CHAPTER 63

2623 Words

"ang hangin talaga ng matandang iyon, mabuti na lang at hindi pa tayo binabagyo." narinig niyang turan ng kasama niya, napailing na lang siya. Kaya nga hindi na lang niya pinagtuonan ng pansin ang matanda kapag ang mga sinasabi nito na may dalang hangin eh. "pabayaan mo na, ganiyan talaga ang ugali ng matanda kaya wala na tayong magagawa diyan. Isa pa mabait naman siya eh, kahit gano'n ang ugali." Pagtatanggol niya sa matanda. Narinig niyang bumukas ang pinto ng VIP room, at tumingin siya sa pinto at naging alerto pero laking gulat na isang babae at lalaki ang magkasunod na naglalakad patungo sa pwesto nila. May dalang bulaklak ang babae at sa pagkakaalam niya lily ito. "akala ko ang bibilhin mo kanina onee-chan ay iyong rose, iyon kasi ang una mong nakita eh." anito sa katabing babae.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD