Third Person POV Sa isang maliit na tindahan sa bayan ng Grandi, isang katok ang bumasag sa katahimikan ng lugar. Napakunot ng noo si Ginoong Conrad at tumingin sa orasan, alas diyes na ng gabi. "Gabi na, sarado ang tindahan" sigaw ng Ginoo, ngunit nagpatuloy pa rin ang pagkatok sa labas ng pinto. Mas lalong kumunot ang noo ni Ginoong Conrad at naiinis na tumayo. Pagkabukas sa tindahan ay nagulat ang ginoo sa kung sino ang kumatok. Bumungad kay Ginoong Conrad ang hindi inaasahang bisita, ang panganay na anak ng kanyang nakababatang kapatid, si Prinsipe Aaron Sabe Kreig. Kumunot ang noo ni Ginoong Conrad ngunit nagbigay galang pa rin ito. "Mahal na prinsipe" "Tiyo" sabay na banggit ng dalawa, tumingin si Ginoong Conrad kay Sage na may halong pagkagulat. Hindi inaasahan ng ginoo na mala

