CHAPTER 18

2530 Words
Apat na  taon na ang lumipas. Nasasanay  na si Elaiza sa pagsasalita ng nihonggo. Halos nihonggo na din ang gamit niya pero, hindi niya pa nakakaligtaan  na magsalita ng tagalog dahil iyon ang nakagisnan  niya. At Mahal niya ang wikang iyon. Nag-aaral din siya at kasabay ng pag-aaral niya ang palaging  pagbisita  niya sa kompanya ng kanyang ina. Pinag-aaralan  niya kung paano ito patakbuhin. Kahit hirap na hirap na siya. Ginagawa niya pa din ang lahat. Kahit pagod na pagod na siya ginagawa pa din niya ang lahat para matuto. Dahil alam niya sa sarili niya na para din ito sa kaniya para hindi na siya apihin ng iba. Tinutulungan  din siya ng kanyang mga pinsan kung paano patakbuhin  ang kompanya na pinamana sa kaniya. Nakikita naman niyang mga sincere ang mga ito sa pagtulong sa kaniya. Hindi kagaya ng pinsan niya sa side ng papa niya may mga hidden agenda ang mga ito. Chissmosa pa. Habang nagpapahatid  siya sa kaniyang driver papunta sa kaniyang kompanya. May biglang tumawag sa cellphone niya. "Moshi-moshi." sagot niya. "Is this Elaiza Recuelles?" tanong ng nasa kabilang linya. "Yes. Speaking. Who's this?" tanong niya. "Ah. This is Shikaya Yamamoto." agad siyang natigilan dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya.  Huminga siya ng malalim. Mukhang hindi niya talaga matatakasan  ang nakaraan. Kalahating taon siyang naging masaya "Shikaya Yamamoto." ulit niya sa pangalan ni Shikaya. "What can I do for you?" "Can we meet?" anito sa kabilang linya. Napailing na lang siya. Hmpf. Mukhang time na para harapin si Shikaya. "Yes. When and Where?" tanong niya. "This Saturday if your not busy?" sagot nito. "_____________." "Okay." sagot niya. Sabay patay sa cellphone. Tsk. Panira ng moment. "Miss. Where here." ani ng driver niya. Napalingon naman siya sa labas at nakita niya ang building na ipinundar ng Lola at lolo niya. Huminga siya ng malalim at agad na bumaba ng sasakyan niya. Nang makababa na siya. Binabati  na siya ng mga guards pati ang mga empleyada at empleyado niya sa kompanya. "Good morning." bati niya sa mga ito. Hindi  naman siya snob katulad ng iba. Ayaw niyang maging mapagmataas. Ngumingiti  din siya sa mga ito at nakikipagkwentuhan siya. Wala siyang pakialam kung pinagchichissmisan  siya ng iba. Ang mahalaga ay tinatrato  niya ng maayos ang mga employees niya. Dahil ayaw niyang maging tulad  niya ang mga ito na pinagtabuyan. Nang makaupo siya sa kaniyang upuan sa opisina. Agad niyang pinatong ang kaniyang ulo sa headrest nito. Huminga siya ng malalim at ilang sandali  lang ay tinawagan niya ang kaniyang secretary. "Yes.  Ma'am Elaiza." "Pumunta ka dito sa opisina ko please." aniya. Ang kaniyang secretary ay isang pure Filipino. Kaya nagtatagalog  siya kapag kausap niya ito. Nakakaintindi  naman ito ng nihonggo kaya lang mas gusto niyang magsalita sa wikang nakagisnan. Ayaw niyang balang araw ay makalimutan niya kung paano magsalita nito dahil nawiwili na siya sa wika ng kaniyang ina. Mahal niya rin ang bansang Pilipinas at may dugo siyang Filipino. Minsan nga naiisip niyang bumalik na do'n. Pero, naiisip niyang paano naman ang ina niya? Walang mag-aalaga dito. Tapos, napapansin din niya sa ina niya na hindi na ito palaging inuubo. Dahil siguro iyon sa klima sa Pilipinas. Mainit kasi ang Pilipinas tapos ang Japan ay malamig. Baka sanay lang ang ina niya sa malamig. Isa pa wala naman silang aircon sa Pilipinas kahit na electric fan. Wala din. Palaging tuyo  ang pawis nito sa likod. Kaya siguro inuubo  ito. Nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang kaniyang secretary. "Hai ma'am." bati nito. "May ipapakansela po ba akong meeting o ano?" tanong nito. "Wala naman. May itatanong lang ako kung may meeting ako this Saturday?" tanong niya. "Yes po ma'am. Kay mister Caleb po." anito sa kaniya. "Oh I see." sagot niya. "What time?" "12 o'Clock po. Ikakansela  ko ba?" tanong nito. Kapag pinatawag niya kasi ang secretary