THREE

3220 Words
CHAPTER THREE Emily Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang kahoy na kisame at amoy ng usok. Madilim ang paligid at ang lampara lang sa gilid ng lamesa ang nakasindi para mabigyang liwanag ang buong bahay. Tumingin tingin ako sa paligid, ngunit hindi pa rin pamilyar sa akin ang lugar. Nasaan ako? "Gising ka na." Biglang bumukas ang kahoy na pintuan sa gilid at pumasok doon ang isang may edad na babae. Matangkad siya at medyo payat. Naka suot siya ng hood na puti na siyang agad na ibinaba niya sa balikat upang makita ang itim na itim niyang buhok na may iilag guhit na ng puti. Agad na nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. High cheekbones, sharp features, green eyes. Nangunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar siya sa akin? "Nakita kitang nakahilata sa b****a ng gubat. Sugatan." Pagsasalita niyang muli kaya agad akong napatingin sa braso kong hinaklit ng higanetng lobo kanina. May mga dahon na nakaipit sa isang telang nakapulupot doon. At wala na akong masyadong nararamdaman na sakit ni hapdi sa braso. Muli kong sinalubong ang tingin niya. "Maraming salamat po." Mahina kong naiusal. Matapos mawala sa paningin ko ang malahiganteng hayop na iyon, napasalampak akong muli sa sahig dahil sa pagod. As if I felt every heavy weight on my shoulders push me to the ground at that moment. At hindi ko nalang namalayan, nawalan na ako ng malay dahil sa pagod at takot na matagal ko ng nararamdaman. "Ano ang pangalan mo, binibini?" Umupo sa paanan ng hinihigaan kong kahoy ang pamilyar na babae. Pinakatitigan niya ako gamit ang berde niyang mga mata na parang may hinahalukay sa loob ng isipan ko. "Emily, po. Emily Alby. I-Ikaw, po?" Agad siyang ngumiti sa akin na halos ikinaiwas ko ng tingin. Baka masyado akong halata na nakukuryoso sa katauhan niya. "Ako si Amalia Ferrer. Ako ang isa sa tagagamot dito sa kaharian ng Viloria. Kung minsan ay lumalabas ako patungong Pompi upang manguha ng mga halamang gamot at manggamot na rin sa mga kalapit bayan." Napamulagat ako ng may bigla akong naalala. "Ikaw ho ba ang nanggamot sa akin? Tatlong buwan na ang nakalilipas?" Tumango siya at muli akong nginitian. Sa kabila ng dilim, nakikita na ang hibla ng mga puting buhok sa ulo niya at unti-unti nang nakikita ang kulubot sa gilid ng mga mata niya. Ngunit hindi maipagkakaila ang kakaibang gandang taglay ng manggagamot na ito sa aking harapan. At parang... may kakaiba sa kaniya. "Ako nga iyon, hija. Ikaw iyong babae na nakita sa dalampasigan ng mag-asawang Bowen 'di ba?" Nawala ang katiting na sigla na ramdam ko kanina. Napatungo ako at mahinang sumang-ayon sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako magre-react tuwing may nakakakilala kina Nanang at Tatang. I just always get eaten up by guilt; feeling like I was the reason why they're dead. "Nabalitaan ko ang nangyari sa kanila. Ngunit, hayaan mo. Magiging maayos din ang lahat. Buhay ka pa. Mayroon ka pang hinaharap na puno ng pag-asa at magagandang oportunidad." Napatitig ako sa malamyos niyang berdeng mga mata. Sa gitna ng dilim ay kumikislap ito habang nakangiti ito sa akin. I couldn't help feeling a gentle comfort from her. Almost like how I felt for my late Nanang and Tatang. "Maraming salamat po." Tumayo siya sa inuupuan. "O siya, kumain ka nitong hinanda kong sopas at magpahingang muli. Kakailanganin mong magpalakas para bukas." Nangunot ang noo ko sa turan niya. "Po?" Nag-ayos siya ng mga plato sa maliit na kahoy niyang lamesa sa gitna. Agad na nag sindi siya ng isa pang lampara sa gitna ng hapag. Dahil dito, mas naging malinaw sa akin ang loob ng maliit na kahoy na bahay. At iyon na nga iyon. Kahoy ang lahat pati ang nag-iisang kama, lamesa at upuan sa loob.  "Hindi ka maaaring manatili sa isang lugar na katulad nitong sa akin na walang proteksyon." Muli akong tumingin kay Amalia. Tumigil siya sa pagsasalansan ng mga plato at muli akong hinarap. The fire from the lamps reflecting on her glassy green eyes. "Isa kang tao. Mortal. Ipinagbabawal man ang p*******t sa mga mortal dito ngunit mas maigi pa rin kung papasok ka sa isang trabaho upang magkaroon ka ng koneksyon na maaaring pumrotekta sa iyo." Napatango ako. Kakailangin ko nga iyon, kung gusto kong ipagpatuloy ang planong mamuhay pa  ng matagal na panahon. "Pumarito ka at kakain tayo." Kinuha ko agad ang kumot na nakatabon sa katawan ko at napansin na iba na ang suot ko. Hindi na ang basa kong mga damit kanina. Nahihiya akong napatingin kay Amalia. Pero ngumiti lang siya.  "Sinampay ko na rin sa labas ang mga damit na nasa loob ng supot mo para magamit mo bukas at sa mga susunod na araw." Mahina akong tumungo at muling nagpasalamat. Nang makaupo ako sa tabi niya sa maliit na lamesa ay agad kong nasinghot ang masarap na amoy ng pagkain. Napakagat ako ng labi. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako ka gutom. "Sige, magsimula ka nang kumain. Pawang gutom na gutom na ang tiyan mong kanina pa kumakalam kahit natutulog ka pa." Mapagbiro niyang sabi kaya nahihiya akong napangiti at napahimas sa tiyan. Kinuha ko ang kutsara na nakahanda sa mesa at sinalubong ang masigla niyang mga mata. Nakagat ko ng bahagya ang labi. "Maraming salamat po. Sa lahat. Salamat po." Taos puso kong sabi. Dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi niya ako natagpuan doon sa gubat. At ngayon pa ay gusto niya akong tulungan para sa proteksyon ko sa bayan nila. Siya na yata ang ibinigay ng langit na swerte sa akin. "Walang anuman, Emily. O siya, kumain ka na." Nangingiti niyang sabi, making her eyes gleam against the light. "At tawagin mo na rin akong Nanang Amy. Masyadong mahaba ang Amalia at nakakatanda. Kita mo naman ako, ‘di ba, hindi bagay." Masigla akong napatango tango at sabay kaming natawa. She really is the disguised blessing I've prayed for so long. Tahimik kaming kumain ngunit hindi ko ramdam ang takot sa madilim at maginaw na paligid. Nanang Amy's warmth is all over the place that I immediately felt safe around her. Alam kong kailangan ko pa ring mag-ingat. She may not be the person whom I think she is, but I can't help it. I feel the strong urge to immediately give my trust to this familiar woman infront of me. It’s just as if I've known her my entire life. I never felt safer. Naging masaya at napamahal man nang lubusan sa akin ang Pompi, ang mga kabaryo namin at si Nanang at Tatang, ngunit sa mga panahon na iyon ay puno pa ng pagtataka ang isip at puso ko dahil sa kawalan ko ng memorya. I, then felt comfort for a while, at akala ko ay magiging matiwasay rin ang isip ko pagkatapos ng ilan pang mga araw, ngunit iyon nga ang nangyari. Agad na naputol ang masasayang mga raw na iyon at bumalik nang doble ang kaguluhan sa isip at puso ko. Agad na natapos ako sa pagkain at biglang may pumasok na tanong sa isip ko. Tiningnan ko si Nanang Amy na siya pa ring kumakain. "Pwede po bang magtanong?" "Oo naman. Kahit na ano." Mabilis niyang sagot habang ngumunguya pa rin. Ang mga kubyertos niya'y malalakas ang tunog ng bawat pagdampi sa plato. Inilagay ko na sa mesa ang hawak na kutsara. "Maaari ko po bang malaman kung saan ako pwedeng maghanap ng trabaho para bukas?" Tumango tango siya at mabilis na ininom ang tubig sa basong nasa gilid niya. She gulped down her drink and watched me with her eyes still gleaming in the midst of the dark. "Alam ko kung saan ang pinakamabisang lugar upang maprotektahan ka. Doon ay walang magtatangka sa iyo dahil sa amo mo." I leaned on the table as I watched her, waiting. "Sa kastilyo. Doon kita ipapasok sa trabaho upang pagsilbihan ang hari ng Viloria." Nanlaki ang mga mata ko. Ano?!  PAGGISING ko sa susunod na araw ay hindi ko nakita si Nanang Amy at nakita lang ang isang envelope sa ibabaw ng maliit na mesang pinagkainan namin kagabi. Napatingin ako sa paligid. Maaliwalas na ang maliit na bahay dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kahoy na dingding. Nakapatay na rin ang mga lamparang ginamit namin kagabi. Muli akong napatitig sa pormal na envelope sa ibabaw ng mesa. Para ba ito sa pagpasok ko sa kastilyo? Malakas akong napabuntong hininga at napaupo sa kalapit na upuan. Nang malaman ko kung saan ako gustong pagtrabahuin ni Nanang, agad na nagsitaasan ang mga balahibo ko sa gulat at kaba. Sa hari ng Viloria? That infamous king who was known to be vicious, cold and every other dark and scary adjectives that comes up with his name? Hindi ko maiwasang manlanta sa naiisip. Ang isipin pa lang na makikita ko na sa wakas ang kahindik-hindik na hari ng Viloria ay pinapangilabutan na ako ng balahibo sa katawan. Katulad ng mga estorya na narinig ko noon tungkol sa gubat ng Viloria, katakot katakot ding deskripsyon ang sinasabi ng mga tao sa mismong hari na namumuno sa kaharian. Sa nagdaang mga taon ng Viloria, siya umano ang pinakakinakatakutang pinuno dahil sa angking lakas at taglay na kapangyarihan. Sinasabi rin nilang mas lumago ang ekonomiya ng Viloria dahil sa angking talino ng hari. Pero ang lahat ng ito ay dahil na rin sa takot ng mga tao at iba pang nilalang sa kaniya. Wala umano siyang kinakatakutan at isang titig sa malamig niyang mga mata ay napapatakbo na ang kahit na sinong tao o nilalang. He was said to be cunning, cold, smart and strong. The perfect formula for a dominant and intimidating leader.  But with everything that comes along with his character, wala pang nakakakita sa kaniya sa labas ng Viloria. He was said to be also evasive, private. It only made him more of a dangerous mystery to the people. Nakikita ko naman ang punto sa sinasabi ni Nanang Amy, pero hindi ko maiwasang mangamba ng lubusan. Paano kung ayaw niya sa isang mortal? Paano kung may ipagawa siyang hindi kakayanin ng lakas ko bilang isang hamak na tao? Paano kung ipapatay niya ako? Mas gugustuhin ko bang mamatay sa kamay niya kaysa sa kamay ng mga humahabol sa akin? Napabuga ako ng malalim na hangin. Akala ko ay magiging madali nalang ang mga bagay matapos akong makapasok dito. "O, Emily. Humayo kana't lalakad na tayo patungong kastilyo." Agad na napatingin ako kay Nanang na nakatayo sa harap ng pintuan. Suot niya ulit ang puting hood na suot niya kagabi. Nakataas ang ulunan nito upang tabunan ang ulo niya sa sinag ng araw sa labas. Napabuga ako ng tensyonadong hangin at inayos ang suot kong damit. I looked at myself at napakamot nalang sa ulo. Kahit naman na magpalit pa ako, ganito pa rin ang itsura ko. "Ngumiti ka, Emily. Wala sa itsura ang totoong ganda." Naiangat ko ang tingin kay Nanang Amy. Itinaas niya bigla ang kamay. "Pero nakakatulong ang pagngiti. Tingnan mo lang naman ako." Nangingiti akong umiling nang malapad siyang ngumiti sa akin. "Maganda ka naman talaga Nanang." Siya naman ang umiling at lumapit sa akin. Hinawakan niya agad ang pisnge ko. I can feel the vague roughness in her aged hands, but it oddly makes her more warm and comfortable. "Maganda ako sa paningin mo dahil maganda ang tingin mo sa pagkatao ko. Nagiging maganda ng lubos ang isang tao kapag maganda ang panloob na katauhan nito." Nakatitig lang ako sa kumikislap niyang berdeng mga mata. "Ikaw ay isang napakagandang binibini. Bilang isang tao. Bilang si Emily Alby." Malapad siyang ngumiti at naramdaman ko agad ang init na pumuno sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Kinuha niya ang kamay sa pisnge ko at agad na naglakad pabalik sa labas. Nakatayo pa rin ako doon at nakatingin lang sa babaeng bigla bigla nalang akong tinulungan at sinasabihan ng mga magagandang bagay kahit na ngayon palang kami nagkausap. Pinakikisamahan niya ako na para bang matagal na kaming magkakilala. She suddenly stopped walking and turned her green glittering eyes on me again. That playful and cheerful aura coming back to her. "Tara. Ihahatid kita sa kastilyo. Iksakto at naghahanap sila ng mga bagong katulong para sa paghahanda sa taunang pista ng ani." Tumango ako at agad na binitbit ang bag na may mga damit ko nang nakalagay. Binitbit ko rin ang envelope na nasa lamesa kanina. Inilagay ko ito sa bag na nasa kanan kong braso. Hindi na sumasakit ang sugat ko sa kaliwang braso. The gush that that wolf made wasn't that deep too. And I guess Nanang Amy has the healing ability for my wound to immediately heal up this fast. Still, sinabihan niya akong sa kanan isabit ang dalang bag. Agad na sinara niya ang kahoy na pinto nang makalabas ako ng tuluyan. I immediately felt the comforting heat the sun is showering from the sky. Napangiti ako sa malinaw na tanawin sa labas. Nasa medyo kakahuyan ang bahay na ito ni Nanang pero tanaw naman agad ang daanan sa labas. Katulad nang nakita ko kagabi, maraming maliliit na establisyemento ang organisadong nakalatag sa labas. I noticed how seemingly organized almost everything is in this town. Every street was clean and lamp posts were planted every few meters. Pero may pakiramdam na kakaiba talaga sa lugar na ito. The day might be bright but there's still this gnawing silence surrounding the city. But despite that, hindi maipagkakaila ang ganda ng Viloria. It's just mysterioulsy alluring. "Tara, baka mapuno pa ang listahan para sa mga bagong katulong." Saad ni Nanang at agad kaming lumakad patungo sa palasyo. Habang naglalakad kami sa malinis na daanan ng Viloria, hindi ko maiwasang makaramdam ng panlalamig. The wind's breeze has this kind of coldness that seeps into the bones. Halos manginig ako sa nararamdaman.  Napapakagat labing umiiwas din ako ng tingin sa harap, nakatungo lamang. Hindi ko mapigilan, ni hindi ko alam kung sa hangin ba talaga ang nararamdamn kong ginaw o sa mga napapatinging mamamayan ng Viloria sa akin.  "Hayaan mo sila Emily. Wala silang gagawin sa iyo." Nakahawak sa balikat na sabi sa akin ni Nanang. Bumuga ako ng hangin at mas lumapit sa kaniya. Her warm hand on my shoulder makes me a little at ease. Tinapik tapik niya ako doon. Ganoon ang naging posisyon namin hanggang mapansin ko nalang ang pataas na daanan. Kung kanina ay may naririnig pa akong ugong ng mga sasakyan at boses ng mga tao, ngayon ay wala na. Hampas ng hangin sa mga halaman nalang ang naririnig ko.  Sa unang pagkakataon, iniangat ko ang tingin at napanganga sa nakita. Vilorian castle. Sobrang laki at ganda ng kastilyo. "O, baka mapasukin nng langaw iyang bibig mo." Agad na naitikom ko ang hindi ko man lang napansing nakanganga na palang bibig. Sa dilim ng langit kagabi ay may kakaibang ganda na ang ekta-ektaryang kastilyo na ito sa aking paningin, but looking at it this near, in broad daylight, it feels even more mysteriously mystical. Ang malalaking mga puno na nakapaligid, ang malalapad at matatayog na pader na nakapalibot sa mataas at matulis na tuktok ng kastilyo ang mas nagbibigay ng kakaibang dating nito sa akin. Like an ancient powerful castle, that a mere mortal like me was destined to be dangerously lured by it. Sa kabila nito, hindi ko mapigilang magandahan ng husto sa nakikita. Nagsimula na agad akong humakbang patungo sa malapad at malinis na paitaas na daanan nang bigla akong hatakin pabalik ni Nanang. Nagtatanong ang mga matang napatitig ako sa kaniya. "O, Emily. Ito, oh. Sasakyan. Pumarito ka." Nakaturo sa isang itim na sasakyan na turan sa akin ni Nanang Amy. Namilog ang mga mata ko. Kalian ito napunta dito? At bakit pa kami naglakad kung may sasakyan naman pala dito? Naibaling ko ang mga mata sa gilid ng marinig ko ang hagik-ik ni Nanang. Naitaas ko ng bahagya ang kilay sa mahinang pagtatanong. “Aba e, hindi naman kasi kami madaling mapagod mga Vilorian. Kaya ang mga kagamitang ito ay kalimitang ginagamit lamang ng mga mayayaman.” Nanlalaki ang mga mata kong napatitig kay Nanang. Ngunit, nginishan niya lang ako at nagsimula nang humakbang patungo sa sasakyang naghihintay. “T-teka. P-paano…?” Hindi ko maituloy tuloy ang sinasabi dahil sa gulat. “Hali ka na’t baka mahuli ka pa, Emily.” Sigaw niya na ibinababa pa ang tinted na bintana ng sasakyan. Nang mankita niya akong hindi pa rin makagalaw, muli siyang tumawa. “Oo, nababasa ko ang iyong iniisip. Pumarito ka na’t, nandoon na ang iba pang gusto ring pumasok na kasambahay sa kastilyo.” Wala akong nagawa at napalunok nalang sa natuklasan. Napapikit ako ng madiin dahil sa kahihiyan. Ang dami ko pa namang mga iniisip mula palang ng magising ako. Baka ano na ang isipin niya sa akin, lalo na tungkol sa opinion ko sa bayan nila. Pumasok ako sa itim na sasakyan at agad akong ngisihan ni Nanang. “Hayaan mo, hindi ko naman ipagsisigawan sa hari na ganoon ang tingin mo sa kaniya at kulang nalang ay lagyan ng kabaong ang kaharian namin para maging makatotohanan na ang mga iniisip mo.”  Napahawak nalang ako sa ulo ko sa kahihiyan na ikinatawa niyang muli. Natawa nalang din ako sa nangyayari.   Umandar ang sasakyan at agad din itong umandar paitaas sa burol. I heaved a deep sigh. I surely didn't expect things like this in Viloria. It must really be funny reading somebody else's mind and knowing how people think that the place you live in is a place for butchers. Sa rami ko ba namang narinig na mga kwento, hindi rin nila ako masisisi. Sa malapad na daan ng burol, masukal ang mga kahoy sa paligid. Huge, looming trees almost covered the entire sky making the street dark and cold-looking once again.  Ngunit nang medyo malapit na kami sa tuktok, pansin ko agad ang pagiging organisado ng nakalinyang mga kahoy sa gilid ng daanan. The road was smooth, too. Tumigil sa isang circular fountain ang sasakyan at halos mapanganga na naman ako sa ganda ng kastilyo. There are a lot of sculpted figures on the side, flowers ang grasses were embellished on the surrounding too. The garden looks well-maintained, pero nandoon pa rin ang kanina ko pang nararamdaman. There's just something cold and... lacking in this place. Maganda ang halos lahat, but it looks too gloomy. Dark. Cold. Mysterious. Like there’s something hidden. Lumabas kami ng sasakyan at agad na umakyat si Nanang sa malapad na staircase. Agad ko siyang sinundan pero lumiko siya at kumatok sa isang mas maliit na pintuan na nakasara sa gilid ng kastilyo. Nangunot ang noo ko nang hablutin ako ni Nanang paharap doon. "Nanang—" "Makinig ka, Emily." Natahimik ako. Her green eyes suddenly serious.   "Nasa tamang daan ka."  "Nanang—" Gusto ko pa sanang magtanong pero agad niyang binuksan ang pintuan at tinulak ako papasok doon. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Unti-unting sumara ang pinto at nakikita ko ang malamyos na ngiti sa labi niya. Ang berde niyang mga mata ay maaliwalas sa gitna ng liwanag.  "Magkikita tayong muli, Emily Alby." Huli niyang bigkas bago siya tuluyang nasarhan ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD