"HELLO, TRIX, can I meet you, tonight?" tanong ni Yhael habang nakatitig pa rin sa monitor ng kanyang laptop. "Sure, if you want you can come to my office. I'm still here," sagot nito. Pagkatapos niyang magpaalam kay Trixie sa phone ay kaagad siyang nagbihis at dali-daling bumaba sa parking lot. Alas diyes na nang gabi at alam niyang maabala niya si Trixie pero hindi din siya patitigilin ng kanyang utak sa mga tanong na namumuo na sa kanyang isipan. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol sa dating nobyo ni Louisa, baka makatulong iyon para mahanap niya ang kanyang sarili. Ngunit handa na nga ba siyang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkatao niya? kapag napatunayan niyang siya nga ang lalaking dating iniibig ni Loulou paano niya iyon maipapaliwanag kay Lindsay at maging kay Loulou?

