“A–Anong sabi mo? A–Asawa mo ang babaeng higad na ‘yan?” hindi makapaniwalang gagad ni Aliyah dahilan upang mapalunok si Kuya Faxton. “Yes, Babe. At alam mo kung bakit. Pero alam mong hindi ko siya mahal dahil ikaw pa rin, so let’s talk about this,” pahayag ni Kuya Faxton dito, at nasaktan naman ako sa narinig ko. “A–Akala ko’y baby lang paninindigan mo. Pero bakit pati siya’y pinanindigan mo na rin!” garalgal na sambit ni Aliyah. “Dahil naaawa ako sa kanya, and that’s my reason, wala nang iba. At alam naman niya na ikaw pa rin ang gusto ko, so please bare with me, Babe. Sinabi ko na sa ‘yo ang totoo para hindi ka na magtaka pa,” paliwanag naman ni Kuya Faxton. “No, Faxton! No! You're a liar! Liar!” bulalas ni Aliyah, at mabilis na naglakad palayo sa amin. “Aliyah!” tawag ni Kuya

