Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na nga matandaan ang iba dahil sa takot ng mga oras na iyon. Namalayan ko na lang na nasa ambulansya na kami at kasalukuyang tinitingnan ng mga medic. Nang mahimasmasan ako ay hinanap agad ng mga mata ko si Charity. She was lying on a stretcher inside the ambulance with an oxygen mask. Agad akong tumayo para lapitan ang anak ko. “Ma’am, baka po mahilo kayo,” wika ng babaeng medic na nasa tabi ko at umalalay sa aking pagtayo. Mahilo? Wala akong klarong maalala sa mga nangyari kanina dahil ba hinimatay ako? “Miss, nawalan ba ako ng malay?” “Opo, ma’am,” magalang na sagot nito sa akin. “Okay na ako, miss. Gusto ko lang makita ang anak ko,” saad ko. Nang makalapit kay Charity ay agad kong hinaplos ang kanyang buhok. May mga galos ang kanyang mu

