"CONGRATULATIONS, Sir! Pagkatapos ng ilang taong paghihintay ay successful niyo pong naitawid sa ibang level iyong relasyon niyo ni Miss Jasmine." May kagalakan na sabi ni Rosalinda sa kaniyang boss.
Napangiti naman ang lalaki na si Jerome sa tinuran ng kaniyang sekretarya. Kung hindi dahil sa dalaga ay baka hanggang ngayon ay naghihintay parin siya sa sinasabi nilang tamang oras at panahon para ayain ang kasintahan niya sa isang kasal. Kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang sekretarya, ay baka hindi magiging perpekto ang lahat. Tumulong kasi ang dalaga sa pag-ayos ng magandang lugar na pwedeng gawing venue ng proposal niya. Mula sa pag-contact nito sa mga tao na importante sa kaniyang nobya, hanggang sa matapos at matagumpayan nakuha niya ang matamis na 'Oo' ng kaniyang nobya—na ngayon ay mapapangasawa na.
"Don't forget my bonus, Boss. Baka inakala mo na tumatanggap lang ako ng thank you. Wala pa naman lib-"
"Libre sa panahon ngayon." Pagdudugtong ng lalaki sa sinasabi ni Rosalinda. " Oo na. I get it. I'll wire some money to your bank account. And as one of my thanks, you can go home early and take a rest."
Malaki naman ang pumaskil sa mga labi ni Rosalinda. "Talaga, Boss? Walang bawian na iyan. Binitiwan mo na kaya hindi mo na pwedeng bawiin pa."
Mabilis na isinukbit ni Rosalinda ang kaniyang sling bag sa kaniyang balikat. Inayos niya rin muna ang gamit na nasa ibabaw ng mesa niya.
"Kung may kailangan po kayo, Boss. Tawagan niyo lang po ako. Mauna na po ako." Pagpapaalam niya sa lalaki.
Hindi na nagawang tapunan siya ng tingin ni Jerome at tumango lang ito habang nakatuon ang buong atensyon sa hawak na mamahaling cellphone.
Pagkalabas ni Rosalinda sa opisina ng kaniyang boss ay agad na unti-unting napapawi ang kanina pang nakapaskil na ngiti sa mga labi niya. Ang kaninang puno ng kasiyahan at puno ng buhay na mga mata ay unti-unting nawawalan ng buhay. Ramdam niya rin ang nanunuot na sakit sa kalooban niya. Tila may mga punyal na paulit-ulit na tumatarak sa puso niya. May bumabara rin sa kaniyang lalamunan kaya tumikhim siya para alisin ito.
Sa magaan na kamay at marahan ay tinapik niya ang bandang dibdib kung nasa'n ang puso niya.
"Ayos lang iyan, Rosalinda. Ang mahalaga ay makitang masaya si Boss. Iyon naman talaga ang napag-usapan nating dalawa 'di ba?" Pagaalo niya sa sarili.
Matagal na kasi siyang may lihim na pagtingin sa kaniyang Boss. At matatawag na siguro siyang napaka-sadista sa sarili dahil nagawa niya pa talagang tulongan ang lalaki na maghanda para sa taong mahal nito. Ano ba naman ang laban niya kung isa sa sikat na modelo ang fiancee na ngayon ng boss niya, habang siya ay isang hamak na sekretarya lang? Doon palang sa estado ng buhay ay talo na agad siya, mas lalo na't mahal ito ng lalaki at nakikita ang sarili na magiging ama sa mga anak nito, habang siya ay isang ka-trabaho lang ang turing sa kaniya ng lalaki. Nakakausap at nakakasama niya ngalang ito dahil sa trabaho.
—
"Isa pa nga," halos hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sa kalasingan.
Ang plano niya kanina na magpahinga sa bahay at manood sa paboritong k-drama ay nauwi sa paglalasing sa isang bar. Mas pinili niyang lunorin ang sarili sa alak kaysa sumabay sa pagiyak sa pinapanood.
"Hey, beautiful. Are you alone?" Isang matangkad, mestizo na foreigner ang lumapit sa kaniya at umupo sa bakanteng upoan sa tabi niya.
Naliliyong sinulyapan ni Rosalinda ang lalaki. Sinuyod niya ang katawan nito at pagkatapos ay mapait na napangiwi.
