CHAPTER TWO

1239 Words
Hindi naka tulog si Cael sa kakaisip sa kanyang problema at inabot na nga siya ng umaga subalit wala parin laman ang kanyang isipan kaya naman muli siyang nag tungo sa kaibigan niyang si Liam. " May alam kaba sa babae na yun? kailangan ko na siya mamaya kaya tulongan mo akong hanapin siya" Bungad agad ni Cael sa kaibigan niyang si Liam at natatawa na lang ito sa kanya. " Ikaw kasi sinungitan mo siya kaya ayan nagalit sayo, pero nakita ko yung diary niya at nakalagay yung address ng tirahan niya kung gusto mo puntahan mo nalang, marami kasi ako gagawin ngayon" Saad ni Liam at inabot niya kay Cael ang diary ni Kakay. Mabilis naman na tinungo ni Cael ang address na kung nasaan nakatira ang dalagang si Kakay at napadpad siya sa isang skwater area. " Hello po pwede po ba magtanong kung may kakilala kayong katherine buenavista?" Tanong ni Cael sa mga taong naka tambay sa isang tindahan. " Katherine buenavista? teka si kakay yata ang hinahanap mo hijo, ayon siya oh nagpapataya ng ending" Sagot ng tindera at tinuro nito si Kakay na abala sa pagpapa taya ng ending. " Sino pa ba tataya diyan, oh ikaw tataya ka-" Hindi na natuloy ni Kakay ang sasabihin niya ng makita niya muli ang supladong si Cael. " Anong ginagawa mo dito mistisong hapon?" Nakangising tanong ni Kakay at lumapit sa kanya si Cael inabot nito ang malaking halaga ng pera. " Kailangan kita ngayon kaya ito ang paunang bayad ko" Deriktang pagkakasabi ni Cael at inabot niya kay Kakay ang malaking halaga ng pera. " Wow ang laki naman nito, seryoso kaba? naku mabilis ka naman pala kausap ehh ano pa hinihintay natin tara na" Masayang pagkakasabi ni Kakay agad na siyang sumama kay Cael at dinala siya nito sa isang department store upang bihisan ng magagandang damit. " Ayuko niyan subukan mo yung isa" Utos ni Cael kay Kakay ng makita niya ang pang sampong damit na sinukat ni Kakay. " Hindi ba talaga bagay sa akin? pang sampong damit ko na ito ayaw mo parin?" Naiinis ng sabi ni Kakay dahil napapagod na siya kakabalik sa fitting room. " Palitan mo na bilisan mo na?" Pagmamadaling sabi ni Cael at walang nagawa si Kakay kundi mag subok ng panibagong damit na susuotin niya. Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na rin si Kakay suot ang isang fitted elegant dress at hindi naiwasan ni Cael na hindi matulala kay Kakay. " Ano pwede na ba ito?" Aniya ni Kakay at tila nangangati pa siya sa suot niyang dress dahil hindi naman siya sanay mag suot ng ganoon. " Ahhm- perfect, tara na" Nakangiting sabi ni Cael at inakay niya na paalis si Kakay sa Department store at pinaayos na rin niya ang dry na buhok nito. Presentable nang tignan ang hitsura ni Kakay kaya naman handa na siyang ipakilala ni Cael sa pamilya nito upang magpanggap na kasintahan ng binata. " Ang laki naman bahay niyo? ganto ka kayaman?" Namamangha sabi ni Kakay ng makita niya ang napaka laking bahay nila Cael. " Nasaan na ba ang anak mo? kanina pa ako nag aantay dito may maipapakilala ba siya sa akin?" Naiinip g tanong ni Chairman Lucy sa ama ni Cael. " Parating na daw sila Mama, oh ayan na pala sila" Natutuwang sabi ng ama ni Cael at bumungad kay Chairman Lucy ang magandang dalaga na si Kakay. '' Siya na ba ang kasintahan mo Cael? she's beautuful" Pag puri ni Chairman Lucy kay Kakay nang masilayan niya ito. " Hello po Lola, ang ganda niyo naman po" Natutuwang sabi ni Kakay at mukhang nagustohan naman siya ni Chairman Lucy. " Maupo kayong dalawa, maari ko bang matanong kung ilan taon na kayong magkasintahan?" Saad ni Chairman Lucy at nagkatinginan ang dalawa, dahil pareho nilang hindi alam ang isasagot ngunit sabay parin nilang sinagot ang tanong ni Chairaman Lucy ngunit magka salungat ang kanilang sagot. Ang sinagot kasi ni Kakay ay limang taon na silang magka sintahan ni Cael samantala ang sinagot naman ni Cael ay tatlong buwan palang sila. " Ilan taon na ba talaga kayo magkasintahan?" Nagugolohan na tanong naman ng pangalawa na anak ni Chairman Lucy. " Ahhm- ibig po namin sabihin five years and three months na po kami magkasintahan" Palusot ni Kakay at nagkatinginan ang lahat. " Talaga ba? ang tagal niyo na pala kaya ibig sabihin mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa diba" Aniya ni Chairman Lucy at biglang napayapos si Kakay sa braso ni Cael at hiniga pa nito ang ulo niya sa balikat ng binatang si Cael. " Naku po Lola subrang mahal na mahal po namin ang isa't isa sa totoo nga po subrang inlove ako sa apo niyo" Natutuwang pag sisinungaling ni Kakay at nilapit pa nito ang mukha niya kay Cael at nag nose to nose pa silang dalawa. Walang masabi si Cael sa pag arte ni Kakay dahil tila nakukumbinsi nito ang kanyang Lola kaya medyo nawala ang kaba niya. " Kung ganoon naman pala pwede na natin pag usapan ang kasal niyo kaya ako na bahala doon at ibibigay ko sayo Cael ang posisyon na pinangako ko" Masayang pagkakasabi ni Chairman Lucy at natahimik ang lahat lalo na si Cael at Kakay dahil wala sa usapan nila ang pagpapa kasal. " Pero Lola wala pa po sa plano namin ang pagpapa kasal" Saad ni Cael at biglang tumayo ang kanyang ama upang sumang ayon sa kanyang lola. " Sang ayon po ako doon Mama, kaya tutulong po ako sa pagpa plano ng kasal ng dalawa" Pag sang-ayon ng Ama ni Cael. Hindi akalain ni Kakay na maiipit siya sa ganong sitwasyon kaya kinausap niya muna si Cael sa harden habang nag aantay ng kanilang hapunan. " Teka nga wala sa usapan natin ito, ang trabaho ko lang magpanggap na kasintahan mo sa loob ng isang araw" Pag rereklamo ni Kakay at hindi na rin alam ni Cael ang gagawin niya ngunit kailangan niya makuha ang posisyon na nais niya. " Nandito na tayo kaya sige sagarin na natin at dadag-dagan ko ang bayad sayo" Despiradong pagkakasabi ni Cael. " Nababaliw kana ba ayuko nga, pagkatapos nito uuwe na ako" Naiinis na sabi ni Kakay at wala siyang balak na sagarin ang kanilang pagpapanggap na dalawa. " Tumatanggi ka sa malaking pera akala ko ba desperada ka dahil mukha ka naman pera" Pang iinsulto ni Cael at sinampal siya ni Kakay at iniwan na siya nito sa harden. Pagkatapos nga ng hapunan nila agad na hinatid ni Cael si Kakay sa bahay nito ngunit hindi pa nakaka alis si Cael nang makatanggap ng tawag si Kakay mula sa kanyang kapatid. Nagmadaling mag hanap ng masasakyan si Kakay papunta sa ospital dahil kailangan ng ma operahan nag kanyang ama bago pa man lumala ang kondisyon nito. Lingid sa kaalaman ni Kakay na sumunod sa kanya si Cael sa ospital at nakitaa nito ang kondisyon ng kanyang ama. " Hija kailangan na natin operahan ang ama mo ngunit kailangan mo muna ng malaking halaga para magawa natin iyon." Pabatid ng Doctor kay Kakay. Umiyak ng umiyak si Kakay sa harap ng Doctor dahil sa kondisyon ng kanyang ama na kailangan niya ng maagaapan. " Ako na bahala sa gastusin sa pagpapa opera ng kanyang ama kaya Doc gawin niyo ang lahat" Seryosong pagkakasabi ni Cael at napatinngin sa kanya si Kakay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD