Unang araw pa lang sa trabaho ni Elaiza ay madami ng malas ang naranasan niya. Nahulog siya sa putekan, nadapa pa siya sa may mga lupa, dahil dumaan siya sa isang palayan. Malayong baryo kasi ang bahay nila. Hindi naman pwede na magrenta siya ng isang apartamento dahil mas mahal ang bayad.
Siyaka isa pa, walang mag-aalaga sa ina niyang may sakit. Nais na nga niyang magtinda na lang ng kung anu-ano sa baryo nila. Pero, mas Malaki ang kita niya kapag naging janitress siya sa isang napakalaking kompanya. Kilala din ang kompanya na ito.
High school graduate lang ang natapos niya dahil wala ng panggastos pero, dahil do'n nagsusumikap siya . May nakapag- offer sa kaniya at nakapag-aral siya ng tesda pero, housekeeping ang kinuha niya kasi, iyon daw ang mas bagay sa kaniya at madali siyang makahanap ng trabaho kapag 'tapos siya. Housekeeping NC2 graduate. Nag-apply siya noong isang araw at sa awa ng Diyos ay natanggap naman siya sa pinasukang trabaho.
Kaya nga lang, madumi na ang damit niya. Mabuti na lamang at may dala siyang damit na pamalit sa kaniyang damit na nadumihan. Nang makita siya ng guwardiya sa kompanya ay agad siyang pinapasok sa isang silid para makapagbihis na agad siya. Agad siyang naglinis ng katawan sa CR ng housekeeping area.
Halos tatlong minuto lang ay tapos na agad siya. Kailangan niyang maging mabilis dahil sa uri ng trabaho niya. Bawal ang makupad para hindi agad siya matanggal. Dahil nalaman niya na palaging may sinisisante daw ang kaniyang boss.
Hindi niya alam kung ang head ba ng housekeeping or ang may-ari mismo ng kompanyang pinasukan niya. Nang tapos na siya, ay agad siyang lumabas at alam na na niya ang kung saan siya dapat maglinis, dahil sinabi ito mismo ng babaeng nag-interview sa kaniya no'ng araw na mag-apply siya sa kompanya. Laking pasalamat nga niya dahil natanggap agad siya. Pero, winarningan na siya nito na kailangan sobrang linis daw ng area na nakalaan sa kaniya dahil kung hindi mawawalan agad siya ng trabaho.
Habang naglalakad siya sa isang pasilyo patungo sa area niyang lilinisan. May nahagip ang mata niya sa kakalabas lang na isang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya nakita ang mukha. Kaya pinagpatuloy niya ang paglilinis.
Dahil tinatak niya sa isip niya ang mga sinabi ng head ng housekeeping department sa kaniya. Kailangan malinis at walang alikabok ni isa. Dahil ayaw na ayaw ng may-ari ng kompanya sa mga taong tamad. Wala siyang ginawa kundi linisan ng mabuti ang area na nakalaan sa kaniya.
Dahil sakop niya din ang mga banyo at pasilyo ng ikadalawampung palapag. Dapat duon lang siya mag-focus wala ng iba. May mga CCTV din sa mga area na naka-asign sa kaniya kaya wala siyang takas. Masipag naman siya kaya wala iyong problema. Dahil kailangan niya talaga ng pera ngayon dahil may sakit nga ang nanay niya.
Kung gusto niyang maging kayod kalabaw gagawin niya para sa ina niyang may sakit. Mahina kasi ang baga nito. May ubo at sipon. Palagi niya ngang dinadala sa klinika ng baryo nila dahil may mga libreng gamot do'n. Gumagaling din naman pero, mga ilang linggo din ang lilipas ayon may sakit na naman.
Maagang gumising si Shino para sa trabaho niya araw-araw. Pero, hindi kasali ang linggo dahil kailangan niya din ng pahinga sa halos Isang linggong trabaho sa kompanya nila.
Siya ang may hawak ngayon sa kompanya nila dahil sa hindi inaasahan. Pumunta kasi sa Japan ang kanyang ama't - ina dahil may kompanya din sila do'n.
Tatlo silang magkakapatid. Siya, ang panganay na si Shikaya at ang bunso nilang si Shimon Yamamoto. Sila ang may hawak sa pinakakilalang kompanya sa buong bansa.
Ang pangalan ng kompanya nila ay Yamamoto group of company. Halos hindi niya na alam kung ano ang uunahin niya dahil nagpatawag din ng meeting ang school ng kapatid niya. Dahil napasok na naman sa gulo. Basagulero kasi ito. Kaya hindi nila alam kung ipapakulong na lang kaya nila or hindi na pag-aaralin.
Sakit sa ulo ang dala ng bunso nila sa kanilang lahat. Palagi nga niyang tanong sa sarili kung kailan ba magtitino ang bunso nila.
Nang makarating siya sa kompanya nila. Tiningnan niya ang bawat pasilyong nadadaanan niya. Kung may alikabok ba o wala. Ayaw niya kasi sa alikabok dahil may dust allergy siya. Kapag nagkaroon ng alikabok ang damit niya nangangati agad siya.
Sa tatlo nilang magkakapatid siya lang at ang panganay ang may ga'nun na sakit. Ang bunso nila ay malaya sa kung anong aktibidades na gagawin sa school nila. Wala kasi itong allergy ng Kagaya sa kaniya. Minsan nagseselos siya dito.
Ang ate naman niyang si Shikaya ay medyo gumaling na sa allergy nito dahil na din na- immune ang katawan. Iyon daw ang ginawa nito.
Siya naman, puro aral lang at bahay nung kabataan niya.
Nakita naman niyang nalinis ng mabuti ang buong floor ng nineteenth floor. Napangiti na lang siya. Nang makalabas siya sa elevator at nagpunta sa twentieth floor ay napangiti pa din siya dahil malinis din ito.
"Good." sabi niya ng mahina at dumiretso na siya sa kaniyang opisina na nasa gitna ng twentieth floor.
Nang makarating sa kaniyang opisina ay agad siyang umupo sa upuan niya. May sarili siyang tagalinis sa opisina niya. Ang head mismo ng housekeeping department.
Habang nasa opisina niya't nagpeperma ng mga papelis para sa ipapatayong bagong accounting agency. May biglang kumatok sa pinto ng opisina kaya napalingon siya do'n. "Pasok!" sigaw niya.
Bumukas ang pinto at pumasok ang head ng housekeeping keeping department. "Ohayo Yamamoto-sama." (Good Morning, sir. Yamamoto.) bati sa kaniya ng head.
"Ohayo." (Good Morning) "Ogenki Desu ka?" (How are you?)
"Ogenki desu." (I'm fine, thanks.) sabay ngiti nito sa kaniya. Tumango lang siya at pumasok na ng tuluyan ang head.
"So, sino ang bagong naka- assign sa nineteen at twenty?" tanong niya rito.
"Iyong bagong nag- apply po Yamamoto-sama." Marunong naman siyang mag-tagalog dahil half Japanese at half Filipino siya. Isa pa, sa Pilipinas na siya tumira. Nagbabakasyon lang siya sa Japan tuwing December dahil nandoon ang pamilya ng kaniyang ama. Kahit hindi naman talaga kailangan na pumunta pero, nirerespeto niya iyon. Ayaw niyang madissapoint ang ama niya sa kaniya. "Papuntahin mo siya dito." tumango lang ang head at dali-daling lumabas ng opisina niya.
Ibinalik na niya ang mata sa penipermahan. Habang binabasa ito. May biglang tumawag sa cellphone niya. Kaya sinagot niya iyon na hindi man lang tinitingnan ang caller ID. "Hello." sagot niya dito.
"Kuya! Where are you?" tanong ng kapatid sa kabilang linya. Tsk! "Alam mo naman na walang ibang pwedeng pumunta dito kundi ikaw diba?"
"Tsk! Alam mo sakit ka talaga ng ulo." sabi niya sa kapatid niya.
"Tsk! Wala akong pakialam. Basta pumunta ka dito." demand ng bunso nila. "Pwede mo namang iwan ang kompanya kahit ilang oras lang ah?"
"Manahimik ka nga!" sigaw niya.
"Okay. Pero, pupunta ka dito."
"Oo na. May magagawa ba ako?" tanong niya.
"Wala. Siyaka isa pa, ikaw ang naatasan nila mom at dad na maging guardian ko diba kapag wala sila? Baka nakakalimutan mo sixteen pa lang ako."
"Yeah. Your only sixteen pero, ang sakit na sa ulo. Spoiled brat." sabay baba niya ng cellphone at balik sa bulsa. Agad siyang tumayo at lumabas ng opisina niya.
Habang naglilinis si Elaiza ng mga glass window nakita niya sa reflection ang head ng housekeeping department na papalapit sa kaniya. Kaya agad siyang tumayo at humarap dito. "Oh. Hai Elaiza." bati sa kaniya ng head at ngumiti ito.
Ngumiti din siya ." hello po. May problema po ba? May dumi po ba? May area po ba akong hindi pa nalilinis? Nilinisan ko pong mabuti lahat ng nakikita kong madami kahit wala pong dumi. Nililinisan ko po. May kasalanan po ba ako?" Sabi niya sa head na kinakabahan. Wala naman siyang nakaligtaan na madumi ah.
Lahat naman nalinis niya. May problema ba? Sesesantahin na ba niya ako? Aniya ng isip niya.
"Ano ka ba naman Elaiza. Hindi iyan ang ipinunta ko dito. Sabi kasi ni Mr. Yamamoto ay pinapapunta ka niya sa opisina niya."
"Po? Bakit daw po? May kasalanan ba ako?" umiling ang head sa sinabi niya. Nakahinga siya ng maluwag. Salamat naman. Akala niya makasalan siya. Ngayon pa naman na kailangan niya ng pera.
Kailangan na kailangan niya talaga ngayon. Paano na ang nanay niya. Wala na siyang ama dahil bata palang daw siya ay namayapa na ito. Kaya hanggang pictures na lang niya ito nakikita. Siyaka, isa pa hindi na din nakapag-asawa ulit ang nanay niya dahil may sakit ito at wala itong oras sa iba. Isa pa, okay lang iyon sa kaniya dahil masaya naman silang dalawa lang.
"Po? Ako po?" sabay turo a sarili niya. "Bakit daw po?" baka pagagalitan siya dahil may alikabok. Ang daming negative thoughts ang pumapasok sa utak ni Elaiza. Tumango lang ang head sa tanong niya. "S-sige po. Magbibihis lang po ako." May tatlo pa siyang damit na hindi niya pa nasusuot. Pamalit niya ito kung sakaling basa na ang damit niya dahil sa pawis.
Kailangan wala siyang alikabok na haharap sa may-ari ng building na pinagtatrabahuan niya. Dahil ayaw na ayaw nito sa alikabok.
"Sige po. Ituro niyo lang po sa akin kung saan ang opisina niya. Magpapalit lang po ako ng damit." aniya niya sa head ng housekeeping.
"Sa gitna ng twentieth floor. May nakalagay do'n na Mr. Shino Yamamoto's Office." sabi ng head at iniwan siya. Tumango lang siya at dali-daling pumunta ng housekeeping department quarters.
Nang makarating si Shino sa paaralan ng kapatid niya. Agad niyang ipinasok ang sasakyan na ginamit niya. Pinarada niya ito sa parking lot ng school.
Agad niyang pinatay ang ignition ng sasakyan at lumabas. Sinarado ang pinto at ini- auto lock ito. Nakita niya agad ang bunso nila na nakamasid sa kaniya at galit ang mukha. Napailing na lang siya. Tsk.
Unti- Unti na siyang nangangati ang paa niya dahil sa alikabok at pati sa mukha niya. Hindi na niya matiis kaya agad siyang pumasok pabalik sa sasakyan niya. Tsk! Alikabok! "Ashoo!" mukha yatang magkakasipon pa siya sa alikabok.
May kumatok sa pinto ng sasakyan niya. Nang tingnan niya ito. Si Shimon. Agad niyang pinapapasok si Shimon. "Ano ka ba naman kuya! Bakit ka bumalik dito? You know what? Your late nii-chan!" sigaw nito sa kaniya.
"Alam mo naman na maalikabok diba?" tanong niya sa kapatid niya.
"Tsk! Tumigil ka na nga. Dapat masanay kana. Alam mo ba si nee-chan Shikaya ay na-immune na sa alikabok. Ikaw na lang hindi. Minsan nga maligo ka sa putekan. " Sabi ng kapatid niya. Mas lalong nagdilim ang mukha niya dahil sa sinabi nito.
"Tsk! Manahimik ka nga! Para kang babae." Sabi niya ito. Shimon acts zippering his mouth.
"Demo nii-chan." (Pero kuya)
Pinandilatan niya ito ng mata. Ang tigas talaga ng bungo ng taong 'to. Kahit na kailan. Huminga siya ng malalim. May magagawa ba siya? Palagi naman siyang ang lahat gumagawa ng bagay, na dapat ang mga magulang niya dapat gumagawa.
Hay buhay naman oh!
"Sige na! Lalabas na ako. Tsk. " sabi niya. Pikon na pikon na siya at makati pa din ang ibang parte ng katawan niya. Kinakamot niya lang ito. Nagkakaroon na siya ng pulang rashes sa mukha. "Bilisan lang natin. Babalik pa ako sa kompanya para maligo. Ang kati na ng katawan ko. Argh!! Kailan ka ba mawawala sa sistema ko dust allergy!" sigaw niya.
Nang lumingon siya sa gilid niya at nakita niya ang kapatid niyang nagtakip ng tenga. "Tara na!" sabi ng kapatid niya at lumabas sa sasakyan niya.
Kailangan niyang makaya kahit gaano pa kakati ang katawan niya. Kailangan niyang magtiis. Sabi ng nee-chan Shikaya niya kailangan lang niyang masanay sa alikabok para maging immune ang katawan niya. "Bilisan mo nii-chan!" demand na naman ng kapatid niya. Nauna na kasi ito sa kaniya sa paglalakad. "Your late tapos, ang bagal mo pa. Tsk! Sana si nee-chan Shikaya na lang ang pinapunta ko dito pero, ang sabi kasi nina otosan and okaasan ay ikaw ang guardian ko kapag wala sila. Tsk! Ang hina mo na naman. Alikabok lang naman iyan." lintanya ng kapatid niya habang naglalakad. Siya naman ay nakasunod lang dito.
Sarap talaga itapon ito sa ilog pasig! sigaw ng isip niya. Hindi na lang siya nagreklamo at sumunod na lang dito. Pumunta na lang silang gym dahil nandoon ang mga ibang kaklase ng kapatid niya at ang nagrereklamong estudiyante dito dahil binugbog daw nito.
Basagulero, lasinggero, palaging laman ng news headlines. Panigurado bukas siya na naman ang front pages ng mga newspapers dito. Tsk! Kailan ba magtitino ang kapatid niyang ito.
Kahit kating-kati na siya. Tiniis na niya ng husto. Ang kati na ng katawan ko. Pero, kakayanin ko 'to. Para ito sa mga magulang ko. Kailangan ko lang makayanan lahat. Hanggang sa masanay ang katawan ko. Aniya ng isip niya.
Nang makarating do'n wala pa ang teacher nila. Kaya tinanong niya ang kapatid niya. "Sensie wa doko ni imasu ka?" (where is the teacher?) Hindi siya pwedeng magtagal dahil sobrang kati na talaga ng katawan niya.
Bakit kasi may ganito pa akong sakit? Sana wala. Nasa lahi kasi nila ang may allergy. 'Yung daddy niya ay may ganito din. Siyaka isa pa , mas madami din iyong allergy sa kaniya. Bawal iyong kumain ng seafoods lalo na ng hipon at crabs. Ang sarap kaya no'n.
Siya naman ay paborito niya ang seafoods. Kahit half Japanese siya, Filipino pa rin siya. Lalo na ang hipon at crabs. Kung anong paborito niya iyon naman ang kabaliktaran ng ama niya.
"I don't know." sagot naman ng kapatid. Kilala niya ang kapatid niya. Takot ito sa kaniya kapag nagsasalita na siya ng nihhongo.
"Hay nako!" pero, tiis muna hangga't kaya pa. Kaya naghanap na lang sila ng mauupuan. Habang papunta sila do'n ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Kaya kinuha niya ito sa bulsa niya't sinagot. Huminto muna siya. Ang kapatid naman niya ay gano'n din. "Moshi-moshi."
"Hello po sir. Si Mr. Yamamoto po ba 'to?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Yes. Speaking." sagot niya.
"Nasa hospital po ang mom niyo sir at ang dad niyo."
"Where?!" sigaw niya. Kinakabahan na siya. Baka anong malalang nangyari sa mga magulang niya?
"Bakit ka sumisigaw kuya? May nangyari ba?" tanong din nitong naguguluhan. Tumitingin na din sa kanila ang iba.
"Okasaan wa byoin ni imasu!" (mom is in the hospital!) sabi niya rito at agad siyang tumakbo palabas ng gymnasium.
Wala siyang pakialam sa ibang taong nakatingin lang sa kaniya. Basta ang mahalaga ay makapunta agad siya sa hospital na sinasabi sa kaniya nung tumawag.
Nang makarating siya sa sasakyan niya agad niyang pinaandar ito, ni- loudspeaker niya ang cellphone niya at dahil hindi pa binaba nung nasa kabilang linya ang tawag. Tinanong niyo ito ulit. "Saang hospital nga ulit 'yon?"
"Philippine General Hospital po sir."
"Okay thanks you." Tapos narinig niyang namatay na ang kabilang linya.
Pinaharurot niya agad ang sasakyan niya palabas ng eskwelahan. Habang nagmamaneho ay grabe pa din ang kaba sa kaniyang dibdib. Kailangan makarating siya agad do'n. Maraming masasamang bagay ang pumasok sa isipan niya.
Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang dahil simula nung kabataan niya. Hindi siya lumabag sa kahit anong sinasabi nila.
Sinusunod niya ito, kahit labag man sa kalooban niya. Basta ang mahalaga sa kaniya ay mapasaya niya lang ang mga magulang. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ng iba. Wala siyang pakialam dito. Kung ano man ang iniisip nito sa kaniya.
Dahil lahat naman ng gusto niya ay pinagbibigyan siya. Kahit ano pa ito, basta materyal na bagay lang. Ang dalawa niyang kapatid ay minsan lang. Hindi kasi sila responsable. Mga pabaya kumbaga.
Nang makarating siya sa hospital. Agad siyang pumasok at nagtanong sa nurse station. "Nurse." sambit niya sa nurse na nasa computer at may tinitiningnan. "Anong room po si Miss Hara Yamamoto?" tanong niya.
Tumingin ito ulit sa computer at may ini-scroll. "Nasa Emergency pa siya. Dumiretso lang po kayo diyan sir. Nandiyan po ang emergency." tumango siya at sinunod niya ang sabi ng nurse sa kaniya.