NATAPOS ang limang araw na bakasyon ay balik trabaho na si Rosalinda. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya habang nagmamaneho papunta sa kompanya. Pinaghalong kaba, pangamba, at antisipasyon. Pero mas nanaig ang takot na nararamdaman niya. Mabuti na lamang ay pinayagan siyang gamitin ang kotse niya at hindi na sumabay sa boss niya dahil mas lalong magiging awkward lang ang lahat. Pero ang totoo ay hindi man lang siya nagawang gisingin o hintayin nito. Tuwing umaga ay laging nagigising siya na mag-isa sa kama, dahil na rin siguro na lagi siyang late nagigising.
Napabuntong hininga siya.
Ilang araw na ang nakalipas matapos maikasal sila ng boss niya at ilang araw na rin itong cold ang pagtrato sa kaniya. Kaya minsan ay napapaisip siya na mas mabuting hindi na lamang niya ito pinakasalan. Dahil kung dati ay maayos pa ang pakikitungo nito sa kaniya na walang personal na ugnayana sa kanilang dalawa, ngayon ay tila bumalik sila sa dati na parang hindi magkakilala.
Pinagsasalamat niya parin kahit papa'no ay hindi siya nito tinanggal sa trabaho man lang. Isang sekretarya pa rin siya nito. Kahit sinubokan niya pang mag-resign. Ito rin naman iyong hindi tinanggap ang resignation letter niya, pinunit pa nga kaya hindi siya jobless tuloy.
Subalit pagkarating niya sa kompanya ay agad niyang pinagsisihan kung bakit mas pinili niyang magtrabaho at pumasok.
Hindi maiwasan na makaramdam ng panliliit si Rosalinda sa tuwing naririnig niya ang bulongan mula sa mga katrabaho niya.
"Akala mo matino at mabait, may tinatago rin palang malansa na ugali. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Ma'am Jasmine. Tinulongan pa niya pa nga magpropose si Sir, pero lubag sa kalooban pala nito. Totoo talaga iyong sinasabi nilang huwag magpapalinlang sa maamong mukha." Nagpaparinig na sabi ni Thria. "Mahirap na talagang magtiwala sa panahon ngayon. Hindi mo alam kung ahas o tao pa ba ang nakakausap o nakakasalamuha mo." Gatong pa sa katabi nito.
Kasulukuyan silang nasa loob ng elevator, at sa dami na pwedeng makasabay ay ang dati pang mga katrabaho niya na inaakalang kaibigan niya.
"Shh! Naririnig ka niya." Pagsaway naman ng kasamahan nito.
"Aba'y pakealam ko kung narinig niya? Edi congratulations dahil gumagana pa ng maayos ang tainga niya. At kung nasaktan man siya, gano'n talaga kapag truth hurts."
Kinuyom niya ang kaniyang kamay at tahimik na tinatanggap ang mga pinagsasabi ng mga 'to. Nasasaktan siya pero sa hindi malamang dahilan ay may namumuong inis ang nararamdaman niya. Pinipigilan niya rin na pumutok baka lalo pa mas gugulo.
"Ako nga iyong nasasaktan para kay Ma'am Jasmine ng pumunta ito dito kahapon. Halata sa mga mata nito ang pamumugto kahit gaano pa itago sa isinuot na shades."
Agad siyang natigilan sa sinabi ng isa sa kasabay nila na hindi niya kilala.
'Nakauwi na siya?' hindi makapaniwala niyang usal sa kaniya isipan.
Kaya ba ay palaging maaga at umaalis ang boss niya?
Marahan siyang huminga ng malalim. Ramdam niya ang nanunuot na sakit sa sistema niya. Ramdam niya rin ang nangingilid na mga luha sa mga mata niya. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.
Bago pa siya gumawa ng ikakahiya sa sarili niya ay huminto iyong elevator sa tamang palapag at bumukas ito.
Walang lingon-lingon sa mga taong nasa likuran niya ay lumabas siya ng elevator at patuloy lamang sa paglalakad. Narinig niya ang pagsirado nito kaya doon lamang niya hinayaan na mahulog ang isang butil na luha.
Pagkalapit niya sa kaniyang mesa ay napahinto siya sa pag-upo ng makita niya si Jerome na kalalabas lang sa pribadong opisina nito.
"Why are you crying?" Walang kaemosyon nitong tanong sa kaniya.
Agad niyang pinunasan ang pisnge niya at umiling.
"Napuwing lang po ako, Sir." Pagsisinungaling niya. "Aalis ka?" May pagaalinlangan niyang dugtong.
Tipid itong tumango.
"I have a private meeting." sagot nito.
"With who?" Wala sa sarili niyang naiusal ang mga iyon. Nakita niya ang pagkasalubong ng mga kilay ng lalaki.
"Why do you care?" malamig na tanong ng lalaki sa kaniya.
Napahiya siyang humingi ng tawad nito. Pagkatapos ay aligagang nagpaalam na magtatrabaho na siya.
"Don't wait for me for the dinner tonight. I'll be home late." anito at hindi man lang hinintay siyang sumagot.
Habang naglalakad papalayo ang lalaki ay tinitignan niya naman ito ng puno ng sakit dahil alam niya kung saan ito pupunta at kung sino ang kasama nito sa isang pribadong meeting. Pero ano nga ba ang laban niya? Kasalanan niya ang lahat kaya ang tanging magagawa niya lang ay tanggapin ang lahat ng sakit.
Naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha niya at agaran niya namang pinunasan bago pa siya mahuli kung lilingon man ito sa deriksyon niya.
