“Taas ang kamay!” mahina ngunit mariing utos ng lalaki sa akin. “Lakad!” anito pang itinulak ako gamit ang dulo ng kanyang hawak na baril. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod ay pinilit kong maglakad hanggang sa makalabas kami sa kwartong iyon. Parang lalabas na ang puso ko dahil sa matinding pagkabog noon. Hindi ko na rin alam kung ano ang unang iisipin dahil sa takot na nararamdaman ko. “Bilisan mo ang lakad!” anito muli sa akin na tila nauubusan na ng pasensya. “M-maawa ka na po sa akin. Wala naman po akong masamang gagawin, eh!” ani ko kahit kinakain na ng takot. “H’wag ka ng maraming satsat!” angil nito sa akin. “Bilis!” Ngayon ay binabagtas namin ang hagdanan paitaas. Nakataas pa rin ang dalawang kamay ko dahil sa nakatutok niyang baril na nakadikit sa likuran ko. Narito kay

