YUMIE'S POV: TININGNAN ko ito ng masama, ang lakas ng loob niyang yakapin ako? Pilit ko itong itinutulak palayo sa akin. "We're going home." masuyo niyang hinawakan ang aking mga kamay, at inalalayan pa ako nitong tumayo. "Umuwi kang mag-isa mo, sayong-sayo na ang bahay ko palayain mo lang ako!" ramdam ko pagguhit ng mapait na ngiti sa kanyang mga labi. "Alam mo bang hindi ako nakatulog magdamag dahil sa kakahanap sayo? Yumie naman makinig ka sa akin." "At sino ka para pakinggan ko? Walang tayo Matheo, tandaan mo pumayag ako sa kasunduan natin pero hindi kasali ang sirain mo ang buhay ko!" "Hindi ko sinira ang buhay mo Yumie, kung anu man ang nangyari sa atin walang masama dahil mag-asawa naman tayo!" "Ang kapal mo! Ang bahay ko lang ang concern ko dito kaya ako pumayag na magpakasa

