"First day kulang agad ang materyales? Gosh!!" iritableng saad ni Heaven nang makaharap si Ernesto. "Pasensya na Miss. Lacsamana, sa hindi po inaasahang pangyayari na delay po ang delivery ng truck ko manggagaling pa po kasi ng Manila ang mga supply ko," mahinahon na tugon ni Ernesto. "Gawan mo ito ng paraan Mr. Garcia, lalo na bayad na lahat ng items na kinuha ko sa iyo. At kapag hindi mo ito magawan ng paraan e-refund mo ang perang binayad ko ura mismo," seryusong saad ni Heaven at agad itong tinalikuran si Ernesto. Napakamot ng ulo si Ernesto, dahil alam niyang maglalabas siya ng pera ng malaki ngayon lalo na nagkaroon pa muli ng aberya ang truck niya ng mabutas ang gulong nito habang nasa byahe kaya ang dapat na isang araw na delay naging dalawang araw. Naiintindihan naman niyan

