Chapter 1
"Whatever you are physically, male or female, strong or weak, ill or healthy—all those things matter less than what your heart contains. If you have the soul of a warrior, you are a warrior. Whatever the color, the shape, the design of the shade that conceals it, the flame inside the lamp remains the same. You are that flame." Niyakap niya ang makapal na libro sa kanyang dibdib. "That's what James Carstairs said to Tessa Gray from the book Clockwork Angel by Cassandra Claire, one of the New York Times best-selling authors. Isn't it beautiful? This book is a masterpiece. I recommend this to you, guys but warning, Will Herondale is mine, you can take James."
Napatawa kaming lahat sa sinabi niya. Isinulat ko sa aking notebook ang sinabi niya na kinuha niya sa librong inirekomenda niya. Nandito ako ngayon sa garage niya, kaklase ko sa sa subject na English. Nagtitipon-tipon kaming lahat na mga bookworm dito sa garage nila para magrecommend ng mga librong nabasa na namin sa bawat isa o kaya naman magkwentuhan tungkol dito. Ginagawa namin ito tuwing Sabado at ito na ang last na gagawin namin ito dahil kailangan na raw magfocus sa pag-aaral. I'm against it at first pero wala na akong nagawa.
Nilanghap ko ang sariwang hangin dito sa park. Umalis na ako kaagad kasi ayoko ng masyadong drama. Makakapagbasa pa rin naman ako ng libro kahit anong oras ko gusto ang kaso lang, nabasawan ang taong mapapaglabasan ko ng feels kapag maganda ang nabasa ko.
"Chloe!"
Malapit na ang pasukan, siguro tama rin nga naman sila. Kailangan naming magfocus sa pag-aaral lalo na't pare-pareho kaming graduating sa Senior High School. We shouldn't fail.
"Chloe!"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko naman ang babae kanina na tumatakbo. Nang makarating siya sa harapan ko ay may iniabot siya sa aking libro. Ngumiti siya sa'kin. Pinunasan pa niya ang pawis na tumulo sa kanyang pisngi.
"Naiwan mo 'yang libro mo."
"Oh, salamat," Tiningnan ko ang paborito kong libro. "'Buti na lang naibigay mo sa akin. Salamat talaga."
Iniwagayway niya ang kamay niya. "Naku, wala 'yon, 'no. Alam ko namang paborito mo ang librong iyan. Sige, aalis na ako." paalam niya.
Pinanood ko lamang siyang umalis at nagsimula na ulit akong maglakad. Nilagay ko ang libro sa aking sling bag. Mahilig talaga akong magbasa ng mga libro. Nag-iipon pa ako para lang makabili ng mga librong gusto kong basahin. Madami na rin akong nabasa at hindi na mabilang ang mga author na iniidolo ko.
Habang lumilinga-linga ako sa paligid ay napatingin ako sa aking dinadaanan. Nakakita ako ng 1000 pesos sa damuhan. Parang nakarinig ako ng 'kaching!' at kulang na lang ay maghugis peso sign ang aking mga mata
Tumingin-tingin ako sa paligid kasi baka balikan ng may-ari pero mukhang hindi alam nung may-ari o kung sino man 'yon na nalaglagan na siya ng pera kaya nilapitan ko na.
Ako na ang mukhang pera. Ako na talaga! Sayang din, 'no! Pangkain din 'to.
Tumungo ako para limutin ito kaso nakita kong may isang kamay na humawak sa kabilang dulo ng 1000 pesos.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kaming umayos ng tayo. Wala ni isa sa amin ang bumibitiw sa 1000 pesos. Binalot kami ng mahabang katahimikan ngunit hindi pa rin namin inaalis ang tingin sa isa't-isa.
May bandage siya sa kanyang pisngi at may ilang pasa sa kanyang mukha. Para kaming nasa isang Korean drama na kulang na lang ay lagyan ng OST kung saan siya 'yong bidang lalake na basagulero at ako naman 'yong bidang babae na kapartner niya pero dahil mas mahalaga sa'kin ang 1000 pesos, hindi ako papayag na makuha niya ito sa'kin.
"Hoy! Akin 'to!" sigaw ko sa kanya.
Masama siyang tumingin sa akin. Ay, scary! "Anong sa'yo?! Bumitiw ka kasi akin 'to!"
"Aba! Sa'kin kaya ito! Nilipad lang!"
Hinila ko papalapit sa akin 'yong 1000 pesos kaya nadala ang kamay niyang nakahawak sa kabilang dulo nito.
"Mukha mo! Ako ang naunang nakakita nito!" pakikipagtalo pa rin niya.
"So what kung ikaw ang unang nakakita? Ako naman ang unang nakalimot?" nakangising sabi ko.
"Hoy, babaeng mukhang palakang ipinrito sa kumukulong mantika, magtigil ka nga! Akin dapat 'to!"
I gasped. That's the worst insult I've ever heard!
"Hoy, lalakeng ibinagsak ng langit, unang tumama ang mukha sa lupa, akin 'to! Finders keepers, loser's weepers!"
"Ako nga ang finder, e! Kaya iki-keep ko 'yan!"
"Uy! 1000 pesos ko!" sabay kuha ng matandang babae. "Salamat sa inyo mga apo, a!" aniya at tumakbo paalis.
Naiwan kaming dalawa na nakataas pa rin ang kamay na parang may hawak pa na 1000 pesos. Dumaan ang malakas na hangin sa aming dalawa at—
"Gosh!" sigaw ko.
"Kasalanan mo 'to!" sigaw naman niya sa 'kin.
"Anong ako?! Kung hindi ka ba naman nakipag-agawan, e, 'di sana walang ibang nakakuha!"
"Wait, siya ba talaga 'yong may-ari ng 1000 pesos?" tanong niya habang nakahalukipkip.
"Aba, malay ko!" sigaw ko sa kanya. "Bakit ka ba kasi nakipag-agawan sa 1000 pesos? Bakit hindi ka na lang maging gentleman at hinayaan na lang sana sa akin? Nailibre pa sana kita!"
"I lost my wallet! Damn it, I wasted a lot of time. Nevermind. I don't want to see your shitty face again." Tinalikuran na niya ako at nagsimula nang lumakad.
Sisigawan ko pa sana siya dahil sa pang-iinsulto na naman niya pero hindi ko na ginawa kasi masakit na ang lalamunan ko kakasigaw ko kanina. Walanghiyang lalakeng 'yon! Pero sabi niya nawalan siya ng wallet kaya nakipag-agawan siya sa perang iyon? Nagkibit-balikat na lang ako. Ano namang pake ko?
"Hoy."
Napatingala ako. Bahagyang kumunot ang aking noo nang makita ko na naman ang lalake kanina sa aking harapan.
"Bakit?" humalukipkip ako at inirapan siya.
"Bigyan mo ako ng sampung piso."
Yes naman, parang may patago, a?
"At bakit?"
"Pamasahe."
Wow lang talaga.
"Bakit?"
"Hindi ba nasabi ko na sa'yo kanina? Nawala ang wallet ko kaya bigyan mo ako ng pamasahe. Naiwan ko pa sa bahay ang cellphone ko. Kung hindi ka nakipag-agawan kanina sana may pamasahe ako pauwi!" sigaw niya.
Bumuntong-hininga ako. Para matapos na, kumuha ako ng sampung piso sa aking bulsa at iniabot sa kanya. Wala na akong energy na makipagtalo pa sa stranger na katulad niya.
"Isang daan ang balik niyan sa 'kin, a." seryosong sabi ko sa kanya.
"Yeah, in your ugly face." Mabilis siyang lumakad palayo sa akin at hindi man lang nag-thank you!
"Thank you, a?!" sarkastikong sigaw ko sa kanya.
Humarap siya sa akin at ngumisi. "You're welcome!" Nag-bow pa siya na parang nagbo-bow sa harap ng isang royalty pagkatapos ay tumakbo na palayo.
Uggh, that stupid guy! 'Wag ko na sana siyang makita ulit!
"Chloe, it's time for school." nadinig kong sabi ni Kuya Harris.
Tumalikod ako sa kanya at nagtaklob ng unan. "Five minutes, please."
"Hindi pwede. Ang tagal mo maligo, e." sabi naman ni Kuya Justin.
I groaned. "Please."
"Nope. Bumangon ka na." sabi naman ni Kuya Steff habang hinihila ang unan sa aking mukha.
What's the worst part in the morning? Waking up early. I groaned. Kung wala rito ang tatlong kuya ko, hindi ako magigising nang maaga para pumasok.
Sa gilid ng aking kama nakatayo ang tatlo kong Kuya. Si Kuya Harris ang panganay. Siya ngayon ang supervisor sa isang Travel Agency. Si Kuya Steff naman ang partner in crime ni Kuya Harris sa pang-aasar kay Kuya Justin. Model siya ng isang clothing line. Hindi man halata sa itsura nilang dalawa ni Kuya Harris, mga isip-bata talaga sila. Si Kuya Justin naman ang pangatlo na siya namang pinakaseryoso sa kanila kaya ayon, palaging pinagtitripan nina Kuya Harris at Kuya Steff. Model din siya kagaya ni Kuya Steff.
Kulang na kulang ako sa tulog. Napuyat kasi ako kagabi sa pagtatype ng story na ginagawa ko. Nadiscover ko ang isang ebook community kung saan kahit sino ay pwedeng magpost ng stories na ginawa nila. Simula nang mahilig ako sa pagbabasa, nagkaroon na rin ako ng interes sa pagsusulat. Hindi lang 'yon, pwede pa ako makakilala ng ibang taong may katulad ko rin ng hilig.
"Sige, Princess, ligo ka na, a." sabi ni Kuya Harris at ginulo-gulo pa ang buhok ko saka hinalikan ako sa noo.
"Sumabay ka na sa amin. May photoshoot din kami ni Kuya Steff at same studio rin pupunta si Kuya Harris sa photoshoot niya para sa isang magazine." ani Kuya Justin at hinalikan din niya ako sa aking noo.
"Baka may nanliligaw na sa'yo, a? Kapag nalaman-nalaman ko lang, basag ang mukha no'n sa akin." sabi ni Kuya Harris habang hawak ang kanyang kamao at pinatutunog pa ang mga buto niya rito.
"Oo nga, Princess, bago ka mapunta sa kanya, dapat dumaan muna sila sa amin." sabi ni Kuya Justin.
"Tama, ang gwapo ko talaga." sabi naman ni Kuya Steff habang nakaharap sa malaking salamin ko rito sa kwarto na nakadikit sa dingding.
Lumakad naman papalapit sa kanya si Kuya Justin at binatukan siya nito.
"Loko! Akala namin may maganda kang sasabihin!"
"Kung makabatok ka parang ang tanda mo sa 'kin, a! Saka nasabi niyo na lahat nang dapat sabihin kaya hindi na ako naki-join! By the way, Princess, ihanap mo nga ng bebot 'tong si Justin, ang sungit, e. Kulang siguro diyan ay love life." ani Kuya Steff bago niya ako halikan sa noo.
Hinampas naman siya ng unan ni Kuya Justin.
"Aray ko! Hoy!"
Naghabulan na silang dalawa palabas. Napailing na lang ako habang nakangiti. Ang gugulo talaga nila. Minsan nga nalilito na ako kung ako ba talaga ang bunso o sila, e.
Parang ritwal na nila 'yong paggising sa akin sa umaga at bago sila lumabas, hinahalikan muna nila ako sa noo. Hindi natatapos ang umaga na hindi sila nagkukulitan lalo na rito sa loob ng kwarto ko kapag ginigising nila ako. Kahit ganoon, napakamapagmahal nilang Kuya kaya ang swerte ko. Palagi rin nila akong tinatawag na Princess kasi only girl ako at nakasanayan ko na rin iyon.
Pagkarating namin sa school ay talagang inihatid pa nila ako sa classroom ko. Umalma ako sa naisip nila kaso nakuha na ni Kuya Harris ang printed schedule ko kaya wala na akong nagawa. Habang naglalakad kami sa hallway ay halos mahimatay na ang mga babae sa sobrang kilig sa kanila. Hindi ba nila naisip na dahil sa ginawa nila, mas lalong dadami ang mga babaeng manggugulo sa akin makuha lang ang number nila? Oh, God.
Nang makarating kami sa aking room ay muli nila akong hinalikan sa noo at tumakbo na paalis dahil siguradong pagkukumpulan sila ng mga babae.
"Bakla!" Napalingon naman ako sa sumigaw. Nakita ko sina Xander at Shellie. "Ang mga Greek God mong Kuylalu! Jusko, penge namang number kahit isa lang sa kanila! I'm gonna die!" Inilagay niya ang likod ng kanyang palad sa kanyang noo at umaktong nahihimatay. Ang landi talaga ng baklang 'to!
Binatukan naman siya ni Shellie. "Ilusyonada! Baka kapag nalaman nilang ikaw 'yong katext nila magpalit ng number 'yon!"
"Kailangan may batok, teh?" nakangusong sabi niya. "Nakakainlababo kaya 'yong mga Kuya niya, 'no! Lalo na si Justin. Ang pagiging seryoso niya ang pinakagusto ko sa lahat."
"Magtigil ka nga diyan, Alexander! Hinahalay mo na ang mga Kuya ko sa isip mo, e!" saway ko sa kanya.
"It's Xandy! Call me Xandy! Mga baklang 'to!"
Ang arte talaga ng baklang 'to! Mas maarte pa 'yan kaysa sa akin. Ewan ko ba rito kay Xander, ang gwapo gwapo naman tapos bading. Sayang ang feslak niya. Noong una ko nga siyang nakita rito sa school noong first year pa lang ako, nagwapuhan talaga ako sa kanya ang kaso nang magkakilala kami, nalaman kong isa pala siyang sirena.
"Oo nga pala, nabalitaan mo na bang may mga gwapong transferees daw na dadating ngayong araw?" tanong ni Shellie.
"Huh? Malay ko. Ano naman ngayon?"
"Omg! Sa'ng bundok ka ba galing?!" OA na sigaw niya. "Kilala raw ang tatlong gwapong magtatransfer dito bilang mga troublemaker sa neighbour school natin! Dahil mayaman ang pamilya nila, nagbulag-bulagan na lang itong school natin at tinanggap na lang sila. Kagustuhan yata ng mga magulang nilang malipat sila rito."
"Oh, tapos? Sino raw ang mga 'yon?" walang interes na tanong ko sa kanya.
"Isa lang ang kilala ko roon at 'yon ay si Saturn Riff!" Tumili silang dalawa ni Xander habang nakahawak pa sa magkabila nilang pisngi. "Alam mo bang siya ang pinakagwapo sa kanilang tatlo?"
Humalumbaba ako sa aking lamesa at ngumuso.
"Ano namang pake ko sa planetang 'yon?"
"Ikaw talaga, sisteret! Kapag nakita mo si Fafable Saturn baka hindi ka na makatulog mamayang gabi!" ani Xander.
"Fafable? May mas papantay pa ba sa pagiging fafable ng mga fictional characters na nababasa ko?" Inirapan ko sila at tumingin na lang sa unahan ng classroom.
Mayamaya ay may nadinig kaming tilian ng mga babae sa labas. Nacurious na rin ako kaya naman sumunod ako kina Shellie at Xander.
Panay ang siksik ko sa mga nakakumpulan na estudyante. Matapos ang nakakaliyo at nakakamatay na pakikipagsiksikan ay napunta na ako sa unahan. Sakto namang pagkalabas ko sa tumpok ng mga babae ay nakita ko ang tatlong pigura na papalapit na.
Nang malapit na siya sa akin ay nagtagpo ang aming mga mata. Parang nag-akyatan lahat ng dugo sa mukha ko, hindi dahil sa kinikilig ako, kundi dahil sa inis. Parehong nanlaki ang mga mata namin dahil sa gulat nang makita namin ang isa't-isa. Small world nga naman!
"Magnanakaw ng 1000 pesos?!" sigaw ko sa kanya.