Chapter 14 Tinitigan ko ang kahon na naglalaman ng damit na susuotin ko mamaya para sa party. Pinadala ito ni Rick kaninang umaga. Balak ko sanang ibalik sa kanya kaso nabasa ko 'yong note niya na 'wag na 'wag ko raw ibabalik sa kanya kundi magtatampo raw siya. Parang bata talaga. Dahil dito, wala na akong magagawa kundi ang pumunta talaga sa party na iyon. "Princess! Bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong ni Kuya Harris pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto. Sinabi ko sa kanilang pupunta ako sa isang party at 'agad naman silang pumayag. "Oo nga, Princess. Mag-ayos ka na at magbihis para handa ka na para mamaya." sabi naman ni Kuya Steff. Napanguso na lang ako. "Wala namang mag-aayos sa akin, e." reklamo ko. Tanging lipstick lang ang alam kong ilagay pero pagdating sa mga blush on, fo

