Hindi alam ni Heaven kung anong nararamdaman niya sa pagkakataong iyon dahil sa unang labi na dumampi sa kanyang labi. Tila ba uminit ang kanyang buong katawan at ang kan'yang pisngi dahil sa hatid ng unang halik na iyon sa kanya. "Sorry," bulong ni Ernesto at bahagya itong lumayo sa kanya. "It's okey, ahm.. Sige alis na ako," tugon ni Heaven. Nakaramdam si Heaven ng pagkailang kay Ernesto dahil sa paghalik nito sa kanya, ngunit sa isang parte ng kanyang isip at puso nagustuhan niya iyon. At nang tatayo na si Heaven sa pagkakahiga, kinabig siya ni Ernesto upang mapahiga muli at napadagan ito sa kanya ng bahagya. Ramdam na ramdam ni Heaven ang pagbilis ng hininga ni Ernesto, habang nakatitig ito sa kanyang mata. "I love you," bulong ni Ernesto, at muli nitong hinagkan ang naka awa

