UGI’s POV Pagkatapos kong makita ang mga pictures na kuha ng aming mga modelo ay nag-decide na muna kaming bumalik sa hotel para naman makapagpalit kami ni Krix ng aming mga damit. Naiinitan na rin kasi ako at hindi na maganda ang pakiramdam ko sa init. Ganoon kasi ako. Always na nagpapalit ng damit lalo na kapag nasa ganitong business ako. Hindi kasi sa akin okay na kung ano ang damit ko kanina ay iyon na ang maghapon o buong araw kong damit. At kahit malinis pa iyan ay papalitan at papalitan ko na. Hindi talaga pwedeng hindi. Ganoon ako. I mean, ganoon kami pinalaki ng aming mga magulang. Kaya kapag nagbabakasyon kami ng ilang araw lang noon sa mga resorts ay talagang bagahe ang bitbit ni Mommy. Minsan pa nga ay nagkukulang kaya bumibili pa siya. “Magkita na lang tayo sa Baker’

