ALANA One Two Three Four Five Six So please Seven Welcome Eight Nine Ms. Alana Zelith Herrera! Ten Dahan-dahan akong lumabas at nang iangat ko ang aking mukha upang makita silang lahat ay sari-saring mga photographer ang nagsisiflash ng kanilang mga camera. Ngumiti ako at kumaway sabay lapit sa akin ng emcee. "My my my hindi ata ako nababagay sa stage na ito out of place ang aking kagandahan. But sad to say na ako ang emcee kaya magtitiis po kayong lahat," saad niya na ikinatawa naman ng lahat, napangiti naman ako dahil medyo pinagaan niya ang aking loob. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Ash ngunit nagtama lamang ito sa mga mata ni Knight na kasalukuyan ding nakatingin sa akin. Para akong muling nahigop ng kanyang mga tingin making my heart beat stops. Hind