'Walang-wala parin kay boss. Mas hamak na gwapo at handang lulurohan ko ng kusa kaysa sa lalaki na ito.' Pagkokompara niya sa boss niya at sa lalaking nasa harapan niyam
"No, I'm not alone. Kasama ko ang kaluluwa ko." May kalakasan sa tinig at pagbibiro niyang sagot. Unti-unti na rin kasing kinain ng kalakasan na musika ang lugar.
Hilaw naman na napatawa ang foreigner sa sinabi niya.
"I'm sorry, but I can't really understand you." Pasigaw at nahihiyang pag-amin nito.
"Naku, it's okay!" aniya habang may pekeng ngiti sa labi. Sabay inabala ang sarili sa kalalapag lang ng bagong inumin.
Inisang lagok niya lang ang laman ng shot glass na may tequila. At pagkatapos ay dinilaan ang asin na nasa likod ng kamay niya at tyaka sumimsim sa nakahandang lemon.
Naramdaman niya ang anghang at mainit na sensasyon na idinulot ng alak sa tiyan niya.
"Can I get your number?" pagiimik ng foreigner ulit sa kaniya.
"Huh? Number ba?" Malakas sa boses niyang pakikipag-usap nito.
"Yes, your number."
"Ah, I see. Number 7, paboritong number ko iyon." Nakangiti niyang sabi at humingi ulit ng panibagong order sa bartender.
"No. Not your favorite number. What I mean was your cellphone number or landline number and of course, your room number." Isang pilyo na ngiti ang sumilay sa labi ng foreigner dahil sa huling sinabi nito.
"I'm sorry. But I don't do one night stand. Hanap ka nalang iba." Pagtanggi niya at sabay tumayo para iwan ito.
Halos masubsob pa siya sa biglaang pagtayo niya, mabuti nalang ay mabilis siyang nakahawak sa bar counter.
Nang umayos ang pakiramdam at tuloyang maka-adjust ay nagsimula na siyang maglakad paalis. Kanina siya pa naiihi at kanina pa nagsusumamo ang pantog sa kaniya.
Hindi naman namilit pa ang foreigner at hinayaan lamang siyang makaalis. At tila wala lang nito ang pagtanggi niya para kausapin naman ang katabi nitong babae.
"Excuse me. Makikiraan lang." paulit-ulit niyang sabi sa mga taong nadadaanan niya.
Mabilis na bumasangot ang mukha niya dahil sa dami ng tao at nababangga pa siya.
"Utang na loob. Padaanin niyo ako kung ayaw niyong maka-apak ng ihi dito!" Malakas na niyang sigaw.
Nandidiri namang iniwasan siya ng mga kababaihan na kanina lang nakaharang sa daanan.
Kahit halos sumasayaw ang paningin niya ay hindi na niya ito inalintana lalo na't nararamdaman niya na malapit ng sumabog ang pantog niya.
"s**t! Ba't ang daming tao naman!" Irita niyang sigaw ng makitang may kahabaan iyong pila.
Sa sobrang ihi-ihi na talaga siya ay wala siyang magawa kundi lapitan ang banyo ng kalalakihan ngunit maging ito ay may nakapila parin.
Mabilis niyang inipit ang dalawang hita niya para pigilan ang sarili na maihi. Hinawakan niya rin ang bandang gitna ng mga hita niya habang pinagpawisan.
Sinuyod niya ang paligid at naghahanap na pwedeng paglabasan ng ihi niya. Napapukol ang ang atensyon niya sa isang hagdan na papunta sa mga VIP rooms na nasa ikalawang palapag.
"Bahala na!" Walang paligoy-ligoy na pinuntahan niya ito at patakbong umaakyat sa taas. Ilang beses pa 'ata siyang muntikan ng mahulog sa hagdan. Mabuti nalang ay may tumulong sa kaniya, at hinawakan siya para hindi mahulog. Tinulongan rin siya nito na makapunta sa banyo at malakas na lamang siyang napa-ungol ng matiwasay niyang nailabas ang kanina pang gustong kumawala na ihi.
"Ah..." Nakapikit niyang ungol.
"The heck?! Did someone m**********g here? Ew!" Puno ng pandidiri at maarte na sabi ng babae ang nagpabalik sa tamang wisyo niya.
Narinig niya ang pagbukas at ang pagsara ng pintuan. Tinapos niya na rin ang pag-ihi niya at nag-flush.
Pagkalabas niya sa cubicle ay tumambad agad sa kaniya ang malaking salamin na katabi ng sink, kaya nakikita niya ang repleksyon niya. May kagulohan na buhok, halos nakikita na rin ang dibdib niya dahil bumaba iyong red tube na suot niya. Kumalat rin ang kolorete at nagsmudge na iniligay niya sa mukha.
Lumapit agad siya sa sink at naghugas ng kamay. Sunod naman ay doon niya lang inayos ang sarili.
Pagkatapos niyang ayosin ang sarili ay lumabas na agad siya ng banyo. Bumungad agad sa kaniya ang may kalawakan na hallway at sa hindi kalayuan ay ang mga pribadong room. Ang alam niya ay naka-soundproof iyong mga VIP room. Kaya hindi naaabala ang mga ito kahit umabot pa ang ingay na nasa dance floor sa baba.
Kahit papa'no ay nahimasmasan siya at napagdesisyon ng umuwi habang kaya niya pang mag-drive.
Pagkarating niya sa parking lot ay agad niyang pinaingay ang sasakyan at binuhay ang makina nito.
Agad siyang napamura ng maalala na hindi pa pala siya nakakabayad! Sa takot na baka ma-banned pa siya ng club ay akmang babalik na sana siya sa loob kung hindi lang siya nakatanggap ng tawag mula sa number ng Boss niya.
Sa inakalang urgent ito at kailangan sa kompanya ay sinagot niya agad ito.
"Yes, Boss? Goodevening." Mahinahon sa tinig niyang bati nito.
Inaasahan niya ang maririnig niya sa kabilang linya ay ang boses ng Boss niya. Ngunit isang hindi pamilyar na boses ang tumambad sakaniya. "Hello? Is this Rose?"
Tinignan niya ulit ang caller ID para sigurodohin na hindi lamang siya namalikmata kanina. Nakita niya naman na numero talaga ng boss niya.
"Rose? This is Rosalinda Liray. The secretary of Mr. Jerome Natavidad—the owner of the cellphone that you're using right now. So, who is this at bakit na saiyo ang cellphone ng boss ko?"
"This is Glen po, a bartender in exclusive bar Drive-n Bar. Kasulukuyang walang malay po si Mr. Natavidad at nakita ko ho na nasa emergency contact ka po nito."
Hindi maiwasan na sumikdo ng mabilis ang puso ni Rosalinda sa narinig.
Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. "Alright, I'll fetch him. By the way, ayos lang po ba siya?"
"Yes po, maliban ngalang po na lasing at walang malay at nakasubsob ngayon sa bar counter." Sagot naman ng bartender na nasa kabilang linya. Pagkatapos maputol iyong tawag ay wala na siyang oras pang inaksaya.
Mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng boss niya. Pagkarating ay agad niya naman itong nakita at nilapitan.
"Boss." Paggigising niya nito habang pilit na tinatawagan ang numero ng fiancee nito.
"Please, pick up your phone." Mahina niyang usal.
Ngunit laging voice message lang ang naririnig niya sa huli. Wala na siyang magawa kundi tumigil at asikasohin ang lalaki na walang malay.
"Boss, uuwi na po tayo. Ihahatid na po kita sainyo." Aniya habang bahagyang tinatapik-tapik ang pisnge nito. Unti-unting nagigising naman si Jerome at pagkatapos ay lasing na umayos sa pag-upo.
Muntikan pa itong mahulog sa kinauupoan kung hindi niya lang agad dinaluhan.
"Ayos kalang boss? Kaya mo na ba? Ihahatid na kita sa penthouse mo. Hindi kasi sumasagot si Miss Jasmine."
"Stop calling her. She won't pick up anyway. She was too busy and to be bother from her shooting." Nahihimigan na may pagtatampo sa boses ng lalaki.
Napabuntong hininga naman siya. Mukhang hindi okay ang boss niya at sa fiancee nito. Kakaayos lang ng mga 'to kahapon tapos ngayon ay nagkakatampohan na naman.
"Ihahatid na kita sainyo, Boss. Para rin naman makapaghinga kana."
Sa tulong ng ilang tauhan sa bar ay hindi naman siya nahirapan na pasakayin sa sasakyan si Jerome.