niya ibig sabihin ay may ikakansela  siyang meeting or kahit kung pwede maset  ng ibang oras kahit pagod na siya kailangan niyang habulin  ang oras. Minsan late na siyang umuuwi sa bahay nila. Wala naman siyang magagawa dahil sa trabaho niya. Iyon ang trabaho na kailangan talaga ng time management. "Nope. No need. Nga pala tumawag ba sayo ang nagngangalang  Shikaya Yamamoto?" tanong niya dito. "Yes po. Ang kulit  niya po eh. Gusto niya ikaw daw talaga ang kakausap so, wala akong ibang magagawa kaya binigay ko na lang po ang number niyo. Sorry po ma'am kung binigay ko na walang pahintulot  niyo po." ani nito na may sensiredad  "It's okay. Next time. Huwag mo na ulit gagawin iyon hah. Unless my permission ko." tumango naman ito. "Yes po ma'am. Sorry po talaga." anito sa kaniya. "Sige na. You may leave." sabi niya dito. Tumango naman ito at agad na tumayo't lumabas ng opisina niya. Tsk! Sakit ng ulo ang dala ni Shikaya sa kaniya. Agad niyang tiningnan ang mga papel na nasa mesa niya. Agad siyang napatango  sa mga offer ng mga clients. Nice but she needs to study well. Marami pa siyang dapat malaman sa pagpapatakbo  ng kompanya ng kaniyang ina. Wala pa siya sa kalingkingan ng kaniyang Tito at gusto niya na maging successful din siya katulad nito. Katulong niya sa pamamalakad  ng kompanya nila ay ang best friend niyang nandiyan palagi. Kasosyo  niya din ito sa ibang mga negosyo. Ito din ang nagmamanage  ng kompanya niya sa Pilipinas. May balak din siyang umuwi kapag natapos ang taon. Dahil may bibisitahin siya. Ilang oras ang lumipas. Biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito. Ang best friend niya ang tumawag. "Moshi-moshi." sagot niya. "Where are you?" bungad na tanong agad sa kanya. "Nandito ako sa labas ng building. Nakalimutan mo na bang lalabas  tayo ngayon?" napatapik na lang siya sa noo niya ng maalala ang sinabi ng best friend niya. "Gomenasai." (I'm sorry) aniya rito. "I forgot. Matte(wait) Lalabas lang ako." aniya saka tumayo at agad na binitbit  ang bag niya. Lumabas na siya ng opisina. Nang may mahagip   ang mga mata niyang pamilyar. Pero, wala siyang pakialam do'n. Dumiretso na siyang Sumakay ng elevator at agad na pinindot ang ground floor. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang elevator at nakita niya agad ang best friend niya sa pinto. Naghihintay sa kaniya. "Tara na." anito sabay hawak sa braso niya at giya sa kanya patungo sa sasakyan nito.  Napailing na lang siya. Mukhang may bago na naman itong trip sa buhay ang best friend niya. Walang ibang ginawa kundi ang maglakwatsa  pero, pagdating naman sa kompanya. Todo  kung magtrabaho. "Saan na naman tayo pupunta?" tanong niya. "Ede. May gagawin tayo sa park." anito. Kumunot na lang ang noo niya. Tsk. Panigurado. Sa police station na naman sila magpapalipas  ng gabi. Habang sakay siya ng sasakyan na pinagmamaneho  ni Edzel. Nakatingin siya sa labas at pinagmamasdan ang lugar. Kailangan niya munang malaman kung anong gagawin ng kaibigan park. Para mapaghandaan  niya. "Anong gagawin natin do'n?" tanong niya rito sabay lingon. Lumingon din ito saglit sa kaniya. "Gagawin? Wala naman! Mag-iisip pa nga ako eh." sabay ngisi. Sa matagal na nilang magkaibigan ng kaniyang kaibigan. Kilalang Kilala na niya ito at kilala niya ang ngisi na iyan. "Hoy! Ano nga! Ako ba pinagloloko mo? Gusto mo sipain kita palabas ng sasakyan mo?" banta niya. "Wala naman talaga." sagot nito. "Sa ngayon." dagdag naman. Pambihira! Batukan  ko kaya ito? aniya sa isip. "Ay nako! Sarap mong itapon sa Fujiyama. Panigurado hindi kana talaga makakabalik pa." aniya.  "Sorry." "Anong sorry ka diyan!? Magdrive ka na lang." utos niya. "Kapag ako nadamay  na naman sa kalokohan mo. Lagot ka talaga sa akin." aniya. "Sige na nga! Sasabihin ko na kung bakit tayo pupunta do'n. Si dad kasi pinagkasundo  na naman ako sa hindi ko mahal. Kaya ayon. Gusto ko na sumigaw do'n sa park tapos may inutusan akong magkukulong  sa akin at siyempre kasali ka do'n sa sumisigaw. Dapat partners in crime tayong dalawa." "Talaga naman! Ang galing! Ang galing mo talagang mag-isip. Sa sobrang galing mo 'yong babae na mismo ang aatras  na magpapakasal  sayo. Dahil adik ka! Adik ka talaga!" aniya pagkatapos ay sinuntok sa mukha ang kaibigan. "Aray!" sigaw nito sabay preno. Mabuti na lang at nasa maluwag na daan sila. "Sadista ka talaga!" sigaw sa kaniya pero, ngumiti lang siya sa kaibigan.  Hinawakan ng kaibigan ang mukha nito pero wala siyang pakialam. Sadista na kubg sadista wala siyang paki! "Magdrive ka na nga lang!" utos niya rito. Huminga ito ng malalim at hinawakan ulit ang manobela  at nagdrive. "Kainis! 'Yong mukha ko pa talaga! Ang gwapo ko kaya para suntukin mo lang. Maraming nagkakandarapa sa aking babae. Pero, isang babae lang hindi nagkandarapa  sa akin." anito sa kaniya. "Ay. Oo at ako iyon." aniya. "Oo nga eh. Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin? Gwapo naman ako at mayaman din." pagmamayabang nito. "Malay ko!" aniya. Hindi niya din kasi alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa din niya magustuhan si Edzel. Siguro dahil hanggang ngayon ay may ibang laman ang puso niya. Iisang pangalan lang ang tinitibok  no'n. Pero, sinaktan siya nito. "Alam mo best. Halos ipagkasundo na tayo ng Lola mo at daddy ko." anito sa kaniya. Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan. Sila lang naman ang may gusto ng kasal at hindi si Elaiza. "Sila lang naman ang may gusto no'n at hindi ako. Ikaw?" tanong niya na may nakabusangot  na mukha.  Naiinis na kasi siya sa ninong niya at sa Lola niya. Dahil na din palagi silang pinagkakasundo. Eh sa ayaw niya talaga kay Edzel. Kaibigan lang ang turing niya dito. Oo! Aaminin niya na gwapo  siya. Kaya lang wala talaga eh. Siyaka isa pa, hindi naman natuturuan  ang puso niya. Kung darating man ang panahon na titibok  ang puso niya para kay Edzel siguro iyon na ang oras. Pero, hanggang hindi pa talaga. Hindi pa pwede. Dahil ayaw naman niyang magsisi  sa huli na pinakasalan niya ang taong hindi niya mahal. Gusto niya kasi na parehas na sila ng nararamdaman na dalawa. Hanggang hindi pa dumadating ang oras na iyon. Mananatili siyang single. Marami naman ang gustong makipag-date  sa kaniya kaya lang. May pagka-possessive  ang kaibigan niya kaya parating bulilyaso. Siya na lang ang humihingi ng paumanhin sa mga ito. "Nasaan na tayo?" tanong ni Elaiza kay Edzel. "Nandito na tayo sa Asukayama  park." anito sa kanya. Nang ma-ipark na ni Edzel ang sasakyan. Agad na bumaba at tumakbo si Elaiza. Namangha  siya sa kaniyang nakikita. "Wow. Ang ganda dito best!" sigaw niya. Napailing na lang si Edzel na makita ang best friend niyang umiikot  at manghang -mangha  sa mga nakikita. Marami kasing punong kahoy at Cherry trees ang lugar at kahit siya namangha  din. Pumunta siya sa mga puno at umupo sa may benches. "Best dito!" sigaw niya. Napalingon naman ang mga tao sa kanila. Ngumiti siya sa mga ito at nagbow ng konti. Nang makita ni Elaiza ang ginawa ng kaibigan ay lumapit siya sa mga tao na nandoon. "Konnichiwa." bati niya sa mga ito. Napalingon naman ang mga ibang Japanese sa kaniya. "Konnichiwa." bati din sa kaniya pabalik.  "That man is Ikareta!" turo niya kay Edzel at ngumiti sa mga ito. Tumango naman ang mga ito sa sinabi niya at mukhang naintindihan naman. "Don't come near on him okay?" Ngumiti siya ng tumango na naman ang mga ito. Biglang sumigaw ang kaibigan niya. Tumakbo ito palapit sa kanila kaya agad na nagtayuan  ang mga nagsi-upo  at upo at tumakbo din palayo kay Edzel. Kaya habang tumatakbo si Edzel tumatawa si Elaiza dahil ang mga tao ay natatakot kay Edzel. Ito diba ang gusto ng kaibigan niya? Ang matulog sa police station. So, she need a strategy. "Tasukete!  Tasukete !" sigaw niya habang tumatawa. May isang police na  nagroronda  kaya agad siyang tumakbo ng mabilis dahil nga runner siya. Agad siyang kumapit sa mga braso nito at "help me please." aniya na humihinga ng malalim. "Help me please." aniya ulit. "He's IKARETA! So please put him in the jail." aniya sa police. Turo niya din dito na tumakbo pa din papunta sa kaniya. Agad naman na dinakip si Edzel ng mga pulis. Kaya tawa ng tawa si Elaiza. Napahawak  pa nga siya sa tiyan niya dahil sa sakit kakatawa. "Ito ang gusto mo diba? Ang matulog sa police station. So, ako na ang gumawa." Tapos tumawa na naman siya. Ang mga ibang tao tuloy nagtaka kung anong lenguwahe  ginamit nila. "Ikaw! Langyah ka best!" sigaw ni Edzel habang dinadala  siya ng mga police sa police station. Kumaway pa nga si Elaiza sa best friend niya nung makalayo  ang mga ito. "Sayōnara!" sigaw niya habang kumakaway  dito. Nang hindi na niya makita ang kaibigan dahil malayo na ito. Nawala ang ngiti niya at napalitan  ng pagtataka ang mukha niya. Dahil nakatingin sa kaniya halos lahat ng tao. "Arigato." anito sa kaniya. "Arigato Gozaimasu." Iyan ang natanggap niya sa mga tao. Paulit-ulit na nagpapasalamat ang mga tao sa kaniya. Anong ginawa niya? Wala naman siyang ginawa diba? Wala talaga siyang ginawa. Tumakbo lang siya at pinakulong  ang kaibigan na iyon naman ang gusto. Yumuyukod  pa nga ang mga ito sa kaniya. Napapangiti na lang siya sa kagagahan na ginawa nilang dalawa ng kaibigan niya. Inaalala niya ngayon kung makakalabas  kaya ang kaibigan niya? Diretso na iyon sa mental hospital panigurado. Sabihin ba naman niyang baliw ang kaibigan niya. Sinong matino naman na gustong magpakulong  para lang ayawan  siya ng babae na pinagkasundo  sa kaniya ng kaniyang ama? Matino ba 'yon kung mag-isip? Palagi na lang kasi siyang nadadamay sa lahat ng trip ng kaibigan niya. Sa dulo sa police station sila matutulog. Kaya ngayon iyong best friend na lang niya ang pinakulong  niya. Habang nagpapaalam  si Elaiza sa mga taong nasa park. Ay agad siyang umalis at tinungo ang parking lot ng asukayama park. Napapailing na lang siya sa ginawa niya. Kawawang  best friend. Kinuha niya ang duplicate na susi niya sa sasakyan ni Edzel sa bag niya. Siya na mismo ang nagmaneho  pabalik sa kompanya niya. Hindi pa din nawala ang ngiti sa labi ni Elaiza habang nasa biyahe. Nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon at sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Moshi-moshi." sagot niya. "Ma'am. May naghahanap po sa'yo." anito ng secretary niya sa kabilang linya. "Sino?" tanong niya. Niloud-speaker  na lang niya ang cellphone niya dahil nangangawit  na ang isa niyang kamay na nakahawak sa manobela at inilapag niya sa kabilang upuan. "Lalaki po ma'am. Shimon Yamamoto daw po. He needs to talked to you ASAP." napapreno  tuloy siya ng sasakyan. Mabuti na lang at naka-suot siya ng seatbelt. "Anong sabi mo?" "Shimon Yamamoto po." "Sabihin mo ayaw ko siyang makausap. Basta ikaw na ang bahala. Ayaw ko siyang makausap. Basta bahala kana kung paano ka magsinungaling." aniya dito at pinatay agad ang cellphone. Panira ng moment si Shimon. Ang saya niya pa kanina. Nawala na lang bigla dahil kay Shimon. Tsk! Kapag binastos  pa siya ng taong 'yon. Makakatikim  talaga ng sipa ng galing sa kaniya. Wala siyang pakialam kung pag-usapan  man sila or maging headline sila sa sss or sa kahit anong mga balita. Baka nga mas lalong sumikat  siya dahil diyan. Sikat na siya dahil sa YouTube bago pa siya pumunta sa Japan. Baka mas makilala na talaga siya hindi siya business industry kundi pagiging bayolente niya sa isang 'to. Wala siyang pakialam sa mga ito kahit pera ng mga ito hindi niya ginalaw. Isang buwan nga lang siyang nakapagtrabaho sa kompanya ng mga ito bilang janitress. Ginawa naman niya ang lahat. Hindi naman siya nanloko  ng tao at higit sa lahat hindi siya mukhang pera. Hindi nga niya alam kung saan man galing ang chissmiss na nakuha ni Shikaya. Pero, malalaman din niya iyan. Pagdating ng panahon. Lalabas at lalabas ang katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD