Ilang taon na rin ba simula nang magkaroon siya ng ibang katayuan sa buhay? Sa tanang buhay niya noon na isang playboy at kahit sino-sino lamang na mga babae ang kaniyang dinadala sa kanilang bahay ni Alana. Inaamin niya na kahit ilang taon na ang lumipas ay tila hindi pa rin nawawala ang kan’yang ugali ngunit masasabi niyang kahit papaano ay iba na ang tingin niya sa mga babae at nangako siya na hindi na niya kailanman uulitin iyon. Hindi nga lang niya malaman kung bakit at kung kailan siya tumino ay doon pa siya naghahanap ng kalinga ng pag-ibig na kung tutuusin ay halos nasa kaniya na ang lahat at kung pera lang naman ang pinag-uusapan ay ‘di ito problema sa kan’ya. Kahit sinong babae man ang kan’yang gustuhin siguro ay mabibili niya. Napaungol siya at napahilamos ng kaniyang mukha. W
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


