"Nagluto po pala ako ng agahan, Sir." Sabi ni Rosalinda sa lalaking kakababa lang galing sa itaas. Wala ang matandang si Manang Josefa dahil nagpaalam itong kailangan umuwi ng probinsya para bisitahin at alagaan ang anak na may sakit. Kaya silang dalawa lang ng lalaki ang naiwan sa bahay at siya ang gumagawa ng mga gawain bahay pansamantala—ngunit sa pagluluto lang rin naman dahil paminsan-minsan ay may pumupunta sa bahay nila para maglinis. Hindi na siya masyadong pinapakilos lalo na't lumalaki na ang tiyan niya. Magtatatlong buwan na rin ang tiyan niya kaya malapit na rin malaman kung ano ang magiging gender ng anak nila. "Finish it all, Rose. I'm on the rush. I have to meet a very important person." Sagot nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at patuloy lang sa paglabas ng

