Chelle's Point of view “Di pa kami nakakapag-usap. Hindi pa rin siya dumadating” seryosong tugon ko naman habang kaharap pa din si Gelay. “Sinilip mo ba ang opisina niya?” Napa-iling naman ako. Bumuntong-hininga naman ito.“Kaya naman pala e. Chelle, kanina pa andyan si Sir. Di lang lumalabas.” pagbibigay alam sa akin ni Gelay na ikinatingin ko sa kanya. Itinuon ko ang atensyon ko sa opisina ni Sir Jorem. Nandiyan na pala siya sa loob. Bat nga ba hindi ko muna sinilip? Malamang! Natatakot akong baka ipagtabuyan niya na naman ako palayo. Ayoko nang maranasan ulit ang pangyayaring yon. Napabuntong hininga na lang ako, at napahawak sa sentido. Hinihilot-hilot ko ito dahil medyo nananakit iyon. Parang biglang sumama ang pakiramdam ko. “Ayos ka lang ba?” rinig 'kong tanong ni Gelay. Na

