MAGKASABAY na lumapit sina Loulou at Yhael sa magbabalut, agad na bumili ng tatlo si Yhael. Wala sa sariling napangiti si Loulou nang may gumitaw na alaala sa kanyang isipan. Masayang alaala mula sa pinakamamahal niyang nobyo. Balut ang paborito nilang kainin tuwing gabing ihahatid siya nito sa parke kung saan malapit ang bahay niya. Ni minsan kasi ay hindi siya nagpahatid sa mismong bahay nila dahil hindi alam ng mga magulang niya ang pakikipagrelasyon niya rito. “Louisa?” tawag sa kanya ni Yhael. Ikinurap ni Louisa ang kanyang mga mata at tumingin sa binata, ibinigay nito ang isang balot na bukas na at handa nang kainin. “Salamat,” nakangiti niyang tugon at dahan-dahang sumimsim. “Chicharon, Sir, baka gusto niyo po?” nakangiting alok ng magbabalut kay Yhael. “Sige, manong, bi