Nang tuloyang naglaho ang bulto nito ay mas pinili na lamang niyang mag-fucos sa trabaho. Ilang araw rin siya hindi nakapasok kaya kailangan niyang alamin ang lahat na na-missed niya.
Sa sobrang fucos niya sa trabaho ay hindi niya napansin na oras na ng hapunan.
Pagod niyang tinignan ang mga papeles na kinakailangan niyang taposin. Kalahati pa lamang ang natapos niya at habang tinitignan ito ay kailangan bukas ay tapos na ito at may pirma na dapat sa boss. Napagpasyahan niya pang mag-overtime para magaan na ang trabaho niya bukas.
Tumunog ang tiyan niya. Sunod naman ay naramdaman ang pagkalam ng sikmura niya. Bahagya niya itong hinaplos.
"Gutom ka na ba?" Pakikipagusap niya sa fetus na nasa tiyan niya.
Magdadalawang buwan na rin siyang buntis, wala rin masyadong pagbabago sa tiyan niya—maliban sa tila may pagumbok ng konti pero parang bloated lang siya palagi.
Nagiisip siya na pwedeng kainin. Kinuha niya ang nakalapag na cellphone sa tabi ng mga papeles at tumitingin na pwedeng kainin.
Napatigil siya sa isang post ng isang blogger. Tungkol ito sa isang kabubukas lang na ramen shop. Unang kita niya pa lamang sa litrato ng isa sa best selling na ramen nito ay malakas na kumalam agad ang sikmura niya. Ramdam niya rin ang pamumuo ng laway sa kaniyang bagang. Kaya tinignan naman niya ang lokasyon nito. Hindi ito gaanong kalayo sa kompanya, ilang kilometro lang ang layo kaya hindi na siya nagdalawang isip pa at bumaba agad ng parking lot.
Agad niyang pinaingay ang sasakyan niya at pumasok sa loob ng driver seat. Sinubokan niyang minaneho ang sasakyan ng may napansin siyang kakaiba. Kunot noo siyang lumabas at tinignan ang mga gulong niya.
Malakas siyang napabuntong hininga at halos maiyak na lamang sa frustrasyon na naramdaman niya. Nakita niyang may butas ang gulong sa may bandang likod ng sasakyan niya. May lipstick pang ginamit para sulatan ang sasakyan niya. May mga gasgas pa at sa hula niya ay isang susi ang ginamit nito.
Inis siyang napahilamos sa kaniyang mukha.
'Ang tatanda na pero kung umasta ay parang mga bata!' napupuyos sa galit niyang ani sa isip.
Masama ang loob siyang pumasok muli sa sasakyan. Ramdam niya ang pamumula ng pagmumukha niya. Kagat rin ang ibabang labi niya para pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa bibig niya. Pinapangiliran rin siya ng mga luha.
Malakas siyang huminga para alisin ang mabigat na bagay na nakadagan sa puso niya. Ramdam niyang tila may bumabara sa lalamuna niya. Dahil na rin sa naghalong emosyon ay hindi na nga niya tuloyan napigilan ang sarili.
Mahina siyang umiiyak sa loob ng kotse. Gutom na nga siya at dinagdagan pa ng sama ng loob.
"Why are you crying again and what happen?" Isang baritono at pamilyar na tinig ang narinig niya sa may bandang gilid niya.
Napatigil siya sa pagiyak. Hilam ang luha ang pisnge niyang hinarap ito. At nakitang matiim na tinitignan siya ni Jerome habang nakatayo ag nakadunga sa tabi ng nakabukas na pinto ng sasakyan.
Hindi sa malamang dahilan ng makita niya ang pagmumukha ng lalaki ay kusa na lamang lumakas ang pagiyak niya.
Bahagya namang nataranta si Jerome sa nangyari.
"What's the problem?" Hindi niya alam kung totoo ba talaga iyong nahihimigan niyang may pagalala sa boses nito o baka pinaglalaruan lang siya ng mga mata niya.
"Nagugutom na ako." masama ang loob niyang sagot nito.
Tinignan naman siya ni Jerome ng hindi makapaniwala.
"Then why you're not eating. Mabubusog ka ba kung iiyak ka lang diyan?" Mas lalo pa siyang umiyak dahil sa sinabi nito. Tila natauhan naman ito at nakokonsensyang pinapatahan siya.
"Ba't ka ganiyan? Gutom na nga ako at iyong kotse ko na ilang taon kong pinagiiponan, tapos gaganitohin lang nila?"
Tumigil muna si Jerome sa pagaalo sa kaniya at tinignan ang kabuohan ng sasakyan niya.
"I'll make people people who did this to your cae. So, stop from crying. It's not good for the baby." Anito at hinahaplos ang bandang likuran niya.
Parang may kung ano sa tinig nito kaya agad na huminto nalang ang mga luha niya.
"What do you want to eat or where do you want to eat? But first, pumunta muna tayo sa sasakyan ko."
Maingat siyang tumango. Inalalayan naman siya ni Jerome ng lumabas na siya sa sasakyan.
Pagkapasok palang sa sasakyan nitong nakabukaa lang sa may tapat niya ay pinasakay agad siya nito sa passenger seat.
Ito rin ang nagkabit ng seatbelt sa kaniya, pagkatapos ay naglakad ito sa harap para umikot at pumunta sa driver seat.
Pinakaramdaman niya ito. Nakita niya pa sa gilid ng mga mata niya ang pagkabit ng seatbelt sa sarili nito at pagkatapos ay marahan na bumuntong hininga.
"Ano ang gusto mong kainin at saan mo gustong kumain?" paguulit nito sa tanong nito sa kaniya.
"Miso ramen," mahina niyang sagot.
Bumuntong hininga ulit ito at maingat na ekspertong minaneho ang sasakyan.