Masyado ng lumalalim ang gabi at maluwag na ang daan dahil sa walang traffic, kaya mabilis niyang narating ang penthouse ng lalaki.
Halos maubosan siya ng lakas ng tuloyang makapasok sila sa penthouse nito.
"Maraming salamat, Manong Roger." pagsasalamat niya sa security guard ng tuloyang maihiga sa couch ang boss niya. 'laking pagsasalamat niya sa may edad na lalaking security guard, dahil kung wala ito ay baka kanina pa sila nagkanda-subsob sa sahig ng lalaki. May kabigatan pa naman ang boss niya at malaki ang agwat ng pangangatawan nilang dalawa.
"Walang anuman, Ma'am Liray," tugon ng matanda at ito na rin ang nagsara ng pintuan.
Nang tuloyang maiwan silang dalawa ng boss niya sa tahimik na penthouse nito ay pagod niya itong tinignan. Bumuntong hininga muna siya bago nagsimulang hubarin ang suot nitong sapatos at pagkatapos ay kumuha ng basang bimpo para ipunas sa katawan nito.
"Ba't ka ba naman nagpakalasing, Boss? Pero mukhang ito na rin ang huling beses na ako iyong magaalaga sa'yo sa tuwing nalalasing ka." Puno ng sakit niyang sabi habang maingat na pinupunasan ang mukha nito. "Sa susunod na malalasing ka ay iba na ang magaalaga sa'yo." Isang butil na luha ang kumawala sa mga mata niya.
Mabilis niya itong pinunasan at pagkatapos ay tumayo. Tapos na ang role niya dito sa gabing ito kaya uuwi na siya.
Maaga pa naman ang trabaho niya kinabukasan at maraming papeles na aasikasohin kaya kailangan niya ng umuwi at magpahinga.
"Mauna na ako, Boss. Kapag nagising ka ay lumipat ka na lamang sa kama niyo po, tutal malaki at matanda kana." Yumuko siya para gawaran ng magaan na halik ang labi nito.
Alam niyang mali ang gagawin niya ngunit sa huling pagkakataon ay gusto niyang maramdaman kung gaano kalambot ang mga labi nito. Hanggang sa panaginip niya na lamang kasi ito nagagawa.
Kabado niya'ng inilapit ang mukha niya sa pagmumukha nito. Ilang beses rin siyang nagdasal na sana ay huwag muna itong magising at mahuli siya.
Habang papalapit ang mga labi niya ay nararamdaman niya ang mainit na binubuga na hininga nito. Naamoy niya ang alak na ininom nito.
Nang tuloyan magkalapat ang mga labi nila ay halos hindi na siya huminga. Ninamnam niya lang ang pagkalapat ng mga labi nila ng ilang sandali habang nakapikit ang mga mata.
'Mahal na mahal ko ang lalaki na ito Lord. Kaya sana ay dapat masaya ito palagi.' piping dasal niya sa isipan niya. Hindi niya maiwasan na mapaluha kaya natutuloan pa ang pisnge ng lalaki.
Kusa niyang inilayo ang mga labi niya sa labi nito. Ngunit agad siyang nanigas ng magkasalubong ang mga mata nilang dalawa.
Sa mga sandaling iyon ay tila biglang tumigil sa pagikot ang mundo at tumigil rin siya sa paghinga. Malakas na kumabog ang puso niya at natatakot siya dahil nahuli siya nito.
Nang tuloyang makabawi ay mabilis siyang tumayo ng tuwid at aalis para tumakas sana ng nahawakan siya nito sa pala-pulsohan niya. At pagkatapos ay walang kahirap-hirap na bumangon at umupo ito habang hawak parin siya.
Sa takot na baka kung ano'ng gawin nito sa kaniya ay mabilis siyang lumuhod sa harapan nito.
"Sorry po, Boss! Hindi na po mauulit! You can fire me boss! Sorry po talaga!" naluluha niyang sabi nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at hinihintay ang galit na ibubuga nito sa kaniya. Subalit gulat siya ng iba ang naramdaman niya at agad naidilat ang mga mata. Sa malalaki ang mga mata ay sinalubong ang matiim na paningin sa Boss niya.
"You're such a bad girl, Rose." Anito sa malalim at baritonong tinig—sabay kinabig ang likod ng ulo niya at mas inilapit ang mukha nilang magkapantay at walang babala na sinunggaban siya ng mainit at mapusok na halik.