“Tita Bel, can you come with me?” ani Charity kay Belinda. “I need to go to the rest room, please.” Tumayo naman agad si Belinda at inakay si Charity sa kung saan. “Kasama lang naman ako sa mga dean’s lister pero para namang graduation ko na ‘to, Elvies,” wika ko. Kasi naman ay kompleto ang pamilya ko ngayong gabi. Hindi naman sa ayaw ko silang makita pero sobra naman yata ang selebrasyon na tulsd nito. Nginitian lang niya ako at iginiya na sa aking pwesto. “You deserve it.” “Happy birthday to you!” Napalingon ako kay Charity na nasa likuran ko na pala nang kumanta itong bigla. May hawak itong round black forest cake at may maliit na kandilang nakasindi sa gitna. Nakisabay na rin ang lahat sa pagkanta ni Charity ng birthday song para sa akin. Agad kong pinahid ang mga butil ng luha

