THADDEUS Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Knight na ituloy ang kanyang operasyon kaya agad kong pinaprepara ang operating room at inayos ang lahat. Tinawagan ko narin ang mga dapat tawagan gusto kong maging successful ang operasyon, ayokong pumalya dahil kaibigan ko ang tinutukoy natin dito. Gagawin ko ang lahat maging successful lamang ang lahat. Sandali akong natigilan nang makapag-isip isip ako ng mabuti. Bakit nakapag desisyon na siya agad? Ano ang nakapag-udyok sa kanya sa sandaliang agad agad na desisyon? Marahil ba ay may kinalaman si Alana dito? Imposible namang wala siyang kinalaman. Kailangan ko siyang makausap. Agad akong pumanhik sa kwarto ni Knight at nagulat naman ako nang matagpuan siyang nag-iisa lamang. Ang buong akala ko ay kasama niya ngayon si Alana. "Hey," tawag k

