"Anong nangyari?" tanong ni Andrew habang nagmamaneho ito ng kotse. Umiling-iling lang si Heaven at nakatutok ang mata sa kalsada. "Tsssk.. Mukhang may naaamoy akong kakaiba ha. Wala lang? Pero, bakit kayo naroroon sa lugar na iyon?" seryusong tanong ni Andrew na napakunot pa ang noo nito. Doon na napatungo si Heaven at napaiyak ito. Kaya ipinarada ni Andrew ang sasakyan upang kausapin ng maayos si Heaven. "Bakit tinatanong pa niya kung mahal ko pa siya? Anong gusto niyang mangyari? Bakit pilit niya pa rin inuungat ang nakaraan? Para ano? Guluhin ako?" saad ni Heaven habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. "Gusto mo balikan natin ang lukong iyon? Bibigwasan ko lang ng isa. Nakakarami na siya sa pagpapaiyak sa iyo eh," seryusong saad naman ni Andrew. "Ano ba! Seryuso ako

