Kabanata 18

3809 Words

HINANAP KO ANG karinderya na sinasabi ni Chard at meron akong nakita na isang bukas na kaunti lamang ang tao. Sumilip ako sa loob at nakahinga ako nang maluwag nang makita ko nga si Chard kasama sina Cathy. Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanila. Nakita ako ni Louie na napaturo sa akin at agad na bumaba ng upuan nito kaya napatingin din sina Cathy at Chard. “Ate!” masayang tawag sa akin ng dalawa kong kapatid at agad na lumapit sa akin. Niyakap ako ni Louie sa baywang kaya hinawakan ko siya sa ulo at napaiyak ako dahil kasama ko na muli sila. Sumunod si Cathy na niyakap din ako kaya hinawakan ko siya sa likod at niyakap din. Napaiyak pa sila habang yakap-yakap ako. Ngumiti naman ako habang panay ang tulo ng luha ko.  Tumingin ako kay Chard na masayang nakatingin sa amin. Tumango ako sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD