Rifle's Point Of View "Wag mo ng ikwento," mahinahon kong sabi dito. Narinig ko ang paghikbi n'ya kaya biglang nagflash back sa akin kung paano namatay ang mga magulang ko. "Tama si nanay na baka ako ang may kasalanan," nahihirapan n'yang sabi. Ramdam ko na rin ang pagbasa ng suot ko. "Wala kang kasalanan," bulong ko sa kan'ya at hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kan'ya. "Hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga taong pumatay sa tatay ko," sabi ni Xyra. Natahimik ako saglit, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya para pagaanin ang loob nito. Bakit kasi binuksan ko pa ang topic na iyun. Tinanong ko lang naman kung ampon ba s'ya o hindi eh. Sobrang sensitive ng mga ganitong usapin lalo na sa akin. "Kung gusto mo lang yumakap sa akin sabihin mo na lang. Hindi iyung gum

