Paggising ko kinabukasan ay halata ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa buong gabing pag iyak. Naligo at nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba para mag agahan. Nakahinga ako ng maluwag dahil natakpan naman ng make up ang namamaga kong mga mata. Nasa hapag na sina mama at papa nang sumilip ako sa b****a ng dining area. Nakaupo na rin si Charity sa pwesto niya at naka uniporme na habang inaasikaso ni Olive sa pagkain. Humalik lang ako sa pisngi nina mama at papa saka tahimik na naupo. Nginitian ko si Charity nang lingunin niya ako at hinaplos ko ang kanyang buhok. Habang tinitingnan ko ang anak ko gusto ko na namang umiyak. Sumasakit ang puso ko dahil sa ilang taon na pinagkaitan siya ng isang ama. At ngayong nakilala na niya si Leo lumalayo naman ang loob niya dito. Sa kabilang ban

