Chapter 4

2056 Words
Chapter 4 Paulit-ulit sa aking isipan ang sinabi sa'kin ni Saturn kahapon. For some reason, I got nervous that I couldn't sleep! Kailan ba ako tatantanan ng halimaw na 'yon?! 3 o'clock na ng madaling araw at wala pa akong tulog! Hindi talaga ako makatulog dahil sa sinabi ng bwisit na halimaw na 'yon! Ano ba'ng ginawa ko sa kanya na talagang kailangan ko pang magbayad? Well, bukod sa pang-iinis ko sa kanya at pagsigaw ko sa kanya, wala na akong ginawa sa kanya. Ano namang kabayaran? Napasinghap ako nang may maisip akong isang bagay. Katawan ko? Shet! Hindi ko pwedeng ibigay sa isang katulad niya ang aking pinakaiingatang perlas! Lechugas naman, Chloe, hindi naman siguro 'yon ang kabayarang sinasabi niya. Pagkatapos ng ilang beses na paggulong sa kama, ilang beses na pagbangon at paghiga – tatlong oras lang ang naitulog ko. Mukha siguro akong bangag ngayon.   "Wow! Himala yata, Princess? Gising ka na kaagad? Madalas kapag pumapasok kami rito, tulog na tulog ka pa at ayaw pang magpagising." nakangising sabi ni Kuya Harris. "Oo nga naman. Ano'ng nangyari sa'yo? Ang laki ng eye bags mo, o!" Itinuro pa ni Kuya Steff ang eye bags ko. "Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" tanong ni Kuya Justin habang may mapanuring tingin.   "Nakatulog naman ako." nakangusong sagot ko. "Nakatulog ka pa ng lagay na 'yan? Mukhang puyat ka, e. Sinong iniisip mo? 'Wag mong sabihing lalake 'yan, a! Lagot sa amin kung sino ang damuhong 'yon." sabi ni Kuya Harris na may halong pagbabanta ang tono ng boses. "L-lalake? Hindi, 'no! Hindi lang talaga ako makatulog." Totoong lalake ang iniisip ko pero hindi sa paraang iniisip nila. Mga Kuya ko talaga. Hindi na nila masyadong ipinilit ang topic at hinayaan na akong makapag-ayos ng aking sarili. Papasok pa ba ako? Pwede naman akong magdahilan kina Kuya na hindi maganda ang pakiramdam ko. Kinakabahan kasi ako sa gagawin ni Saturn, e! In the end, I found myself standing in front of the school gate. Kinakabahan akong pumasok sa gate ng school pero bago pa ako makadating sa aming building ay hinarangan ako ng apat na lalake na nakasuot ng suit. Naka-shades pa silang lahat at ang laki pa ng katawan nila. Mga mukha silang wrestler na sosyal dahil nakasuot sila ng suit.  Napalunok ako dahil sa kaba habang tinitingnan sila. Ito na ba ang kabayaran na sinasabi ni Saturn? Ipapapatay ako? I-sasalvage pagkatapos patayin? Icha-chop-chop? "A-ano pong kailangan niyo sa'kin?" kinakabahang tanong ko sa kanila.  "Kailangan mong sumama sa amin, kailangan ka ni Young Master." sabi ng isa sa kanila.  "Sinong Young Master? Si Goo Jun Pyo? O Dao Ming Zi?" Nagtataka naman silang tumingin sa akin. Bakit? Sino bang Young Master ang sinasabi nila? Pa-sosyal pa kasi, e! "Hindi po Goo Jun Pyo o Dao Ming Zi ang pangalan ng Young Master namin." I shrugged my shoulders nonchalantly. "Ay? Gano'n ba? Sige, mauna na ako sa inyo." Nilagpasan ko na silang apat. Akala ko ligtas na ako sa kanila kaso hinawakan nila ang magkabila kong braso. Parang papel lang nila akong binuhat at dinala sa loob ng kotse. Wala man lang ka-effort effort. Nang umupo ang dalawa sa aking magkabilang tabi at sa unahan naman 'yong dalawa ay nagsimula na akong magpanic.  "Ano'ng kailangan niyo sa'kin?!" sigaw ko. "Tulong! Tulong—" Tinakpan ng lalakeng nasa aking tabi ng panyo ang aking bibig. Unti-unting umikot ang aking paligid hanggang sa mawalan na ako ng malay. NAPAHAWAK ako sa aking ulo paggising ko. Medyo masakit pa ito dahil sa nangyari kanina. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nasa isa akong malaking kwarto na puro mukhang mamahalin ang lamang kagamitan. Dahan-dahan akong tumayo. "Nasaan na ba ako?!" sigaw ko. "Mabuti naman at gising ka na. You snore like a pig." Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. Nakita ko ang isang lalakeng nakatalikod at nakaharap naman sa malaking bintana na halos umabot na sa may ceiling. Dito pa lang sa kwartong ito, alam ko ng mansyon ang bahay na ito.  "Goo Jun Pyo?" parang tangang tanong ko. Bakit ba? Maala-Gum Jan Di kasi ang nangyari sa'kin, e! Pero 'wag kayo, Boys Over Flower ang peg!  Marahas siyang humarap sa akin. "Anong Goo Jun Pyo ang pinagsasasabi mo?!" Napairap ako sa kawalan nang makita kung sino ba talaga siya. Impakto pala, hindi Goo Jun Pyo. Mas bet ko sana kung si Lee Min Ho siya no'ng humarap kaso hindi, e. Panira naman ng mood.  "Bakit mo 'ko dinala rito?" tanong ko. "Simple lang, kailangan mong magbayad." Napasinghap ako sa sinabi niya. Itinakip ko ang aking braso sa aking dibdib. Sinasabi ko na nga ba! Katawan ko ang kabayaran! "H-hoy! 'W-wag mong sabihing—" "'Wag ka ngang feeling diyan! 'Asa ka namang pag-iinteresan ko 'yang dibdib mong parang airport runway." Ouch. Ang sakit naman. E, 'di ako na ang flat-chested! So kailangang ipamukha? Kailangan may personal na pag-atake? "E, ano ba kasing kailangan mo sa'kin?" Lumakad siya patungo sa lamesa kung saan may nakapatong na dress at sapatos. Inihagis niya ang mga ito sa akin. Bastos talaga! Buti na lang nasalo ko. "Isuot mo, may pupuntahan tayo." "Saan naman?" "'Wag ka ngang masyadong matanong. Basta isuot mo na 'yan kung ayaw mong matanggal 'yang balat mo sa mukha." Napahawak ako sa aking pisngi. Balak na naman niyang kurutin ng bongga? Sapakin ko kaya siya? "Baka nakalilimutan mo na pwede kitang kasuhan ng k********g!" Talagang pinatulog pa nila ako! He clicked his tongue and walked out of the door like he didn't hear anything. Nanggigil ako sa galit. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa dress. It's cute. Kulay blue pa ang kulay nito na siyang paborito ko.   Matapos kong isuot ang dress ay inayos ko ang aking buhok into fishtail at ipinatong sa right side ng aking dibdib. Isinuot ko rin 'yong silver na headband. Binuksan ko ang aking bag at inilabas ang aking kit na may lamang lip gloss. Hindi naman ako nagba-blush on. Madalas lip gloss lang ang gamit ko. Nagpulbo lang ako nang kaunti kasi maputi na naman ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay bihis na bihis na rin siya. Nakasandal siya sa couch habang nakatingin sa relo niya. Nakasuot siya ng puting long sleeves na polo at itim na necktie. Nakasabit sa kanyang balikat ang itim niyang coat. Messy ang buhok niya pero ang gwapo pa rin niyang tingnan. Kahit yata basahan ang ipasuot sa lalakeng 'to, gwapo pa rin. Lumapit ako sa kanya at ngumisi. "Ano'ng masasabi mo? Ang ganda ko, 'di ba?" Medyo inangat ko pa ang magkabilang gilid ng dress ko para ipakita sa kanya.  Matagal niya akong tinitigan at bahagya pa siyang nakanganga. "Ang panget mo." Inirapan ko siya dahil sa kanyang comment. Hindi ba siya maalam maka-appreciate ng true beauty? Hmmp! Padabog akong naglakad palayo sa kanya hanggang sa makalabas na ako sa bahay niya. Tiningnan ko na lang ang garden nila pati na rin ang hitsura ng bahay nila mula sa labas. Gaya nga ng hula ko kanina, mansyon nga ito. Ang lawak pa ng garden nila.  "Sakay na." turo niya sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Panay naman ang galaw ko sa kinauupuan ko. Hindi talaga ako sanay nang ganito katahimik. Nasanay kasi akong maingay sa bahay dahil nina Kuya at sanay rin ako sa school dahil nina Xander at Shellie. Gusto kong magtanong kung saan kami pupunta kaso baka kapag nagsalita pa ako ay ihagis niya ako palabas ng kotse niya. Siguradong posibleng mangyari 'yon. Sa ugali ba naman niyang 'yan? Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Napanganga ako sa laki ng bahay. Kahit na mas malaki ang bahay ni Saturn ay pangmayaman pa rin ang bahay na ito. Hitsura pa lang nito mula rito sa labas ay mukhang maganda lalo kapag nasa loob. Nakarinig ako nang malakas na tugtugan mula sa loob. Mukhang may party. May pailan-ilang tao na lumabas sa gate na nakasuot ng pormal na damit.   Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papasok sa loob. Napatungo naman ako nang makita ang bawat mata ay tumingin sa aming dalawa. Or shoud I say, tumingin sa kanya? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ngayon, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Hindi naman ako sanay sa mga ganitong okasyon. Ayoko ring nagpupunta sa mga ganito. Kung alam ko lang na ganito pala ang pupuntahan namin, sana hindi na ako pumayag na sumama.  Pagkarating namin sa isang mini stage ay bumaba ang isang magandang babae mula roon. Mukhang siya yata ang may birthday dahil sa lahat, siya ang may pinakabonggang suot. Malawak ang kanyang ngiti at dumagdag ang pagkapula ng kanyang pisngi nang makita niya si Saturn. With that look, you'll know that she's head-over-heels for him. "Saturn babe! I'm glad you came!" bungad niya. Hahalik pa sana ito kay Saturn kaso itinaas niya ang kanyang palad at itinapat sa mukha ng babae. Bastusan lang, dude? "I'm not here to celebrate your birthday with you. I'm here to tell you that," Itinaas niya ang kamay niya na hawak ang kamay ko. "May girlfriend na ako so stop pestering me."  My jaw dropped and looked at him as if he grew ten heads. What did he just say?! The girl laughed awkwardly. She playfully hit Saturn's chest. "Saturn, why are you like this? 'Wag ka ngang magbiro nang ganyan! Birthday ko pa man din ngayon. You should fulfill your duties as my boyfriend. That's all I'm asking for as a gift." Ngumiti ito at hinawakan ang isang kamay ni Saturn pero 'agad na binawi ni Saturn ang kamay niya mula rito.  "Stop acting like my girlfriend because you're actually not!" he said, fuming. "I'm dead serious. I never loved you. Ikaw lang naman 'tong habol nang habol. I hate desperate girls who'll do everything just to get a man."  Lahat ng tao ay natigilan dahil sa eksenang nangyayari. Hindi ko naman alam kung tatakbo ba ako at tatago sa ilalim ng lamesa o mananahimik na lang. Umiiyak na ang babae at ito namang walanghiyang si Saturn, walang pakealam! Tumakbo paalis ang babae papasok sa loob ng bahay. Muli niya akong hinila palabas ng bahay na para bang wala siyang masamang ginawa. Marahas kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. He disgusts me! His dirty attitude really disgusts me! I glared at him. "Alam mo, ang sama-sama mo! It's her birthday! Bakit mo naman siya sinabihan ng mga masasakit na salita? Kailangan ba talagang sa saktong birthday niya sabihin ang mga ganoong bagay? Palibhasa kasi hindi mo alam ang mga nararamdaman niya! Wala kang puso! Hindi ka na naawa sa kanya!" sigaw ko sa kanya. He looked at me with anger in his eyes. His hands are balled into fists while resting on his side. "Will you please shut the f**k up? Wala kang alam!" he said through gritted teeth.  Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya. Nakakatakot at nakakakilabot. Para bang nakikita niya ang kaloob-looban mo kapag nakatingin siya nang ganoon. "You don't know what I've been going through! Alam mo ba 'yong pakiramdam na hinahabol-habol ka ng babaeng kagaya niya? Yeah, she's pretty. Yeah, she's rich. But I don't like her. She's always there like a stalker! Lahat ng galaw ko gusto niyang alamin. Lahat ng anggulo ko, gusto niyang tingnan. Ipinagkalat pa niyang boyfriend niya ako kahit hindi naman! Alam mo ba ang ganoong pakiramdam?!" I was silent for a while but I spoke afterwards. "E, 'di ako na ang walang alam! Malay ko bang gano'n naman pala ang nangyari? Hindi mo naman kasi sinabi na gano'n pala ang sitwasyon! Sana man lang, bago mo ako dinala rito, ipinaliwanag mo sa akin ang balak mong gawin! Tatanga-tanga ka kasi, e!"  "Oy! Mas tanga ka naman sa'kin! Ang dami-dami mong sinabi, akala mo kung sino kang magaling, wala ka namang alam!"  "Wala akong alam kasi wala ka namang sinabi! Stupid! Baka! Idiot! Shunga!"  "Bahala ka sa buhay mo! Panget!" sigaw niya at sumakay na sa kanyang kotse. I guess this will be the end of our childish fight, thank God. Akma kong bubuksan ang pinto ng kotse pero natigilan ako nang bigla niyang pinaharurot paalis ang kotse niya. I was left standing there like a dumbass, staring into space.  That jerk! Iniwan ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD