LUMIPAS ang dalawang linggo na parang isang kisap-mata. Kasabay nito ang nalalapit kong kaarawan. Sa huli ay pumayag narin ako sa naging pasya ni papa na si Sigal ang mag-organize ng ika-25th birthday ko. Wala narin naman akong magagawa pa kundi ang sumunod.
Nakakapagod na rin palang makipag-argumento lagi na alam mong sa huli ay talo ka. Mas mabuting manahimik na lang at hayaan itong matupad ang nais niya. Ngunit, hindi ibig sabihin na susuko na lang ako ng ganun-ganun lang.
Choosing a battle well is a decision made by you.
It is a choice.
Sa kadahilanang ito ay nanumbalik ang kumpyansa ko sa sarili na kaya kong dalhin ang sekretong laban na 'to ng mag-isa.
Hindi ako magpapakain ng tuluyan sa lumbay at inis na aking nararamdaman. Kailangang malinaw ang rason ko para sa akin nang sa gayon ay alam kong hindi kailanman sila matatagumpay sa balak nilang maging resulta sa oras ng paglabas ko sa isla.
Hindi ko hihintayin ang oras na itinakda ni papa at ng mga myembro ng Giordano clan. Mapa-isang taon o sampung taon pa ito. Ako na mismo ang gagawa ng paraan.
Sisiguraduhin kong makakaalis ako sa isla at tatapusin ang labang inumpisan ni papa.
Lalaban ako.
Lalaban ako ng mag-isa.
Lalaban ng tahimik.
At sa huli, ako ang magwawagi.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa habang nagbabasa ng aklat. May nakatakip ng kumot sa katawan ko pagkagising ko at nakaayos narin ang aklat sa lamesa sa harapan ko.
It must be Martini.
Bumangon ako at tinignan ang paligid. My room is quite a large room with an intricate design. May sarili akong veranda na matatanaw ang maze ng pamilya, walk-in closet, a restroom na pwede rin gawing isang kwarto sa laki nito. The color motif of my room is a black and gold with touches of silver. Meron rin akong malaking portrait ni mama sa gilid ng king bed ko pati ang huling gawa nito.
It was a gift I received when I was five years old. Ilang buwan lang ang lumipas nang maibigay nito ang kanyang gawa ay nagsimula ng manghina ang katawan ni mama hanggang tuluyan na itong bawian ng buhay.
It was so sudden.
Hindi ko alam na ganun na pala kalala ang sakit sa puso ni mama.
May pagsisisi sa aking puso at isipan dahil hindi ko man lang naibigay ang huling hiling nito. Galit na galit ako kay mama noon dahil pareho lamang sila ni papa. Hindi nila ako gustong payagang makalabas sa isla. Pareho silang dalawang walang pakialam sa nararamdaman ko.
Kahit na anong pagmamakaawa ko sa kanya na umalis na kami sa lugar ay ayaw niya. Tinutulak niya ako palayo at hanggang sa isang araw pinagbawalan niya na akong papasukin sa kwarto niya. Nagkulong ito sa kwarto niya nang hindi tinatanong kung maayos lang ba ako.
Lumabas lamang ito at binigay sa akin ang malaking painting ng mga gusali. Napakaganda nito na halos maiyak ako nang masilayan ko ito.
"Gia, I made this for you. It is my masterpiece." nakangiting saad ni mama.
Napansin ko ang matamlay nitong katawan at ang malamlam niyang mga mata. Gusto kong tanungin si mama kung okay lang ba siya pero ang tigas ng ulo ko.
"Maaari ba tayong mag-usap, anak?" dagdag pa nito.
Sobrang tigas ng ulo ko at puso para rito. Sa halip na sagutin si mama ay nilampasan ko lamang siya at iniwang mag-isa sa sala.
Iyon na pala ang huling beses na maririnig ko ang boses ni mama.
Hinaplos ko ang initials ni mama sa baba. Bigla na lamang tumulo ang luha ko sa aking pisngi habang hinahaplos ito. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
"Magandang araw, Lady Gianna." bati ni Martini.
Pinahiran ko agad ang aking luha at huminga ng malalim saka bumaling sa kanya.
"Magandang umaga rin sa'yo, Martini." bati ko pabalik.
"Handa na po ang inyong agahan, my lady." wika nito. Tumango ako bilang tugon at inayos ang suot kong golden silk nightgown saka lumabas ng kwarto.
Tahimik naming binaktas ang daan pababa hanggang sa double door nag entrance. Binuksan ng kambal ang pintuan saka bumati sa akin. Pumasok kaagad ako sa kotse nang pagbuksan ako ni Martini.
I was going to have my breakfast near the beach. Kasama ang lahat ng staff.
"Good morning, senyorita." sabay-sabay na bati ng lahat.
Ngumiti ako at tinanguan sila. Manang Helena and Peck was sitting in front of me. Pinagsama-sama nila ang lamesa para bumuo ng mataas na hapagkainan. Manang Helena took the initiative to pray for the food in front of us.
For the first time, ngayon pa lang kami nagsalu-salo ng sabay-sabay. Kadalasan kasi ako lang mag-isa at hindi naman ako sumasabay kapag kaarawan ng papa.
I was all alone.
Ngayon, habang minamasdan ko ang mga ngiti sa kani-kanilang labi ay parang magaan sa loob ko. Ang mga banat ng kambal na hindi ko alam na parehong kalog. Ang pag-sulyap ni Peck sa isa sa mga ito. Mahahalata mong may pagtingin siya rito.
Ang pagpupuno sa aking pinggan ng pagkain ni Manang Helena. Ang matamis nitong ngiti na katulad ng kay mama. Pakiramdam ko may pamilya ako.
Napahinto ako sa aking pagiging delusional.
Umiling ako ng marahas at kumain ng tahimik.
Hindi.
Mali ito.
Hindi ko sila pamilya.
Nang mapagtanto ko ito ay para bagang bigla na lang naging madilim ang aura ng lahat. Para silang mga walang-buhay na kumakain sa paligid ko. Nagmamatyag ng tahimik sa bawat galaw ko.
Napansin ko ang pagtaas ng gilid sa labi ni Peck habang marahas niyang hinahati ang hotdog. Ang kambal na nakatingin sa akin ng masama. Lalo na ang mga mata ni Manang Helena na walang buhay at ang matamlay nitong ngiti.
Bigla na lang nagbago ang lahat.
"Lady Gianna, are you alright?"
Nabalik na lamang ako sa huwisyo nang hawakan ni Manang Helena ang nanlalamig kong kamay. May pag-aalala sa kanyang mga mata. Tinignan ko si Peck na nag-aalala rin sa akin habang hindi makain ang hotdog na hawak nito at ang kambal ay tila nag-aalala rin sa akin.
Ano 'yun?
Illusion ko lang ba 'yun?
Kinuha ko agad ang kamay ko.
"I'm fine." Muntik na akong pumiyok sa naging sagot ko. "Just continue your breakfast." utos ko.
Pinagpatuloy naman nila ang pagkain. Naramdaman ko ang titig ni Martini sa tabi ko ngunit hindi ko na lamang ito binigyang-pansin.
Natapos ang agahan namin at ngayon naisipan kong bumalik sa mansyon para bisitahin ang museum ni mama. Bigla ko siyang naalala at gusto kong humingi ng tawad sa sinira kong larawan nito noong pinagbubuntis niya pa lang ako.
It was a peaceful day, yes but it didn't end peacefully.