Xyra's Point of view Naglagay ulit ako ng alak sa baso ko. Hindi ako madaling malasing talent yata namin ito ni Tatay. Minsan pagmalungkot kami ni tatay ay nagiinuman kami. Nasatamang edad naman na ako ng simula akong matutung uminom. Tinuro sa akin iyun ni Tatay dahil daw hindi ako madaling malasing. Lalo na pag maibang kainuman. Sinanay talaga ako ni tatay, kaso nakakalungkot na wala na akong kainuman pag malungkot ako. Hindi ako madalas uminom. Pag sobrang lungkot lang talaga. "Penge pa." Napahinto ako sa pag-iisip ng magsalita si Younis. Tinignan ko ang namumula n'yang mukha. Konti pa lang ang naiinom n'ya, pero halatang lasing na ito. "Cheers!" Nalipat ang tingin ko kay Rifle ng sumigaw ito. Ang lalaking talaga na'to. Imbis na pigilan si Younis ay kinukunsinti pa. "Hey, Rifle

