KNIGHT Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin. Hindi ko alam kung papaano ako nakabalik sa kwarto dahil ang tanging naalala ko lamang ay ang pagtatalo namin ni Alana sa labas at ang iba ay di ko na maalala. Hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Alana subalit ibang tao ang nakikita kong umuupo sa sofa at abala sa pagtitipa ng kanyang cellphone. Tuikhim naman ako at agad naman siyang napalingon sa aking direksyon. Buong akala ko ay si Ash ang nakaupo ngunit hindi pala. "Thaddeus," mahinang tawag ko hindi ako makapaniwala na makikita ko pa siya. Ilang taon narin simula nung huli kaming nagkita at sa pagkaalala ko ay nung nasa club pa kami noon at nag-iinuman. Pagkatapos nun ay hindi ko na siya nakita kailanman. Ang huling balita ko sa kanya ay ang paglaba

