Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ni Heaven dahil sa naratnan nilang seryusong mga mukha ng pamilya niya maging ang pamilya ni Isaac, kaya napahawak si Heaven sa palad ni Isaac. "Mommy, narito pala kayo?" mahinahong saad ni Isaac at nagbigay galang da dalawang pamilya. Ganoon din si Heaven. "Saan kayo galing?" seryosong tanong ng ama ni Heaven. "Sa labas po tito, kumain lang po kami sa labas din namasyal pagkatapos." Si Isaac na ang tumugon sa tanong ng ama ni Heaven. "So, sa clinic na ba ang magandang pasyalan ngayon Isaac, Heaven?" salubong na kilay na tanong ni Mr. Angeles ang ama ni Isaac. Kaya napabitaw si Heaven sa pagkakahawak kay Isaac, at napalunok naman ng laway si Isaac dahil sa tanong ng ama nito. "Heaven, Isaac, paano n'yo nagawang lukuhin kami ng ganito?" Inihagis

