Third Person's POV : "Nice acting Tita, wow ha you impressed me!" natutuwang sambit ni Angela, lingid sa kanilang kaalaman, nasa labas lang si Matheo nakikinig sa kanila. "I told you so Angela, hindi ako kayang tanggihan ng anak ko!" lalong lumawak ang pagkakangiti ni Angela na malamang matutuloy ang kasal nila ni Matheo. Nagpupuyos sa galit si Matheo at nagmamadaling pinuntahan ang cardiologist ng kanyang Ina. "Where is Doctor Cruz, I need to talk to him!" nagulat naman ang mga nurses dahil sa sobrang galit niya ay nahampas niya ang mesa sa harapan nila. "Sir nasa loob po si Doc, pasok na lang po kayo!" natataranta namang sabi ng isang nurse. Nagmamadali itong pumasok sa loob at halos sipain na niya ang pintuan para magbukas lang iyon. Gulat na gulat ang dalawang Doctor sa loob, tumay

