Third Person POV “Nandito na tayo, maligayang pagdating sa akademya ng Azov” sambit ng nagmamaneho sa sasakayang sinasakyan nina Dark. Tumingin ang grupo sa kulay berdeng tarangkahan na nasa kanilang harapan, sa gitna ng tarangkahan ay isang larawan ang nakaguhit na simbolo ng akademya. Bumukas ang tarangkahan at pumasok ang sasakyan sa loob ng akademya. Pagkapasok ng sasakyan ay isang lalaking may suot na pormal na kasuotan at isang salamin ang nasa harapan ng sasakyan. “Hanggang dito na lang” muling wika ng lalaking nagmamaneho. Isa-isang bumaba ang grupo nina Dark sa sasakyan at lumapit sa lalaking nasa harapan. Ngumiti ang lalaki sa grupo ng mga napili ng Zendar. “Maligayang pagdating sa akademya ng Azov. Ako si Ginoong Darwin Olipio, isa sa mga guro na nagtuturo sa mga napili ng ak

