang nakasabit lang sa isang balikat niya. "Manong daan po muna tayo sa bookstore" aniya. Nakayuko lang ako buong biyahe. "Sally sama ka?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Imbes sa mata ang diretso sa labi niya naglanding ang mata ko. Tumango lang ako. Sumunod ako sa kanya. Ano naman kayang libro ang babasahin niya?
Kakabili lang niya last week. Tapos makapal pa yun. Ang bilis naman niyang magbasa. Nakasunod lang ako sa kanya bigla siyang tumigil kaya nabangga akonsa likod niya. Umatras ako ng konti. "Sall. Maglibot ka rin tatawagin kita pag tapos na akong makapili" aniya. Tanging tango lang ang ginawa ko sa kanya at tumalikod. Hmmm. Ang bango niya infairness.
Pinauna niya akong bumalik sa parking lot. Tango parin ang ginawa ko. Pwede naman niya akong isama ah! Nakabusangot tuloy akong bumalik. Naghintay pa kami ng ilang minuto bumalik siya na may dalang pagkain. Binigay niya kay manong ang isang pizza at sa akin naman ay nakabox na ewan. "Ano to?" tanong ko. "Batchoy" aniya. Mainit init pa nga. Nakangiti kong sabi. Kinuha ko ang kutsara sa kanya at kumain doon.. Pareho pa kami at may dala pa siyang burger. Kaya habang bumabiyahe pauwi busog kami.
Kinagat ko ang labi ko. Nahihiya ako pero gusto ko paring magpaturo sa kanya. Hawak ko ang libro ko at papel. Nagdadalwang isip kong kakatok o hindi nalang ako tutuloy. Bago pa ako makatalikod bumukas ang pintuan niya. Pumikit ako ng mariin. s**t. Wrong timing.
"Papaturo ka?" aniya. Kumabog ang puso ko. Parang slow mo akong humarap sa kanya. Ngumiti ako kahit kinakabahan ako. "Oo sana. Pero baka busy ka. Kaya next time nalang" nakangiti parin ako kahit ang hirap ng huminga.
" I'm not. Tara." aniya. Sumunod ako sa kanya at pumasok. Nanlalamig ako na iwan. "Iwan muna kita saglit. Kukuha lang ako ng pagkain tapos kakausapin ko pa si papa" saad niya bago tumalikod sa akin. Nang sumira ang pintuan tsaka lang ako nakahinga. Nilapag ko ang gamit ko at tinigtigan ang mga frames niya. Hehehe.
Ngayon ko lang na appreciate ang kagwapuhan niya. Dati naman hindi ako attracted eh. Wala nga akong pakialam sa kanya. Tinignan ko at bondpaper na natatakpan ng libro. Hinawi ko iyon. Gumagawa siya ng poem. Assignment siguro niya. Binasata ko ang title niya. "The Sunflower and Light" wow ganda ng title ah. Mabilis kong tinakpan ulit iyon bago pa niya ako maabutan. Ilang sandali lang din bumalik siya ng may dalang gatas at sandwich.
Kanina pa kami nag-umpisa pero distracted ako. Hindi ko alam kong bakit. Wahhh. Ayoko kong matralala. Ito Sall, mabilis lang ito pag nakita mong line segment ito dapat sa kabila hindi na. Pumikit na ako ng mariin. "Ahh. Caleb pwedeng bukas ko nalang natin to ipagpapatuloy inaantok na kasi ako" nahihiya kong sabi kunwari pa akong naghikab.
"Ganun ba? Sige" tiniklop niya ang libro ko. Akmang tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Akala ko may sasabihin pa siya pero binigay niya lang ang libro ko. "Thank you" mahina kong sinabi at bumalik sa kwarto ko.
Kinabukasan nag-abang ako kay Caleb sa caf. Nakabusangot naman si Kelly. "What' s wrong with you?" Christine asked her. "He's not replying to my text." she pouted. "Who?" tanong ko kahit may alam na ako. "Caleb" aniya. "Ang suplado niya ha. Nakipagkilala lang nama ako." hindi ako umimik. Wala din naman akong masasabi. Akala ko chick boy si Caleb mukhang mali ata ako.
Pumasok sila sa Caf katabi niya yung babae na mahaba ang buhok. Nakagat ko ang labi ko. Naiinis ako makita silang ganya. Hindi ko gusto. Napatanga nalang ako ng humawak sa braso niya yung babae at wala man lang sa kanya iyon. Tumalikod ako. Nawalan ako ng gana. Dinampot ko nalang ang burger ko at tumayo. "Bonita, sa classroom na ako mag-aantay. Masama pakiramdam ko" sabi ko. Tumayo naman si Gio. "Samahan na kita" aniya. Tumango nalang ako. Buti pa nga.
Nagsuot ako ng earphone habang nag-aantay sa kanya sa kotse. Nasa kabilang side lang ako nakatingin. Naramdaman ko ang presensya niya. Hindi ako tumingin sa side niya buong biyahe naiinis kasi ako. Pakiramdam ko nakakasakit yung ginawa niya. Nandun na si Daddy ng dumating kami. Ginabihan pa kami dahil sa traffic. Pumasok agad ako sa kwarto ko at nagbihis.
Wala parin akong imik habang kumakain. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. "Dad una na ako may tatapusin pa ako" nakangiti kong sabi.
Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at umupo sa study table ko. Feel kong magpamusoc ng love song kaya plinay ko yung. 'Bakit di nalang totohanin ang lahat'
Damang dama ko yung kanta. Ewan ko ba nababaliw na ata ako sa kanta. Nakatitig lang ako sa libro ko at wala akong planong mag-aral ngayon. Disturbed ang utak ko.
Narinig kong may kumatok kaya tumayo ako. May sasabihin siguro si Dad. Binuksan ko ang pintuan at umawang ang bibig ko pero agad ko.yung sinirado. "Wala ka bang ipapaturo?" nakangiting tanong niya. Kagit gusto kong magpaturo hindi ko magawa. "Wala. Salamat" sabi ko akmang isasara ko ng pigilan niya ako. "Pwedeng pumasok?" muli niyang tanong. Tumango ako at binigyan siya ng daan para makapasok.
Sinira ko ang pinto, sayang ang lamig eh. "Tatlong beses palang akong nakapasok dito" aniya. Hinayaan ko lang siyang tumingin tingin. Hayss. "May problema ba?" mahina niyang sabi. Tumingin agad ako sa kanya at umiling iling. Lumapit siya sa akin at tinignan ako. Iniwas ko ang tingin ko. "May problema ba tayo?" muli niyang tanong.
"Wala" sabi ko. "Iniiwasan mo ko?" umiling agad ako. "Kung ganon bakit hindi mo ako pinansin kanina sa caf?" napapikit ako ng mariin.
"Caleb" mahina kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso. Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng malungkot. "I like you! Hindi like na admire lang. It's more than that" yumuko ako. There I said it.
Tinaas niya ang chin ko. Nahihiya tuloy akong tignan siya. "Why didn't you tell me?" he asked calmly. Gosh bakit ba ang calm calm lang niya habang ako dito mukhang aatakihin na. Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako. "I love you!" aniya. Wait what? Akmang aalis ako sa kanya ng niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you Sall!" he repeated. Pinikit ko ng mariin ang mata ko this because of too much kilig. Goshh. Niyakap ko din siya ng mahigpit. Humiwalay siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"You're turning 16 next month" aniya. Tumango tango ako. May pa kasing nag 17 si Caleb late kasi siyang pumasok kaya ganyan.
"Matulog ka na. I'll see you tomorrow" he said before leaving.
I couldn't erase my smile that is platered on my face. He likes me. No. He loves me. He said it twice.
Nauna pa siya sa akin sa loob ng sasakyan. Tumabi ako sa kanya at ngumiti ganun rin siya sa akin. "Hi" he greeted napangiti nalang ako. "Hi" I said with no sound.
"See you at the caf" aniya. Tumango ako. Hinalikan niya ang knuckles ko bago ako iniwan doon. Pumasok ako sa classroom. "Wow. Blooming ka ah" sabi agad sa akin ni Bonita. "Talaga?" nakangisi kong sabi. "Yup. Sino yan? May boyfriend ka na noh?" maagap akong umiling sa kanya. "Weeh?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Kanina pa ako kinukulit ni Bonita. Hinayaan ko nalang. Wala naman akong masasabi eh.. Katulad ng usapan namin hinintay ko siya. Tumunog yung phone ko. May message galing sa kanya.
Caleb:
"Wag na tayo dyan kumain. Sa labas nalang. Hintayin kita sa gate"
Me:
Okay :)
Tumayo ako agad. "Ah. Guys di nalang ako sasabay. May bibilhin pala ako sa labas." saad ko. Tumango lang sila. Buti nasa counter pa si Gio.
Tumakbo agad ako papunta sa gate. Nakaabang na doon si Caleb. Lumapit ako sa kanya at sumakay kami sa grab na kinontak niya.
He hold my hand during the whole drive. Nakangiti lang ako sa kanya. Tumigil ang kotse at lumabas kami sa isang restaurant niya ako dinala.
Pumasok kami sa loob. Lumapit agad sa amin ang waiter. Binigay ko sa kanya ang order maging si Caleb. Nilabas ko ang phone ko dahil nag text si Gio tinatanong kung asan ako.
Binalik ko ang phone ko sa bulsa si Caleb naman tinabi lang niya. "You like the food?" aniya. "Yup. This will be my favorite" sabi ko.
Magkahawak kamay kaming lumabas sa restaurant. " I'm happy" he looked at me intently. Ngumiti din ako pabalik. "Me too!" he kissed my knuckles again. Gosh. Kulang nalang himatayin na ako sa kilig.