"I think you should wear this," ani Rochel at pinakita sa akin ang kulay dilaw na dress. Mabilis namang kumuntra si Marienel. "Come on, hindi magsisimba si April okay? She's going on a date with Skett Helerio! One of the gorgeous bachelor in this country. Dapat sexy ang suot niya." I, again, rolled my eyes. Kanina pa sila nagtatalo sa damit na susuotin ko sa first date namin ni Skett at hanggang ngayon ay wala pa silang napipili. Nagsisi tuloy ako na humingi pa ako ng tulong sa kanila. "Maganda naman 'tong napili ko, ah. Though hindi siya kasing sexy n'yang napili mo," sagot nanaman ni Roch at itinaas niya sa ere ang kulay dilaw na damit na mayroong maliliit na bubuyog na naka pinta. Sa tingin ko ay hanggang tuhod ko ang haba no'n. "Kaya nga mas maganda 'to kasi sexy tignan," sagot n

