“Mama Cindy!” Humahagulgol akong niyapos ni Lianne. “Tama na po! Tama na, mama!” awat pa niya sa akin. Hindi ko napansin si Lianne kanina nang pumasok ako dito sa loob. Basta na lang niya ako niyakap ng mahigpit nang mapaupo ako sa sahig. “I’m sorry po! I’m sorry, mama!” wika pa niya habang nakayakap sa akin. Bumukas ang pintuan at nagsipasukan silang lahat. Agad akong nilapitan nina mama at inalalayang tumayo nang makita kami ni Lianne na nasa sahig na at umiiyak pareho. Si Marla naman ang umalalay kay Lianne nang daluhan ako ni mama. Ibinalik nila ako sa aking kwarto para magpahinga ulit. Nagpaiwan sa morgue si Elvies at asawa nito para asikasuhin ang katawan ni Leo. Sila na daw ang bahala dahil hindi ko pa kaya at wala rin ang pamilya ni Leo. “I’m sorry, mama,” umiiyak na hingi uli
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


