Linggo ng umaga, nagpasya si Ernesto at Heaven na mag byahe na dahil baka abutin na naman sila ng trapik sa daan, ayaw nila mahirapan kahit naka motor sila dahil malaking abala lalo na may pasok na sa trabaho kinabukasan. "You can hug me, if you want," saad ni Ernesto habang nanakbo ang motor. Narinig naman iyon ni Heaven at naintindan, hindi lang siya tumugon pero nakatago ang ngiti sa loob ng helmet na suot nito. Dahan dahang niyakap ni Heaven si Ernesto, habang nanatili ang ngiti sa labi. Sobrang saya ng puso ni Heaven lalo na ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya safe na safe siya pag kasama si Ernesto. "Grabi... Hindi ka ba napagod sa byahe? Ako nga naka angkas lang sa iyo eh ngalay na ngalay ako at napagod," saad ni Heaven at ini inat inat pa nito ang kanyang braso at kamay

