"Hi babe," nakangiting bati ni Susana kay Ernesto. Tumingin lang ng seryoso si Ernesto kay Susana habang nakahiga ito sa kaniyang kama sa isang kwarto sa hospital. Hinagkan ni Susana ang labi ni Ernesto, ngunit umiwas ito kaya napakunot ang noo ni Susana. "Until now galit ka pa rin sa akin? I'm sorry, I'm really sorry babe. Hindi ko sinasadyang sampalin ka last night, ikaw kasi wala ka nang ibang bukang bibig kundi iyong ex girlfriend mo na si Heaven, kaya ayon nagseselos ako. May karapatan naman akong gawin at maramdaman iyon diba? Because I'm your fiance," mahinahong saad ni Susana. Kumunot ang noo ni Ernesto at umiling iling ito," Hindi iyon ang dahilan ko Susana, kung bakit naiinis ako sa iyo ngayon. Bakit nag sinungaling ka sa akin?" "What do you mean?" tanong ni Susana. "

