PAGDATING namin sa isang gas station sa Pampanga, nakahanap ako ng pagkakataon. Luminga-linga ako sa paligid. Maraming sasakyang nakaparada sa tapat ng mga kainan, restawran at iba’t-ibang establishment doon ngunit hindi naman punuan. Katirikan na ng init ng araw nang mapansin ko ang isang kotseng nakaparada sa may di-kalayuan. Napaisip ako kung iyon ang kotseng humarang sa’kin sa hotel noong pasakay ako sa likod ng sasakyan ni Jackie. When I first saw the car at the hotel, I knew it was probably one of their security staff that served as a decoy to throw the scent off from us. In the next few minutes, I hope I’ll be able to give it a new meaning and purpose. It’s now or never. Kapag napalagpas ko pa ang pagkakataong ito ay tiyak na hindi na ‘ko makakalayo sa kanila. Naniniwala ako n

