Nasa simbahan sila Jian ngayon at nasa harap ng altar dahil hinihintay nila ang mapapangawasa ni Harold. "Akalain mo iyon, marunong ka palang magseryoso? Dati-rati ang babaero mo ah, ilang buwan lang ang lumipas ay ikakasal ka na?" aniya dito. Isa din kasi siya sa best man. Tiningnan niya ito, nanginnginig na dahil sa kaba, siguro magiging ganiyan din ang kaba niya kapag dumating ang araw na ikakasal na din sila ni Elaiza. Ang dami niya ding iniisip, kamusta na kaya ang dalaga? Kumain na kaya ito? Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang mga magulang ng kambal na may ngiti sa labi. Ngumiti na lang siya ng mapait dahil sa nakita niya. Mabuti pa ang kambal may mga magulang pa pero siya, wala na. walang babati sa kaniya at iiyak na katulad ng mga magulang ng kambal. Hinarap siya nito na m

