Nasa kwarto na siya at hinahanap ang cellphone niya. Saan na naman kaya niya iyon nailagay? Kailangan niyang matawagan agad ang best friend niya or kahit sino sa kanila. Hindi siya mapapakali kapag may nangyari sa mga ito. Wala na si Shino sa kama niya, narinig niyang umaagas ang tubig sa shower. Naligo na pala ito. Binuklat niya lahat ng gamit niya. Nahanap niya ito sa ilalim na naman ng unan niya na ginamit niya kanina. No'ng maglatag siya ng higaan. Pero, nagising na lang siya kanina nasa kama na siya. Napangiti tuloy siya, inaalala din pala siya ng nobyo. Umiinit na naman ang pisngi niya sa naiisip. Niwala niya sa isip ang mga iyon. Agad niyang hinanap ang number ng nanay niya and she press the call button. Narinig niyang nagriring ang kabilang linya. Pero, walang sumasago

